CHAPTER 48

27 0 0
                                    

SERENA'S POV

"Sir?" Gulat kong sambit sa harapan ng boss namin matapos nyang banggitun ang mga katagang.

"Serena. Ikaw ang inaatasan ko para puntahan ang kliyente natin sa Manila" si sir Andrew

"Pero sir---" pagtutol ko pa

"You heard it right Serena , tsaka ano bang kaso kapag ikaw ang pinadala upang i meet ang client natin? Tutala ikaw naman ang gusto kong ipadala talaga dahil isa ka sa pinaka magaling kong architect" sabi ni sir

Napangiti nalang ako , dahil sa pagpuri nito sakin , ngunit nawala rin ito nang pumasok sa isip ko ang Manila

'Napakalawak ng Manila . Imposible namang makita ko sya doon , hayst hindi pa ako handang makita sya' pagkausap ko sa sarili ko

"You need to go there the day after tomorrow , ang client na makakaharap mo ay isa sa mga kilala ngayon bilang isang napakagaling na CEO ng kompanya. He wants to build a new building para sa bago nilang branch . And it's a pleasure for us na tayo ang pinili nya . Don't worry makakasama mo si Anika" ani nito

Si Anika naman ay isang Engineer , dito kasi sa kompanyang pinasukan ko ay magkasama ang engineering at architecture .

"Just give me time to think sir . Ayoko po kasing iwan yung mga anak ko dito e" sagot ko

Ang yaya lamang nila ang kasama nila ngayon, Si Liander kasi ay pumunta na sa Manila kahapon , may mga raket kasi sila doon ng mga kabanda nya

"Don't worry about it . May sasakyan na kayo . And pwede mong isama ang mga anak mo . Kasi baka magtagal rin kayo doon. Depende kung hanggang kailan nyo matatapos ang project na to" sabi ni sir

"Okay sir" tanging sagot ko nalang ngunit sa loob loob ko ay may nararamdaman akong pangamba

DANIEL POV

"Daniel" tawag sakin ni Kyrine

"Kyrine ,how many times do I have to tell you na Sir ang itawag mo sakin kapag nandito tayo sa loob ng office" ma awturidad kong sabi dito

Itinigil ko muna ang pagbabasa ng ilang mga files at tumingin sa kanya

"Okay. Okay Sir .. uhm i iinform lang kita about doon sa architect na i me meet nyo po" sabi nito na umirap pa.

"about that kailan nga ba yun?" Tanong ko rito

"The day after tomorrow sir" sagot nito at tango lang naman ang isinagot ko

"Paki bigay ito kay Nathan" sabi ko at iniabot ang isang folder na may mga files

"Okay sir" sagot nito at lumabas na ng office ko

Napahinga naman ako ng malalim . Ewan ko pero parang may naramdaman akong kakaiba

To be honest this fast few days nahihirapan akong makatulog sa gabi . Makakatulog man ako siguro nasa Isa hanggang dalawang oras lang. Kaya nag papaka busy nalang ako dito sa kompanya . Sa mga nakaraang araw din ay napapanaginipan ko si Serena

Si Serena na may mga kasamang bata at isang lalaki. Malabo ang mga itchura nila. Ang tanging malinaw lang ay ang mukha ni Serena na sobrang saya

Nasasaktan ako tuwing naaalala ko yung panaginip kong iyon kagabi . Paano kung may pamilya na pala si Serena?

Nabalik ako sa realidad ng may kumakatok sa pintuan na parang hindi makapaghintay

Tsk. Ano na naman bang kailangan ni Kyrine.

"Come in" sabi ko at muling ibinalik ang tingin sa mgs files na inaaral ko

"What's up bro . Puro ka nalang trabaho. Hang out naman tayo " napaangat ako ng tingin ng hindi pala si Kyrine ang pumasok

MY SPOILED BRAT GIRLFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon