Chapter 50: Take time to realize

355K 8K 478
                                    

Chapter 50: Take time to realize


---


isang linggo na yung nakalipas..



Ang hirap pala ng ganito... hindi ko man lang siya mahawakan.. hindi ko man lang siya maka usap ng matagal.. ako naman may gusto neto eh di ba? sana kayanin ko...

"princess.. hindi mo naman kaylangan pahirapan yung sarili mo.. si miggy.."

"kuya pag nag balikan kami tapos pilit pa din sinsira ng ate ni miggy yung relasyon namin, tingin mo ba maayos lahat? paulit ulit lang kaming masasaktan eh.. kaya bago kami mag balikan.. okey na lahat sa ate niya.. kuya hindi naman kita minamadali ayusin lahat sa ate ni miggy eh.. alam ko naman mahihintay ako ni miggy.. di ba?" mahihintay niya nga ba talaga ako? sorry miggy..

"sorry tin.. pati kayo ni miggy tuloy nadadamay.."

"kuya wala ka naman kasalanan eh.. hindi din to kasalanan ni ate michelle.. siguro nasaktan lang siya ng sobra.. magiging okey din naman lahat di ba?"

"sige na pumasok ka na.." tapos niyakap ako ni kuya.

Para akong tanga habang nag lalakad papuntang school.. wala naka tulala lang ako eh, muntik na nga ako mabangga ng kotse..

"huy!!!" ay nakakagulat naman to.

"oh renz! papatayin mo ba ko sa gulat?"

"haha! kape ka kasi ng kape eh!"

"hindi.. may iniisip lang.."

"sino si miggy na naman? bakit iniisip ka ba niya?" iniisip kaya niya ako? siguro?

"che! nako kung ako sayo dadalawin ko na lang yung kapatid ko.."

"oo nga eto na nga eh.. kaso nakita kita para kang tanga.. alam mo yun para kang zombie mag lakad eh.. walang kabuhay buhay, pwedeng pwede ka manakawan sa ginagawa mo eh.."

"hoy anong zombie!? ang cute cute ko tas zombie?!"

"oo kaya ganito ka mag lakad oh..." nag acting siya na parang zombie.. haha! natawa tuloy ako. Duh! hindi naman ako ganyan mag lakad nuh! grabe.. ganyan ba talaga ako?

Nung pagkalingon ko ulit sa may daanan nakita ko si miggy.. "miggy.." sabi ko sa sarili ko. Nakatingin lang siya samin ni renz, nag yoyosi siya! Aba! kelan pa siya nag yosi ulit?! umalis naman siya agad.. Nag selos kaya siya? pero siya lang naman mahal ko eh..

"tin sorry.. nakita tayo ni miggy.. mamaya magalit yun sayo.."

"okey lang renz.."

"sige ah una na ko! bye ingat.."

"sige ingat! ikamusta mo kay ella ah.. sana gumaling na siya.." ngumiti lang sakin si renz tska siya umalis.

Naging close din kami ni renz, mabait kasi yan eh. Nakikita ko kasi sakanya si kuya eh. May kapatid siya si ella.. may sakit si ella.. brain cancer.. yung mga magulang nila nasa taiwan nag ttrabaho kaya siya na yung nag aalaga sa kapatid niya. Mahal na mahal niya nga yun eh, kita naman eh.. parang si kuya lang.. lagi pa niya ko pinapatawa kapag nakikita niyang malungkot ako. Siguro kapag nag kakilala sila ng maayos ni miggy, mag kakasundo din sila...

Pag pasok ko sa room, wala pa si miggy.. asan kaya yun? nauna na siya ah. Baka hindi na naman yun papasok. Tsk.. nag yoyosi.. hindi pumapasok.. nag papakalasing.. ano bang ginagawa niya? sabi niya behave daw ako pero siya naman hindi.. ano kaya yun? akala ba niya natutuwa ako sa mga pinag gagawa niya? akala niya ba kapag ginawa niya yun babalik na ko?

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon