Pleasure 13

3K 44 0
                                    

I was about to stand up when I opened my eyes in a not so familiar room.

Napatulala ako habang nakatanaw sa may puting dingding ng hospital habang pinoproseso ng aking utak kung ano ang nangyari.

Muling nanumbalik ang emosyon sa akin. naramdaman ko ang panghihina ng aking katawan habang nakahiga ako sa may kama.

"Ma?"

"Pa?"

Utas iyon ng aking bibig ngunit sakto lamang ang lakas nito para marinig ko.

Ang mainit na likido sa aking mata ay kaagad na nagrolyo papunta kung saan.

Pinilit kong itinayo ang aking katawan para umalis sa silid.

Nang maatayo at naglakad papunta sa may pintuan ay may kamay na humawak sa aking palapulsuhan. Hinarap ko iyon at nakita si Arthuro, he was wearing a black t-shirt paired with black pants. Madilim ang ekspresyon nito.

"Bitiwan mo 'ko." Mahina kong saad.

"You need to rest, are you sure you're okay now?" marahan ang kanyang pagkakasabi. Binitawan niya ang pagkakahawak sa akin ngunit kaagad niya ring tinungo ang magkabila kong bisig.

Hindi ko alam kung maayos ako. Hindi ako maayos. Wala na ang mama at papa ko. Paano ako magiging maayos. Hindi ko alam kung nasaan na sila.

"Hindi ako okay, pero kailangan kong puntahan ang magulang ko."

Kinalas ko ang kanyang kamay sa aking katawan at tumalikod na sa kanya.

"Wait, I'll come with you."

Hindi ko na inindang hintayin pa siya. Mabilis akong naglakad kung saan ako dalhin ng aking mga paa.

"Here, in the morgue, they just waiting for your approval." Hinawakan niyang muli ang aking kamay at itinungo sa kung saan.

"Anong nang yari kanina?" tanong ko habang naglalakad kami nang mabilis.

"You passed out, thirty minutes kang walang malay, maybe it's your emotions and your hunger, umaga na, you haven't enough sleep."

Hindi na lamang ako sumagot. Hindi ko man lang naalala na umaga na pala.

Hindi ko rin ramdam ang gutom.

Patuloy lamang na tumagaktak ang luha sa aking mukha habang binibitbit ang dalawang kabaong para isilid sa isang sasakyan.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko, gulong-gulo na ang aking isip, hindi ko na alam kung ano pa ang isasagot ko sa mga desisyon na ngayon ko lang gagawin.

Pinaubaya ko na lamang ang proseso ng lamay at libing kila mang Karding at nanay Ising dahil ayaw ko munang mawalay ako sa labi ng aking magulang.

Kaunting oras na lamang ang natitira, baka hindi ko mamalayan na iilibing na sila.

Tulala lamang akong nakatayo habang nakatanaw maliwanag na silid ng aming bahay kung saan naroon ang kabaong ni mama at papa.

Maliwanag iyon, may mga bulaklak na nakapaligid, may kandila at makintab na kurtina.

"Andra, upo ka muna." Doon lamang ako natauhan nang marinig ko ang aking pangalan.

It's Gino, giving me mono block chair.

Kagat labi akong umupo habang nakatuon parin ang aking mga mata sa mga kabaong.

"Bakit kailangan ko 'tong maranasan?" my voice cracked.

"Naging masama ba akong anak? May nagawa ba akong mali? Deserve ko ba talaga mawalan ng magulang? Kasi kung oo, sana ako nalang, sana ako nalang ang nawala."

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaWhere stories live. Discover now