CHAPTER 38

55 2 0
                                    

SERENA'S POV

"Serena, Daniel?" Tawag sa amin ni ate Wendy habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko

Agad naman akong bumangon sa pagkakahiga sa kama , pati na rin si Daniel

Dali dali kong binuksan yung pintuan

"Bakit ate?" Tanong ko

"Nakahanda na ang hapunan , bumaba na kayo at nandyan na rin si lolo. Sasabay sya sa atin" sabi ni ate wendy

"Okay ate. Sunod nalang kami" sagot ko. Tumango naman sya kaya isinarado ko na ulit yung pintuan

"Tara na daw sa baba" aya ko kay Daniel paglapit ko sa kanya

"Tara" sabi naman nya at sabay na kaming naglakad palabas ng room ko

Nagtungo kami sa kusina kung nasaan si lolo , naabutan naman namin syang nakaupo na

"Hey lolo ,I miss you" sabi at hinalikan sya sa pisnge , nagmano naman sa kanya si Daniel

"Maupo na kayong dalawa" sabi ni lolo n nakangiti pa kaya umupo na rin kami ni Daniel na magkatabi

"Kamusta kayong dalawa?" Tanong pa ni lolo

"Maayos lang naman po. Masaya kami na nakita namin kayo ulit lolo" sagot ni Daniel

Tumango tango naman si lolo ,at nagsimula na kaming kumain

Tahimik lang kaming kumakain kasama si Ate Wendy nang magsalita si lolo

"Nabanggit na ba sa inyo ni Wendy ang tungkol sa magaganap na double celebration ng birthday nyo?" Tanong nya

"Yes lolo and thank you for that" sagot ko naman

"It's nothing apo ,at isa pa pasasalamat na rin natin yun kay Daniel , Salamat hijo dahil nadisiplina mo ang brat kong apo" baling nito kay Daniel

"Lolo!" Pagmamaktol ko

Tumawa lang naman silang tatlo , aish ano bang nakakatawa doon

"Wala po yun lo , diba sabi ko naman po sa inyo dati ,hindi na ako nahirapan kasi po may pagkukusa sya" sabi ni Daniel at naramdaman ko na hinawakan nya ang kamay ko sa ilalim ng mesa

Napangiti ako sa kanya nang pisilin nya ito

"Good job sa inyong dalawa" masayang sabi ni lolo

Tumingin naman sa akin si Ate wendy na parang pinapaalala ang tungkol sa totoong ugnayan namin ni Daniel sa isat isa.

Umiling ako ng palihim sa kanya kaya tumango lang sya at nagpatuloy na sa pagkain

Hindi pa ako handang umamin kay lolo , kailangan ko pang tanungin si Daniel kung pano kami aamin

"By the way lolo 3 days nalang ay debut na namin , kailan po uuwi si mom and dad?" Tanong ko

"Bukas pa sila makakarating sa Airport , mabuti pala at nabanggit mo hija. Maaari bang kayo nalang ni Daniel ang sumundo sa kanila sa Airport. May pupuntahan pa kasi ako bukas at hapon na ako makakauwi" pakiusap ni lolo

Tumingin naman ako kay Daniel na hinihintay ang kompirmasyon nya

Tumango lang sya na nakangiti

"Sure lolo no problem" ako ang sumagot kay lolo

Tinapos na namin ang pagkain. Pagkatapos ay nagpaalam kami kay lolo na dadalawin namin si kendra sa bahay nila

I'm so excited to see my bestfriend again

"Maliligo lang ako sandali" sabi ni daniel sa akin nang nasa hagdan kami

"Me too" sagot ko sa kanya. Bigla naman syang ngumisi

MY SPOILED BRAT GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now