Chapter 19

118 11 0
                                    

“Saan mo sunod nais pumunta prinsesa?” tanong ni lucio na prenteng nakaupo sa balikat ko.

“Sa silangang bahagi ang kaharian ng mga mang kukulam” bulong sa akin ni pixy na mukhang narinig ni harry kaya tumawa ito.

“M-mangkukulam?” kuryusong tanong ko. Grabe naman kasi sa mang kukulam. “Malayo ba 'yon?” usisa ko.

“Hindi naman. Gusto mo bang puntahan?” si harry.

“Sana...”

“Kung ganoon ay ayain mo si aya. Dahil hindi tayo makakapasok kung wala tayong kasamang mangkukulam” tatawa tawang ani ni harry. Agad naman s'yang nakatanggap ng hampas kay aya.

Kung ganoon......

“Tama ang iniisip mo. Kalahating mangkukulam si aya ally, dahil isang mangkukulam ang nanay niya”

“We're not mang kukulam, we are witch..” agad na singit ni aya at umirap.

“In-english mo lang”

Natawa kami. Kahit talaga dito ay aso't pusa sila.

Kasalukuyan na kaming naglalakad papunta roon. May kalayuan din dahil mas pinili namin ang maglakad kaysa gumamit ng kapangyarihan. Gusto ko rin kasi talagang makita ng buo ang lugar kung saan ako nabibilang. Baka makatulong din para bumalik ang ala-ala ko.

Ilang beses pa nga akong muntik mahulog sa mga patibong ng mga mangkukulam. Mangkukulam nga talaga sila. Si aya kasi hindi sinasabi. Tinatawanan lang naman ako ng apat.

Kung kasama lamang namin si deus. Eh ang mga kasama ko puro bully. Nangunguna na si harry, pixy at lucio. Si harrith naman ay hindi nakikitawa pero nahuhuli kong nakangiti, at halatang nagpipigil lamang. Mga bwisit.

“Malayo pa ba?” hinihingal kong tanong.

“Nandito na tayo...” anas ni aya.

Taka naman akong tumingin sa buong lugar. Wala naman akong nakikitang bahay dito. Tanging mga puno at nagtataasang damo. Pinag lololoko ba nila ak-

“Anong..” Mangha akong tumingin kay aya na nasa akin din ang tingin ng biglang nawala sa paningin ko ang mga nagtataasang mga damo, napalitan ito ng mga katamtaman. May ilang puno pa rin pero ang mas nakakagulat ay ang nasa harapan naming palasyo at mga kabahayan na kanina ay wala.

“Anong..” hindi ko maituloy ang sasabihin dahil sa pagkamangha.

“Nalinlang ka...” nakangiting ani ni aya. “Tara na, naiwan na nila tayo”

Lumingon ako sa likuran at nakitang wala na nga ang mga kasama namin.

“Halika na, ipakikilala kita sa aking ina”

Hinila niya ako papasok sa kanilang palasyo. Nakakamangha ang mga nakikita ko. Malayong malayo sa inaasahan ko. Ang akala ko pa naman ay nasa langit ang tahanan nila. Dahil sa mga napapanood kong nakasakay sa walis ang mga mangkukulam.

May mga bumabati sa amin kaya nginingitian ko sila.

“Ina!”

May tinawag si aya sa may kaliwa namin kaya't napatingin din ako roon. Doon ay nakita ko ang tinawag n'ya, na nakatingin din sa amin. Nakabestida ito ng kulay puti. Hindi pa ako kumbinsidong ito ang kan'yang ina kung hindi lamang niya tinawag ito dahil wala sa itsura niyang isa na s'yang ina.

Mukha pa rin s'yang dalaga.

“Maraming salamat” nakangiti niyang ani. Siguro ay nabasa niya ang iniisip ko.

“Ipagpaumanhin mo, hindi ko gustong mabasa ang iyong iniisip. Masyado lamang malakas kaya aking marinig”

“Okay lang po”

“Ina, hahanapin ko lamang ang aming mga kasama. Baka mapaglaruan sila at maligaw” nag mamadaling ani ni ally. “Bantayan mo s'ya!” pahabol pa niyang sabi.

Humagikhik ang kan'yang ina kaya napangiti ako. 'Kay ganda niya.

“Kumusta ka? kay tagal mong nawala”

“Ayos lamang po” sagot ko habang nililibot ang tingin sa loob ng silid. Nakuha ng isang litrato ang atensyon ko. Isang lalaki, nakikita ko sa kan'ya si aya. H'wag namang sabihing s'ya ang ama ni aya? lalong hindi halata.

Narinig ko ang pagtawa ng aking katabi.

“S'ya nga ang ama ni aya at aking asawa, anak” Nakangiting sagot niya. Bahagya pa akong natulala ng tawagin niya akong anak. Masarap sa pakiramdam.

“Nasaan po s'ya?”

“Wala na s'ya...” napalingon ako sa kan'ya dahil sa sagot niya. Bakas sa mata n'ya ang lungkot at pangungulila. Bakit kasi hindi ko napigilan ang sariling magtanong.

“Pasens'ya na po kayo” ngumiti lamang siya sa akin at bahagyang umiling na parang sinasabi na ayos lamang 'yon.

“Sila rin ang pumaslang sa kanila” saad pa n'ya.

Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Dahil sila rin ang pumatay sa totoo kong ina.

“Masyado silang sakim sa kapangyarihan, anak. Nais nilang maghari. Kailangan silang mapigilan. Kaya nais kong mag ensayo ka” bumaling ang tingin niya sa akin.

“Dahil nararamdaman kong nalalapit na nag paghaharap n'yo”

My Vampire Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now