Pleasure 17

2.7K 47 6
                                    

Para lang akong bumangon dahil nagising ako.

Waking up in the morning gives me nothing. Magsisimula lamang ako ng umaga isip-isip ang mga katagang mag-isa na lamang ako sa buhay. Na wala na ang dalawang taong pinakamamahal ko. Mga katagang pilit na pumapasok sa aking isipan na hindi na ako magiging masaya muli, na hindi na babalik ang dating buhay ko.

Gigising lamang ako sa umaga para umiyak, tumunganga at mag-isip ng maraming bagay. Minsan sinusubukan kong kumilos ngunit hindi ko magawa, dinadagsa parin ako ng maraming emosyon dahil sa mga problema at pagluluksang nakapatong sa akin. Nais kong kalimutan ang lahat ng nangyari ngunit hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung sino ang uunahin ko, ano ang unang gagawin ko.

Parang pinapalibutan ng kadiliman ang loob ng aming bahay, mas pinipili kong huwag pasukin ng ano mang sinag ng araw ang bahay, gusto kong magtago, gusto kong maubos ang aking luha.

I wiped my tears as I tried to stand up in the corner of my bathroom. As the shower keep of flashing water, there were my eyes continuously poured tears.

Matagal ang inabot ko bago ako nakabihis. I wore black shirt and short denim shorts.

Nakatingin ako sa harap ng salamin, tumutulo pa ng tubig ang aking buhok dahil hindi pa napunasan ng maayos. Walang reaksyon ang aking mukha habang tinitingnan ko ang aking sarili. Mas lalo akong pumuti, tila nawawala na ang pagkapula ng aking labi.

This was the evidence how miserable my life was. Hindi ko na naalagaan pa ang aking sarili, wala na din akong ganag kumain minsan, tila walang lasa ang lahat, tila ang hirap isupo ang pagkain, tila napakabigat para sa akin na lunukin ang pagkain, dahil sa totoo lang, parang wala akong karapatan na mabuhay pa.

Siguro ang pagkabuhay ko ay kaparusahan na sa akin, siguro hindi ako naging mabuting tao, hindi ako naging mabuting anak kaya nawala sa aking si mama at si papa, kaya ito ako ngayon, sinusubukang mabuhay sa loob ng karma.

Hinahatiran ako ng pagkain ni nanay Ising tuwing agahan, tanghalian, at hapunan, minsan ay gumagawa rin sila ng miryenda ngunit hindi ko din nakakain minsan dahil wala akong gana.

Kakatapos ko lang magbihis, bababa na naman ako, hindi na naman ako lalabas at iiyak na naman ako sa kahit na anong sulok ng aming bahay.

Gusto kong matawa sa aking sirili, hindi ko na lubos maintidihan ang aking sarili, hindi na lubos makilala ang pagkatao ko.

I never imagined my life would be like this, to be miserable, to be painful, to be traumatizing.

Naalala ko minsan may kumatok dito sa bahay, it was mang Karding.

Binigay ko sa kanyang ang isang daang libo para muling itanim dito sa hacienda ngunit noong araw na kumatok siya, isang masamang balita pa ang binigay niya.

Muling inatake ng piste ang mga punla, ang mga naiwang tanim noon ay kunti nalang ang napakinabangan, ang ibang naaning mais ay binenta sa murang presyo dahil panahon ng mais, ganoon din ang mga sibuyas. Ang ubasan ay tuluyang nasira at ang natitirang pag-asa na lamang ay ang mga naimbak na alak.

At ang perang natitira na lamang sa akin ay ang nakita ko sa aparador nila mama at papa at ang natira mula sa pinagbenta kong lupa.

I don't know how to keep this, I don't know where to invest this. I don't even know how to work.

Ni hindi ko nga alam buhayin ang sarili ko.

All I know is to spend money.

Kung nakakabawi ako ay ginugugol ko ang oras ko sa paghaluhog sa buong bahay, madami akong natuklasan, madami akong nalaman.

May naiwang pera sila mama, sakto na iyon para mabuhay ako sa loob ng isang taon, at gagamitin ko iyon para maghanap ng trabaho at para mabuhay ulit ang hacienda.

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaWhere stories live. Discover now