CHAPTER 4

60 2 0
                                    

DANIEL'S POV

Pagkarating namin ni tatay sa bahay ay agad kong nakita sa may bandang pintuan namin si Denise

Mababakas sa mukha ang pagkabigla , kinabahan ako dahil pagbaba ko palang ng sasakyan ay agad nya akong niyakap na mahigpit at tuluyan ng kumawala sa kanya ang mga luha ,bigla akong kinabahan at agad na hinawakan ang dalawa nyang balikat tsaka hinarap sa kin

"Denden anong palabas na naman to ? Wag mo na nga akong pagtripan pagod kami ni tatay sa byahe" sabi ko upang mawala ang kabang nararamdaman

"S-si nanay S-sheila" sabi nito na humahagulgol pa rin

"Den sabihin mo sakin anong nangyare ? Asan si nanay?" Tanong ko

Umiling lang siya at sumulpot naman sa tabi ko si tatay

Agad akong tumakbo papasok sa loob ng bahay sumunod naman sakin si Denise at si tatay na naguguluhan na sa nangyayare

Pagkapasok ko ay agad kong hinanap si nanay

"Nay andito na kami ano ba nangyayare kay denden lakas na naman ng trip oh" sabi ko habang hinahanap pa rin si nanay

Wala sya sa sala pati na rin sa kwarto

Nagtungo ako sa kusina at gumaan ang pakiramdam ko nang makita ang malapad nyang ngiti na bungad nya sa akin ngiti nya na tulad ng ngiti nya kanina nung huli ko syang makita kaninang umaga bago kami lumuwas ng maynila

"Oy denden tama na ang drama , wala namang nangyare e . Baliw ka talaga" liningon ko sila ni tatay at sabay natawa ako

"Tay bat ganyan itsura mo?" Takang tanong ko kay tatay kumunot kasi ang noo nito at naging balisa ito ,si denden naman ay patuloy parin sa pag iyak

"Nay oh para silang ba----" biglang naputol ang sasabihin ko at unti unting nawala sa labi ko ang mga ngiti

Pag lingon ko kasi ay wala si nanay at ang tanging tumambad sa paningin ko ay ang mga dugo sa sahig

Natigilan ako at hindi na maka imik

" P-pagkadating k-ko di-to s-sa bahay nyo k-kanina n-naabutan k-ko si n-nanay sheila na duguan at wala ng m-,malay" sabi ni denden habang patuloy na umiiyak.

Unti-unti kong tinatanggal ang puting kumot na nakataklob sa buong katawan ni nanay

Nang tuluyan ko ng matanggal ay labis akong nasaktan sa nakita ko
Ang maamong mukha ni nanay na animo'y natutulog lang

Tuluyan ng bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigil ng marinig ko ang pagsigaw ni tatay sa pangalan ni nanay habang umiiyak

Lumabas na ako dahil hindi ko kaya ang nakikita ko

Naglakad ako palayo sa kwartong yun sa hospital

Maya maya pay narinig ko ang boses ni denden na tumatawag sakin

"Daniel si tatay Danilo" sigaw nya

Agad akong lumapit dito at hinila nya ako papunta sa isang gilid

"Si tatay inatake ng sakit nya sa puso " iyak nito

Hindi ako nakaimik

Makalipas ang halos isang oras ay lumabas ang doktor

"Hijo we did our best , pero hindi na naka survive ang pasyente, pero katawan nya na mismo ang kusang bumibigay" pagpapaliwanag ng doktor.

DENISE POV

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nung mailibing ang mga magulang ni daniel

"Daniel tama na lasing na lasing kana" sabi ko

MY SPOILED BRAT GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now