Chapter 26

124 14 0
                                    

“Inaatasan kitang bantayan ang anak ko,” istriktong ani ng aking ama. Tumango lamang ang batang lalaki na siguro ay dalawang taon lamang ang tanda sa akin.

Nasa loob sila ng opisina ng ama ko. Nakikita ko sila dito sa maliit na siwang ng pinto.

“Hmp,” Mabilis kong tinakpan ang bibig ko ng masinok ako at agad tumakbo paalis ng makita ako ng batang lalaki. Lagot na!

                                      ***

“Ang daming mansanas,” nangislap ang mata ko ng makitang nangingintab ang mga iyon. Sa pagtakbo ko kanina palabas ay napadpad ako rito. Nag ikot ikot ako, tumitingin sa lupa kung mayroong kapapatak lamang na mansanas. Nagka punit punit na ang suot kong bistidang puti ng dahil sa mga kahoy ngunit wala pa rin akong makita.

Napabuntong hininga ako. Sinuri ko ang puno. Nagliwanag ang aking mukha ng makitang may matatapakan ako kung aakyat ako.

Nasa gitna na ako ng dumulas ang aking kanang paa at nasugatan. Napahikbi ako sa sakit. Napabitaw ang aking kamay sa pagkakahawak. Mahuhulog na sana ako ng may katamtamang braso ang humawak sa king bewang at pinaupo ako sa isang sanga.

“Nandito ka lang pala,” aniya. S'ya 'yong lalaki kanina. Nagulat ako ng punitin n'ya ang damit niya at itinali iyon sa paa ko para matigil ang pagdurugo, nilagyan din niya iyon ng halamang gamot.

Mabait naman pala s'ya. Hindi lang halata, hehe.

                                         ***

“Sandali!” hindi ko pinakinggan si deus at nauna ng umakyat sa puno.

Galit na tumingin sa akin si deus ng makasunod siya. Nanliliit talaga ako kapag magkasama kami. Ang tangkad niya kasi. Trese anyos lamang naman s'ya at sampung taong gulang na ako. Kaunti lamang ang agwat namin pero napakalayo ng taas namin. Napasimangot ako.

    

                                        ***

“Magandang umaga!” bati ko sa aking mga kaibigan. Sa wakas ay pinayagan na akong lumabas ng palasyo ni ama basta daw ay kasama ko si deus.

Nagkaroon kasi ng kaguluhan nung nakaraan kaya halos dalawang buwan akong nasa loob lang ng palasyo.

“Magandang umaga!” bati sa akin pabalik ni aya. Hinawakan niya ako sa kamay at nauna kaming maglakad sa tatlo. Nasa likuran namin sina deus, harry at harrith. Na animoy mga gwardya namin. Napahagikhik ako.

Ayaw talaga nilang pumunta kami sa kagubatan para kumuha ng mga prutas ngunit nagpumilit ako. Ayoko sa palasyo. Masyadong malungkot doon. Lalo na at wala si ina. Bigal na lamang siyang nawala ng hindi ko nalalaman. Hindi man lang s'ya nagpaalam na aalis s'ya. Sabi ni ama ay may importante daw inaasikaso si ina. Ngunit bakit naman kailangang umabot ng halos dalawang buwan?

                                         ***

“Ama!” sigaw ko ng may nakapasok na lalaki sa aking silid.

“Ama! deus-” nagpumiglas ako sa lalaking nakaitim ng bigla niya akong buhatin at tinakpan ang aking bibig.

Nagpumiglas ako at nagsisigaw hanggang sa nawalan ako ng malay.

MARAHAS akong napamulat at napahawak sa sentido. Naaalala ko na ang lahat.

“Hey,” napatingin ako kay deus na nakaupo sa dulo ng aking higaan. Dahan dahan naman akong umupo.

My Vampire Boyfriend [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz