"Uhh... Miss? Okay lang po ba kayo?"

Napatingin siya sa babae sa front desk.

"Uh, yeah. Yeah, I'm okay. What's your question again?"

"Name of the patient po, Ma'am."

Natigilan siya. Hindi niya pwedeng sabihin ang pangalan ni Sander. Hindi niya alam kung bakit hindi alam ng lahat na nasa Pilipinas na ito pero pakiramdam niya ay dapat nitang itago iyon. Tutal ay wala rin namang nakakilala dito dahil sa sobrang bugbog na natamo nito. Kung hindi nga niya lubos na kilala si Sander ay baka maging siya hindi ito makilala.

Napalingon siya sa lalaking dumaan sa gilid niya at nakita niya ang damit nito na may print ng 5 Seconds of Summer. Naalala niya ang paboritong miyembro ng banda.

"Uhm... Luke! Yes. He's Luke. Luke, uhm, Fuentebella."

Sandaling nai-type ng babae sa computer sa harap nito ang impormasyon bago muling bumaling sa kanya.

"Kaano-ano niyo po ang pasyente?"

Husband? Napailing na lang siya sa naisip.

"Brother. Naka... tatandang kapatid ko siya." Kinakabahan siya sa ginagawang pagsisinungaling pero bahala na.

"Ano pong nangyari sa pasyente, Ma'am?" Tanong pa nito na nakaharap parin sa computer.

"Uhh... napaaway siya! Yes, napaaway at umuwi siya sa bahay namin na ganyan."

Labis niyang ipinagpapasalamat na hindi nakatingin sa kanya ang babae dahil baka mas mahirapan siyang magsinungaling kung nakatingin ito sa mga mata niya.

May ilan pa itong itinanong sa kanya kaya ilang beses pa siyang nagsinungaling bago muling bumalik sa kwarto kung nasaan ang wala pa ring malay na si Sander.

Naupo siya sa couch sa tabi ng kama nito. Ni hindi siya makatingin sa mukha nito dahil naiiyak lang siya. Kahit nag-aalangan ay dahan dahan niyang hinawakan ang kamay nito. Marahan niyang pinisil iyon. Nakaramdam siya ng kapayapaan sa kalooban ng maramdaman ang init na nagmumula sa palad nito. Palatandaan iyon na nagiging okay na nga ang kalagayan nito. Kanina kasi sobrang lamig niyon.

Isinandal niya ang ulo sa kama nito at tiningnan ang kamay nitong kapit niya. Napansin niyang masyadong pumusyaw ang kulay nito kumpara noon. Halos kasi magkasingkulay na ang mga balat nila. Wala sa sariling nilalaro niya ang mga daliri nito at hindi niya namalayan na nakatulog na siya.

Nagising siya nang maramdaman ang mararahan at maiingat na haplos sa pisngi niya. Dahan dahan niyang naimulat ang mga mata niya at tumambad sa kanya ang napaka-gwapong mukha ni Sander. Impis na ang pamamaga ng mga sugat nito ngunit malinaw parin na makikita ang ilang pasa nito.

But those bruises can't even mar the beauty of the man. Parang walang epekto sa kakisigan nito ang mga sugat na iyon.

Nabalik lang ang kanyang wisyo nang matamis na ngumiti ito.

"I thought I was just dreaming. Akala ko pinagbigyan lang ako ng Diyos na makita ka sa malapitan bago niya bawiin ang pinahiram niyang buhay sakin."

Nanlaki ang mga mata niya nang marealize na nakahiga na pala siya sa kama nito sa ospital. Agad siyang bumangon pero pinigilan siya ng mga braso nito.

"Sander---! What are you doing?!" Pabulong na tanong niya dito.

"Uhm, hugging you?" Pabulong din na sagot nito.

"Yes, I know. I mean, why are you hugging me?!"

"Because I missed you? Teka nga. Bakit ba tayo nagbubulungan?" Kunot-noong tanong nito.

"I uhh... I dunno." Napatingin siya sa mga mata nito nang makitang nakatitig din ito sa mga mata niya.

Ayun nanaman ang itim na itim na mga mata nito na para kang nilulunod sa karimlan. Lumamlam ang tingin sa mga mata nito bago nagsalita.

"I missed your eyes." Sabi nito matapos ay malungkot na ngumiti.

"I wish I didn't missed yours."

Hindi niya alan kung saan siya kumuha ng tapang para sabihin iyon. Na agad niya rin namang pinagsisihan nang makita ang sakit na bumalatay sa magagandang mga mata nito.

Hindi niya kinayang makita iyon kaya agad siyang tumalikod at tumayo sa pagkakahiga. Hindi na siya pinigilan nito sa pagkakataong iyon.

Hindi niya maintindihan kung bakit ito pa ngayon ang umaaktong nasasaktan. Anong karapatan nito para iparamdam sa kanya ang guilt dahil sa sinabi niya? Besides those were just words. At iyon ang totoo. Sana hindi siya nangulila sa mga mata nito. Sana nakalimutan na niya lahat ng tungkol dito.

Inaayos niya ang damit at buhok na nagulo sa pagkakahiga niya habang nakatalikod parin dito. Pagharap niya ay nakatulala parin ito.

"What do you want to eat?" Mahinang tanong niya sa malamig na boses.

Mariin itong pumikit na para bang nasasaktan sa tonong ginamit niya.

"I... Can we talk, Feigh?" Tanong nito nang hindi tumitingin sa kanya. Nakatitig lang ito sa kisame.

Hindi niya parin mapigilan ang sariling tumitig dito. Sa makinis nitong mukha, sa matangos na ilong, manipis at perpekto nitong mapupulang labi, sa perpektong anggulo ng panga nito... at sa mga mata. Mga mata nitong tila puno ng lungkot at maraming kailangang sabihin

"No." Sabi niya sa parehong malamig na tono.

Humarap ito sa kanya at muling tinitigan ang mga mata niya.

"Please?" Sabi nito sa nakikiusap na boses.

She looked away. Bakit pa ba? Para saan? Tapos na iyon diba? Wala na silang pag-uusapan.

Pero sinong niloko niya? Kahit naman anong tanggi niya, alam niyang gusto niya rin itong makausap. Marami siyang gustong itanong. Pero para saan pa ba at kailangan pa niya ng kasagutan? Para may closure? Ganun ba?

"Please, Feigh."

Napapikit siya ng mariin pagkarinig sa pagbigkas nito ng pangalan niya. Ilang taon ba niyang napanaginipan ang pagtawag nito sa pangalan niyang niyon? Ilang gabi ba siyang gumising na lumuluha? Ilang libong beses ba niyang dinasal na marinig muli ang boses nito na sinasambit ang pangalan niya?

"Not now." Malungkot na ngumiti siya dito bago nagpatuloy. "What do you want to eat?"

"Feigh---"

"Please, Sander. You need to eat."

Bumuntong hininga ito bago sumagot ng kung ano daw ang gusto niyang kainin ay iyon din ang kakainin nito.

Napailing na lang siya at nag-umpisang lumakad palabas. Pagkabukas niya ng pinto ay muli siyang tinawag nito.

Tumigil siya pero hindi lumingon.

"Thank you. For being there. For saving me. Again."

Marahan siyang tumango at tuluyang lumabas.


×××××

EAS1: That Wonderful Fall (Completed)Where stories live. Discover now