CHAPTER 50

30 1 0
                                    

DANIEL'S POV

Nandito na ako sa office ngayon at nagpapahinga sa may swivel chair ko . Naiisip ko pa rin yung mga pictures ni Serena kanina

Si Denise din . Habang kinakausap ko sya kanina , natutuwa ako kasi ang laki na ng pinagbago nya .

Kwinento nya sakin ang tungkol sa mga nangyari sakin last seven years ago . I'm so glad seeing her right now na magaling na sya

Pinakilala nya rin sa akin yung anak nya na si Amber Danae . She's 4 years old right now . Si Denise pala ay nakapag asawa na doon sa ibang bansa ng isang koreano. Kaya rin pala singkit tsaka englishera yung bata kanina

"Nasan na si Serena ? May anak na rin ba kayo?" Ngiting tanong nya sakin kanina ngunit wala akong naisagot . Bigla nalang akong nalungkot kasi mukhang may sariling pamilya na si Serena

Buti na lamang at may tumawag kay denise. Yung asawa nya raw tinatawag na sila . Gusto pa man daw nyang makipagkwentuhan pero kailangan na raw nilang umalis . Sabi pa nya dapat daw sa susunod na magkita kami kasama ko na si Serena

Nabalik lang ako sa realidad nang may kumatok sa pintuan. "Come in" sabi ko lang at hinintay na may pumasok

Iniluwa ng pintuan si Kyrine . "Sir, I just want to inform you that tomorrow at 10 am will be your meeting with the architect". Sabi nito kaya tumango lang ako

Napansin ko na hindi pa rin ito umaalis sa kinatatayuan nya kaya napakunot noo ako . "May kailangan ka pa ba?" Tanong ko

Umupo ito sa upuan sa may bandang harap ng table ko . "Daniel , wh-what if bumalik si Serena? , Uh-uhm anong gagawin mo ?" Tanong nya na nakatingin mismo sa mga mata ko

Bigla naman akong napaisip . Ano nga bang gagawjn ko ? Dati may sagot naman na ako sa tanong na to e . Pero nawala na ngayon . Paano kung may asawa na talaga sya at mga anak

"Why are you asking me that ? Sa tingin mo bababalikan pa talaga ako ni Serena?" Seryoso kong sabi na pilit tinatago ang sakit

"Uhm , I don't know pero kasi paano?" Tanong nya ulit.

"Kyrine please. Stop asking . It's none of your business . Secretary kita at ang trabaho mo lang ay ang mga papeles na yan at hindi ang personal kong buhay" sabi ko . Nakita ko sa mga mata nya na nasaktan sya sa sinabi ko . Pero kailangan ko ring ipamukha sa kanya na hindi ko sya kayang mahalin para hindi na sya umasa pa .

"Daniel mahal kita . Bakit ba si Serena pa rin ? Iniwan ka na nya at lahat lahat bakit sya parin ha? Ako ? Ako lagi akong nandito para sayo pero parang wala lang ako ! . Ang tingin mo lang sa akin ay secretary mo " naiiyak na nyang sabi

"Kasi yun ang dapat" malumanay kong sabi " Kyrine sorry . Pero napag usapan na natin to dati pa diba ? Hinding hindi na ako magmamahal ng iba pang babae . Si Serena lang ang mahal , mamahalin at minamahal ko . Kahit ilang ulit pa nya akong iwan at saktan sya pa rin ang mamahalin ko . Ngayon kung hindi mo ako naiintindihan you can leave my office now" ma awtoridad kong sabi

Tuluyan na syang umiyak . Kahit ganito pa man si Kyrine . Babae pa rin sya and I don't want to see her crying . I dont want to see any girls crying .

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya . Tumayo sya at hinarap nya ako .

"Daniel please ako nalang"sabi nya at niyakap nya ako . Umiiyak pa rin sya kaya niyakap ko rin sya pabalik . Pero nagulat ako nang bigla nya akong halikan . Ilang segundo bago ako natauhan kaya naitulak ko sya ng unti

"Kyrine ! " Inis na sigaw ko sa kanya . "I'm sorry I gotta go" sabi nya at nagmadali ng lumabas sa office ko . Ako naman ay napabuntong hininga nalang at umupo na muli sa may swivel chair ko .

MY SPOILED BRAT GIRLFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon