CHAPTER 10

45 2 0
                                    

DANIEL'S POV

Napapangiti ako habang tinitignan yung mga stolen shots ni Serena sa cellphone ko

Woi, secret lang natin to ha? Lihim ko kasi syang kinukuhanan ng litrato e

Natutuwa kasi ako kapag naiinis o napipukon sya sakin e , ang ganda nya kasi tignan kapag naasar

Napagtanto ko na may gusto na nga talaga ako sa kanya

Sinubukan ko namang pigilan ang nararamdaman ko sa kanya e kaso wala e , the more na iniiwasan ang pinipigilan ko to the more na mas nahuhulog naman ako sa kanya

'haaaayst'

Ano nang gagawin ko ? Naiisip ko rin kasi si lolo ,natatakot akong mabigo ko sya gayong napakabuti nya sa akin at sa tatay ko

Napailing nalang ako sa iniisip kong yun

"Hoy baliw, ano nginingiti mo dyan ha? Share mo naman dali" sabi ni serena na kakarating lang dito sa may sala

"Wala to, chismosa ka talaga" sabi ko at agad na itinago ang phone ko sa may bulsa ng pants ko

"Aiish damot neto , ano na ba kasi yun? Mukhang ang ganda ganda nang pagkakangiti mo e" pangungulit nya na talaga naman lumapit pa sakin at tinabihan ako sa may upuan

"Kakulit naman e ,sabi ko na ngang wala e," pagtanggi ko

"Damot" sabi nya at nag pout

"Tsk wag ka nga mag pout di bagay" sabi ko

Inirapan naman nya ako

Natawa lang ako ng kunti

'isip bata'

Ni-switch nya naman yung tv at tsaka nanuod nalang

Nakarinig naman ako ng katok sa may pintuan kaya agad akong pumunta dun at binuksan ito

"Oy den, ikaw pala ,halika pasok ka" alok ko sa kanya

"Sige" sya

"Buti napasyal ka" sabi ko at sinabayan sya sa paglakad papunta sa may sala

"Na miss kasi kita" sabi niya at ngumiti

"Haha, ikaw talaga den, na miss din naman kita" sabi ko rin

"Talaga?" Sya at nagliwanag ang mga mata

Napapansin ko talaga dati pa na parang may nag iba kay denden

Ewan siguro , ganun lang talaga ang mga tao

Napatingin naman ako kay Serena nang padabog nyang nilapag ang remote sa mesa pagkatapos patayin ang tv

"Ano ba yan Serena? May problema ka ba?" Agad na tanong ko

"Wala nakakainis lang kasi yung napanuod ko, sarap patayin" pagtataray nya bigla

Parang pakiramdam ko may iba pa syang ibig sabihin sa sinabi nya

"Huh?" Kunot noo kong tanong sa kanya

"I mean yung napanuod ko kasi hindi maganda kaya masarap patayin nalang yung tv" paliwanag nya

"Hi Serena" bati sa kanya ni denise

Pero hindi man lang nya pinansin ito at padabog na naglakad papuntang kwarto nya

"Naku pagpasensyahan mo na sya den ha ,ganun talaga yun" paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

"naku ayos lang yun, tsaka diba nga nakwento mo na sakin spoiled brat at laking mayaman kasi sya" sabi nya nang natatawa

Natawa rin ako

MY SPOILED BRAT GIRLFRIEND (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt