"Wala nga... Ikaw kasi eh baka akalain nina manang kung anong ginagawa natin may padagan-dagan ka pa sakin." Iritado kong tanong at inirapan siya sabay pasok sa bahay.

"Aba naging kasalanan ko pa. Eh tahong lang naman kailangan ko eh di mo ibibigay kaya ayun." Sagot niya at tumawa habang inis na inis na ako dito.

"Kainis ka! Baka anong isipin ni Angge! Hayyys pano na toh!" Di ko mapakaling saad at tumaas naman ang kilay niya.

"Ano ba ginagawa mo? Bat sobrang affected ka kay Angge? " Tanong niya.

"Wala... Baka kasi—"

"Wag ka ng mag-isip ng paliwanag. Siya nga di nagpaliwanag na naghalikan sila ni Angel habang andun ka eh, ikaw pa kaya kung kailan wala tayong ginagawa." Saad niya at umirap.

Yes alam ni Cassy na there's this growing feelings for Angge, sinabi ko sa kanya.

"Eh parang mas malala yung naabutan nya eh." Nakabusangot kong saad. I'm dissapointed with Angge but there's this something inside me na gusto linisin ang pangalan ko sa nakita niya.

Hindi na ako nag-isip pa at hinayaan na lang na hindi magbigay ng paliwanag sa kanya kasi di nga din siya nagpaliwanag tungkol sa kanila ni Angel kaya di na din ako nag abala pang magtext o tumawag sa kanya.

"Zyrah's POV"
"Hi Zy." Nagulat ako sa biglaang pagdating nina Karl. Kakauwi lang nila from a project sa Boracay.

"Karllllllll! I missed you!" Saad ko at niyakap siya. Ngumiti naman ito sa akin.

"Miss you too Zyzy." Saad niya at nginitian ako.

Maya maya pa ay ang biglaang pagdating no Ced. Mga bestfriend namin sila in High School  and up until now magkakaibigan pa din kami.

"Ceddddddddd!" Sigaw ni Louise at niyakap si Ced. They are always the closest one here, hindi sa di kami close but Louise and ced had this connection na sobrang strong. Akala ko nga sila ang endgame hindi pala.

"Kamusta?" Tanong ni Ced at ngumiti.

"Always been better bakla!" —Charice.

"Baklaaaaaaa! Namiss kita!" Aba nagbakla-baklaan pa ang isang Ced.

Maya-maya pa ay biglang dumating si Celine kasama sina Jelly at Coting. Habang palapit siya ay titig na titig naman si Ced sa kanya kaya siniko ko ito

"Baka matunaw yan siraulo." Bulong ko sa kanya na ikinakamot niya ng batok niya.

"Ganda niya gagi." Mahinang bulong niya, sapat na para marinig ko kaya tumawa na lang ako.

"Hi Zy... " Saad niya at hinalikan niya ang pisngi ko. If your wondering kung bat di na kami nag-aaral aba bakit? Kayo na mag-aral desisyon naman kayo sa buhay. Charizzzz. Semetrial Break na namin kaya ganun.

"Celine." Saad ko at ngumiti.  "Ah guys this is Karl and Ced, Karl and Ced this is Jelly and Celine."

Pagpapakilala ko sa kanila at nagkamay naman si Jelly, Karl, at Ced habang si Celine ay si Karl lang ang kinamayan at inirapan lang si Ced na ikinatawa ko.

"Suplado mo naman Ms." Saad ni Ced habang kinikindatan si Celine pero sadyang mailap sa lalaki tong si joyjoy kaya di niya ito pinansin.

Abala kami sa pag-uusap ng biglang bumulong sakin si Ced.

"Tabi ako sa kaibigan mo ha." Saad niya kaya umusog ako kunti.

"Hi, I'm—"

"I know, kahit ilang ulit ka pang magpakilala wala akong paki." Saad ni Celine. BOOOM Ced niyo barado. Shittt sakit sa esophagus.

If Parallel Universe Exist (WANGGE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon