"Sinabi mo lang naman kagabi na liligawan mo ako," seryoso niyang saad ngunit naramdaman ko ang munting yabang sa kanyang boses.

Kaagad akong umalma sa kanyang sinabi, "wala akong sinabing ganyan, kahit mamatay ako wala akong sinabing ganyan," pagtatanggol ko sa aking sarili dahil pakiramdam ko naapakan ang dignidad ko.

"Huwag naman 'yong mamatay, hindi pa nga kita sinasagot—"

"Wala nga akong sinasabing ganoon," naiinis na ako sa kanya dahil alam kong wala akong sinabing ganoon.

"Ang sinabi ko lang, gusto kong bumalik ka sa akin," dagdag ko pa at kaagad na pinagsisihan ko iyon. Umiwas ako ng tingin nang makitang lumiwanag ang kanyang mukha sa aking sinabi.

"Ganoon na din iyon. Kung gusto mong bumalik ako sa'yo kailangan mo akong ligawan para sagutin kita," natatawa na siya sa asta ko.

"Magkaiba 'yon." Depensa ko sa aking sarili. Hindi parin tumitingin sa kanya.

"Pero gusto mong bumalik ako hindi ba?" tanong niya sa akin.

Hindi ako nakasagot kaagad. After what happened between us, I loved him more, lalo na noong naghiwalay kami at noong gabing iyon nang magkasama kami sa kanyang penthouse, noong lasing siya.

Saka ko lang nalaman na mahal ko siya noong wala na kami at doon ako nagsisi at nagalit sa aking sarili. Doon ko tuluyang napagtanto na saka mo lang malalaman kung gaano kalalim ang pagmamahal mo sa isang tao kung wala na siya sa buhay mo...and that happened to me.

"Hindi mo man lang ba inisip na lasing ako?" tanong ko pabalik sa kanya. He smiled shortly.

"Hindi," mahina niyang sagot at umiling pa siya. "I saw it in your eyes that you're telling the truth, I know you," dagdag pa niya at hindi na ako sumagot.

Tahimik naming pinagpatuloy ang pagkain at pagkatapos ay nagpresinta na akong maghugas kahit na nagpupumilit siya. Nasa living room lang siya at nagpapahinga.

Nagtagal ako sa kusina dahil lumilipad ang aking isipan sa maraming bagay katulad ng mga nangyayari sa buhay ko. Katulad ng pagbabalik ni Arthuro sa aking buhay, kung kakayanin ko ba ulit, kung ano na naman ang isasakripisyo ko para sa aming dalawa.

But all I knew and all I felt was I want him back to me. Alam kong iyon din ang gusto niya, hindi pa nawawala sa aking isipan ang sinabi niyang hihintayin niya ako kung handa na akong bumalik sa kanya dahil naghihintay lang siya sa akin. Alam kong gusto niyang bumalik rin ako sa kanya dahil para saan pa ang ginagawa namin ngayon kung hindi para doon. Nandito sa sa akin, sa iisang bubong dahil alam kong gusto niya akong makasama.

After I cleaned up the dishes, I went to him and I saw him leaning his back on the backrest of my sofa, while his legs were crossed. Nakasandal rin ang isa niyag braso sa sofa habang ang isang kamay niyaay kinakalikot ang kanyang labi. He was so bored watching cartoons on the TV.

Bumuga ako ng malalim na hininga at naglakad pabalik sa kanya. Kaagad rin naman niyang naramdaman ang presesnya ko, tumingin pa nga siya sa akin mula ulo hanggang paa na tila unang kita niya sa akin.

"Wala kang trabaho?" tanong ko sa kanya at umupo sa iisang mahabang sofa, sapat ang layo namin sa isa't isa.

"Wala. Bakit? Pinapauwi mo na ako?" tanong niya at nag-ayos ng upo bago ako hinarap.

I jokingly rolled my eyes and gentle laugh.

"Hindi naman. Workaholic ka na daw afte natin maghiwalay. Monster ka daw pagdating sa negosyo." Wika ko sa kanya dahil iyon ang naalala kong sinabi ni Juakin.

"I am not."

"Oo kaya. Pero 'yung pagiging greedy mo baka ikapahamak mo. Alam kong hindi mga ordinaryong tao ang mga nakakabangga mo at nakakasalamuha mo. Baka mapahamak ka pa," banta ko sa kanya habanag nakatngin sa cartoons sa TV.

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaWhere stories live. Discover now