"Alright. Let's go." Pinangunahan nina Rein, Zhack, at Jin ang pagpasok sa gubat. Nagsisunuran naman kaming lahat.

"Akin na bag mo."

Nginiwian ko si Greg nang ilahad nya sa gilid ko ang kamay nya habang naglalakad na kaming pareho. Tinapik ko lamang iyon para ibaba.

"Ano ko? Bata?"

"Oo naman. Baby kaya kita." Ngiting asong sagot nya. "Yieee."

"Yieee." Nakangiti ding panggagaya ko. "Gago. Korni." Tsaka ko sya inirapan at inunahang maglakad.

"Sabi kasi sayo, manahimik ka na lang eh.." Biglang singit ni Gray sa likod at nauna na ding maglakad.

Bale kami na ang nasa pinakahuling naglalakad. Magkakasama yung tatlo sa harap. Tapos kanya kanya na yung mga nakasunod.

Kapansin pansin rin na hindi mahiwalay si Chloe kay Jom. Hindi naaalis ang kamay nitong nakahawak din sa kamay nya. Kaya naiintindihan ko kung bakit nasa unahan si Rein at hindi nya kami nililingon.

"Tingin mo.." I walked beside Greg to whisper. "Anong status nung apat?"

"Huh? Sino?" Sinilip nya ang tinitignan ko.

"Yung sina Rein at Jom. Pati yung dalawang kasama nila lagi. The two couples in there.." Inginuso ko ang mga nasa unahan.

"Tch. Wag mong pakealaman yung iba, Kim. Magfocus ka sakin. Kung gusto mo, gagawan na lang din kita ng problema."

"Ay, naku, wag na." Hinampas ko ang sariling kamay sa hangin. "Ikaw lang, sapat na, 'no! Ikaw ang pinakamalaking problema ko."

Muntik ko nang mabangga si Jayne nang huminto sya sa harap ko.

"Bakit ganyan kayo mag usap?" Biglang tanong nya. Kumunot nang bahagya ang noo ko at takang tumingin sa kanya at kay Greg.

"Why? Paano ba dapat?"

"Ewan ko." Nagkibit balikat sya, pinigilan kong sumimangot. "Hindi ko kasi malaman kung sweet ba yon o kung nag aaway na kayo eh.."

"Huy." Sean pulled her away from us. "Wag mong pansinin yan. Abnormal yang dalawa. Mababaliw ka pag sila kasama mo kaya wag kang didikit dyan, ha?" Parang tangang bilin nya kay Jayne, looking at us.

"Mas lalong wag kang didikit dyan." Hinila ko pabalik si Jayne at itinabi sakin. "Alam mo bang bukod sa pagiging matakaw ay madumi din ang utak nyan? Sa sobrang takaw nyan, kahit ikaw kakainin nyan! At sa dumi naman ng utak nya, isang parte lang ng katawan mo ang kakaini---"

"Hoy!" Natatawang dinuro ako ni Gray. "Ikaw ang lumayo dyan sa katabi mo Kim! Kung ano anong lumalabas sa bibig mo!"

"Huwag didikit dahil madumi ang utak?" Ulit ni Sean sa sinabi ko. "Wow, ha! Coming from you?! Tumingin ka nga dyan sa tabi mo!"

"Wow." Huminto si Rein para harapin kami kaya pati kaming mga nasa likod ay napatigil rin. Pumapalakpak syang humarap samin. "Nag enjoy ang mga bata." Sarkastikong aniya.

"Ghost hunting ang pinunta natin dito at hindi camping." Dagdag naman ni Jom.

"Sus! Hindi ka lang makawala---" Sinamaan ko ni tingin si Alex nang takpan na lang nyang bigla ang bibig ko.

Natigilan ako sa tangkang pagrereklamo nang makitang seryosong nakakunot ang noo nya. Kaya nang alisin nya ang kanyang kamay sa bibig ko ay hindi na ko nagsalita pa.

"Tumingin kayo sa paligid. Kadalasan ay hindi tubig ang patak ng ulan dito." Jin told us.

"Huh?"

"Eh, ano?"

One More Time (Ghost Series #2) Where stories live. Discover now