Chapter 12 - Bye Baby

Start from the beginning
                                    

Matangkad ito, matangkad ng kaunti kay Nikko. Malaking lalaki, actually. May dala ito'ng attaché case na itim. May kabataan pa ang lalaki. Sa tingin ni Roxanne ay early thirties pa lang ito.

"Rex, buti dumating ka." Imbes ay sabi ni Nikko.

Umupo sa gitna nila Nikko at Raven ang lalaki. Humila ito ng isa'ng upuan mula sa kabilang table.

"Ito ba yung bata?" Tukoy nito kay Raven na sinusubuan nya ng french fries.

"Yes. And she's Roxanne. Sya yung kasama ko ng makita naming yung bata sa grocery. Roxanne, this is Attorney Rufus Alparo." Sabi pa ni Nikko.

Mabilis lang syang tiningnan ng lalaki. Antipatiko.

"Okay. So what do you want me to do?" Tanong nito.

"Well, ituturn over na namin sya sa DSWD later as I told you, pero alam mo na, almost one week na kasi mula ng makita namin sya. Baka lang kasi magka conflict."

Tumango tango ang lalaki. "Alright. Mag convoy na lang tayo. Ako mismo ang kakausap sa mga tao dun, I'll explain to them what happened."

"Yeah. Nagka lagnat kasi sya nung gabi na nakita namin sya, then nagpasya kami na wag muna dalhin ang bata matapos naming sya dalhin sa hospital, but then, kapag tumagal kasi baka lalo magka problema." Seryoso na sabi ng lalaki.

This is the first time na nakita ni Roxanne na ganito ang lalaki. Sobrang seryoso nito, walang makikitang bakas ng pagbibiro sa mukha at tono ng pagsasalita nito. He really do care about Raven.

"That's the right decision, Nikko. Anyway, hindi nyo ba talaga alam kung paano napunta sa cart nyo yang bata?"

Umiling sila.

"Entrance lang may cctv dun. Sa dami ng tao, I doubt kung malaman rin namin kung sino ang naglagay ng bata sa cart namin." Sabi ng lalaki.

Nakikinig lang sya sa usapan ng mga ito.

Tumanggi ang attorney na kumain. Maghihintay na lamang daw ito sa kotse nito. Tapusin na raw nila ang pagkain nila.

Hindi nya mapigilan malungkot kapag tinitingnan si Raven. Ang saya saya pa nito, hindi na ito madaas sumpungin. Parang hindi nya na alam ang mangyayari bukas ng wala ang bata sa kanila.

"Dalawin na lang natin sya ng madalas." Nakayuko na sabi ni Nikko.

"Ha?"

"Pwede naman natin syang dalawin ng madalas dun, for sure." Tiningnan sya nito. "S-sasama ka ba?"

Tumango sya. "Syempre. Sige, mas okay yun."

Itinuloy na lang nila ang pagkain. Nang matapos na sila ay kinarga nya na ulit si Raven. Ini-start na rin ng attorney ang sasakyan nito ng makitang naka sakay na sila.

Nag google map sila ni Nikko bago umalis sa condo nito kaya alam na nila kung saan ang daan. In thrity minutes ay narating na nila ang destinasyon

"Nikko, you can stay in the car. Sya na lang ang sasama sa akin." Tukoy ni Rufus sa kanya.

"No, I want to go too." Matigas na sabi nito.

"Nikko." Tila warning na sabi ng lalaki.

"C'mon. Kaming dalawa ang nakakita sa bata." Kinuha nito ang baby bag na nasa back seat ng sasakyan nito. May mga damit at gamit doon si Raven na binili nila para dito.

Wala ng nagawa ang abogado.

Ito ang nauna sa paglalakad sa kanila. Wala na ito'ng dalang attaché case. Ito yung tipo ng abogado na mukhang abogado talaga. Marahil ay kahit naka pang bahay lang ito ay masasabi mo pa rin na abogado ang lalaki. Nasa aura kasi nito.

Faking It (Published)Where stories live. Discover now