CHAPTER 32

33 2 0
                                    

SERENA'S POV

Nauna na akong lumabas ng bahay at nagtungo sa Garden . Si Daniel naman gumagawa ng meryenda ,susunod nalang sya

Umupo ako sa may duyan at marahang napapikit dahil dinadama ko ang magandang simoy ng hangin

Hapon na kaya hindi na masyadong mainit ang panahon

Pagmulat ko ng mga mata ko ay may nakita akong pamilyar na tao na paparating

Napatayo agad nang makita ko kung sino ito

Si Denise na galit na galit ang mga tingin sa akin katulad nang tingin nya sa panaginip ko

Makalipas ang limang araw matapos ang insedenteng 'yun ay ngayon lang kami muling nagkita

Nakita ko na may benda sya sa kamay ngunit hindi yun ang nakapagpukaw ng atensyon ko

'yung mga nanlilisik nyang mga mata

Nakaramdam ako bigla nang takot

'May mental problem si Denise'

Naalala kong sabi ni Daniel kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili ko

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang makalapit na sya sakin

"Mang aagaw ka! Bakit mo hinaharangan si Daniel na dalawin ako ha?!" Bulyaw nito sakin kaya bahagya naman akong napaatras

"Hindi ko sya hinaharangan ,ano bang pinagsasabi mo?" Lakas loob kong sagot na nakapagpagalit pa lalo sa kanya

"Sumasagot ka pang malandi ka hs?!" Sigaw nya ulit at akmang sasampalin ako kaso napigilan ni Daniel ang kamay nya

"D-daniel na miss kita" ani nito na parang biglang nagbago ang ihip ng hangin dahil nawala ang nanlilisik nyang tingin at napalitan ito ng parang anghel

Binitawan ni daniel ang braso ni Denise at lumapit sakin

Hinawakan ni Daniel at iginiya nya ako sa likod nya na parang hinaharangan at pinoprotektahan sa kalaban

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Daniel gamit ang malamig na boses

"Dinadalaw ka Daniel" sabi nya

Nakita ko na napatingin si Denise sa magkahawakkamay naming dalawa ni daniel at muling tumingin sa amin

"Bakit mo sya hawak? Baka nakalimutan mo Daniel sya ang may kasalanan kung bakit ako na ospital" sabi ni Denise na pinipigilan ang sariling wag magalit.

"Alam ko na ang lahat lahat Denise kaya makakaalis kana" malamig parin na sambit ni Daniel

Nakita ko naman sa mga mata ni Denise ang sakit at galit at bigla na lang syang lumuha

Naaawa ako sa kanya pero kailangan may magpamukha sa kanya na maling mali na sya

"Hindi totoo ang mga nalaman mo daniel ,wag kang maniwala sa kanila , nililoko ka lang ni mama D-dahil gusto ka nilang ilayo sa akin , sila ,sila at ng Serenang yan magkasabwat sila ! Sakin ka maniwala Daniel please , mahal kita at alam kong mahal mo rin ako" iyak na sabi ni Denise

Hinawakan nya ang mukha ni Daniel pero iniiwas lang ni Daniel ang sa kanya

"Tama na Denise ! Oo mahal kita pero bilang isang kaibigan at kapatid lang , pero ngayon sa nalaman ko hindi ko na alam kung kaya pa ba kitang papasukin sa buhay ko lalo pa't may kinalaman ka sa pagpanaw ni nanay" matigas na sabi ni Daniel

Alam ko nasasaktan rin sya dahil tungkol ito sa pinakamamahal nyang babae ,ang kanyang nanay

"Daniel please huhuhu" pagmamakaawa ni Denise na lumuhod pa

MY SPOILED BRAT GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now