Chapter 30

79 2 0
                                    

DANIEL'S POV

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto

Paglabas ko ay saktong lumabas rin si Aling Sonya galing sa Kwarto ni Serena

"Aling Sonya maraming salamat po" pasasalamat ko sa kapit bahay namin

Nakisuyo kasi ako sa kanya kanina na kung maaari ay bihisan nya si Serena dahil basang basa kami kanina sa ulan

"Walang anuman iyon hijo, napunasan ko na rin sya pero kailangan mo parin syang punas punasan gamit ang maligamgam na tubig para tuluyan ng mawala ang lagnat nya" sabi ni Aling Sonya

"Sige po salamat ulit at pasensya na rin po sa abala" sagot ko

"Walang problema doon hijo , kailangan mo rin pala syang painumin ng gamot" sabi pa nito

"Sige po" sagot ko naman

"O sya sige at ako'y uuwi na rin" pagpapaalam nya

"Sige po" sagot ko ulit at inihatid na sya sa may pintuan

Nang makaalis na sya ay naglakad na rin ako patungo sa kwarto ni Serena

Mahimbing parin syang natutulog

Lumapit ako rito at inayos ang kumot nya

Umupo ako sa may tabi nya

Pinagmasdan ko muna sya at inihawi ko ang ilang hibla ng buhok nya na tumatakip sa mukha nya

Inilapat ko ang likod ng palad ko sa noo nya

Mainit pa rin sya

Kanina kasi habang naglalakad na kami papunta sa kotse ay bigla nalang syang natumba at nawalan ng malay

Buti na lamang at nasalo ko agad sya

Ang taas na pala ng lagnat nya

Kailangan nya talagang uminom ng gamot

Pero para maging epektibo ito ay kailangan nya munang kumain

Tinignan ko ang oras sa may wall clock

Ala una na pala ng madaling araw

Inaantok na rin ako pero kailangan kong magluto para makainom ng gamot si serena para gumaling na sya

Tumayo na ako at naglakad patungo sa pinto

Bago lumabas ng kwarto nya ay muli ko pa syang sinulyapan

Napabuntong hininga ako

Nang makarating na ako sa kusina ay inihanda ko na ang mga gagamitin sa pagluluto

Magluluto ako ng sopas ,madali lang naman itong lutuin

Nang maihanda ko na ang lahat ay sinimulan ko na ang pagluluto.

Humihikab na rin ako at pumipikit pikit na ang mata dahil sa antok pero pilit ko itong nilalabanan

Nagpakulo rin ako ng tubig

Habang hinihintay na kumulo ang mga ito ay inihanda ko na rin ang tubig at gamot

Kinuha ko rin ang thermometer para magamit ko mamaya

Nang kumulo na ang mga ito ay inihanda ko na ang mga paglalagyan ko

Kumuha ako ng tray para hindi ako mahirapan

Naglakad na ako patungo sa kwarto ni Serena

Mahimbing pa rin syang natutulog

Inilapag ko ang dala kong tray sa may side table

MY SPOILED BRAT GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now