Chapter 7

168 37 0
                                    

“Class dismissed”

Agad ng nagsi alisan ang mga kaklase ko pati sina harry, harrith at ayara.

Nag unat unat muna ako bago isinukbit ang aking bag ng mapagawi ang aking tingin kay deus na deritsong nakatingin sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay at napairap ng gayahin nya ako.

'Sira yata ulo nito'

Lalampasan ko na sana s'ya ng bigla n'yang hinawakan ang braso ko.

“Hintayin mo kami sa hallway” Hindi ko napag tuunan ng pansin ang sinabi niya dahil sa kanyang kamay na nakahawak sa akin.

“A-ang lamig ng kamay mo” saad ko. Nagulat naman ako ng bigla niya akong bitawan at nag lakad paalis.

“A-anung nang yare dun? tsk nakakainis ka naman kasing bibig ka, sa isip ko lang dapat yun!” Mahinang asik ko sa sarili.

Lumabas na rin ako at nang makadating sa hallway ay tumigil ako.

“Maghihintay ba 'ko o hindi?” Mahinang tanong ko sa sarili, baka kasi niloloko lang ako ng deus na iyon.

Mauupo sana ako ng may maramdaman ako. Parang may nakatingin sa akin nilibot ko ang aking tingin at nakita kong biglang sumara 'yong lumang classroom. Ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko, panong kasing sasara iyon ay sa pagkakatanda ko ay sarado na talaga 'yon? Hindi 'yun binubuksan dahil nga luma na, delikado na.

Sa kuryosidad ay dahan dahan akong nag lakad papunta ron pero bago pa ko makapunta ay may biglang umalakbay sa akin na babagyang kinatalon ko.

Putek naman!

“San punta mo ally?” Tanong ni harry.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin at inalis ang pagkakaalakbay niya sa akin, nakita ko rin na papalapit na ang tatlo sa amin. Ramdam ko rin ang titig nila pero hindi ko 'yon pinansin at humarap muli doon sa lumang classroom at naestatwa ng makita kong may kadena 'yon at kitang kita na nakapad lock.

“P-paanong-”

“Huh? ano ba yon ally? anong tinitingnan mo ron?” Tanong ni harry na nasa likod ko.

Humarap ako sa kanya at umiling.

“W-wala, sabi pala sakin ni deus ay hintayin ko kayo rito. Bakit?” Tanong ko at lumingon kay deus. Pinilit kong huminahon ngunit nanginginig pa rin ako.

“Ahh magpapasama sana kami sayo, may alam ka bang kainan dito? Dun sa masarap ah at dun sa mura lang kasi ako magbabayad”

“Huh”

'Yun lang ba kaya niya sinabing mag intay ako? taga rito ba tlaga sila?

Sa huli ay pumayag na ako at dinala sila sa restaurant na pinag tatrabahohan ko.

Masarap naman ang mga pag kain namin dito at may ka murahan din. Kaya lang ay halos isang oras bago kami nakarating don.

Ang babagal kasi nila maglakad e, 'di ko alam kung sinasadya ba nila o ano. At nag tataka lang ako kung bakit di nila ginamit ang kotse ni deus.

Panay pa ang daldal ni harry at ayara. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay sinasadya nila?

“Allyson! naparito ka? sa saturday pa shift mo ah?” Naagaw ni kevin ang atensyon ko ng salubungin niya ako.

“Ah nagpasama lang sila” maikli kong sagot at tinuro sina harry na nakaupo na sa isang mesa malapit sa pinto.

“Oh kaibigan mo?” Tanong pa nito.

Kaibigan? wala 'kong kaibigan at wala ring may gustong makipag kaibigan sa akin.

Hindi ko 'yon sinabi at isinaisip ko na lang.

“Ako na mag aasikaso sa kanila, kung okay lang” Aniko.

Pumunta na ako sa may counter at kumuha ng apat na menu, binati rin ako nina gemma, mga katrabaho ko.

“Here”

“Woah mura nga rito ah? salamat naman at dito mo kami dinala ally” Naka bungisngis na saad ni harry nginitian ko na lamang siya, naiilang pa rin kasi talaga ako pag tinatawag niya akong ally.

Binigay naman nila ang order nila sa akin, nagpatulong din ako kina kevin magdala ng pagkain dahil masyadong madami ang inorder nila. Ay hindi! ang inorder pala ni harry.

“Kainan na!” Anas ni harry kaya napailing na lamang ako.

Tatalikod na sana ako ng may bigla na namang humawak sa braso ko.

“Where are you going?” At si deus na naman.

“D-doon” Bwisit bakit ba ganito? tuwing magtatama ang tingin namin ay kinakabahan ako lalo na ngayung hawak niya rin ang kamay ko. Ang lamig pa ng kamay niya.

“Sit” Seryosong sabi niya at hinila ako paapo sa katabi ng upuan niya nang hindi ako gumalaw.

Nahihiya ba 'ko? idagdag mo pa ang mga mapangasar na tingin ng tatlo.

“Here...” Alok niya sakin, inuurong niya iyon sa akin at tinaasan ako ng kilay nang titigan ko lang 'yun.

'Tsk nag tataray kapal kapal naman ng kilay. Nag mumukha siyang clown pag tinataas niya ang kilay niya kasi nag papantay'

Inis ko naman kinuha ang kutsara't tinidor at susubo na sana nang marinig kong Nagbungisngisan ang tatlo, kahit si harrith ay nakangisi at umiiling iling pa.

Hindi ko naman siguro nasabi ng malakas yun diba?

“Tsk stop it you three, kung gusto n'yo pang mabuhay” Seryosong ani ni deus. Agad naman nagsitahimikan ang tatlo pero mga nakangisi pa rin.

Habang ako? nakatitig sa kanya.

'Bakit ang lakas ng dating n'ya pag nagtatagalog?'

Nagulat naman ako ng bumaling siya sakin at nginisian ako. At ang tatlo ay muling nagsi bungisngisan.

Jusko bakit ba ko napasama sa mga baliw?

NAGLALAKAD na kami ngayun pabalik sa school dahil kukunin daw ni deus ang kotse niya.

Bakit kasi 'di niya dinala kanina.

“Hey” Napatingin ako sa gilid ko nang mag salita si aya, yeah aya na lang itatawag ko sa kan'ya, mahaba kong ayara pa.

“Hey” Sagot ko sakanya.

“How are you?” napa huh ako sa tanong niya.

“O-okay lng”

“Napapansin ko na ilag ka at madalang mag salita. Hindi ka naman ganoon dati”

Nagtatanong akong tumingin sa kaniya. Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya. Bago pa ako makapagsalita ay naagaw ng tatlo ang atensyon ko. Tumatakbo sila papunta sa amin.

“Aya!” tawag ni harry.

“Fuck! Akala ko ba wala na sila!” rinig ko pang sabi ni harry.

Nagulat na lng ako ng bigla akong tinulak ni aya, lumingon ako rito at nanlamig sa nakita.

“A-ano-”

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may brasong humawak sa akin paglingon ko ay nakita ko si deus. Bahagya ko pa s'yang natulak ng makita ko ang itsura niya, tulad ni aya ay nanlilisik ang kulay pula n'yang mga mata. Hindi ko alam kung bakit pero unti unting pumipikit ang aking mata habang nakatitig sa mga matang 'yun.

“Masyado pang maaga para malaman mo”

Hindi ko na naintindihan ang sinabi niya dahil tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

My Vampire Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now