Chapter 25

109 7 0
                                    

“Nandito na rin sila. Anong gagawin natin?” nag aalalang ani ko. Nandito kami sa itaas ng puno ni zyt at kasalukuyang nakatingin kina ama. Gusto ko na silang puntahan pero ayaw akong pakawalan ni zyt. Nararamdaman ko si lucian. Malapit lang sila.

“Ama!” pilit ako kumawala sa pagkakahawak ni zyt at basta na lamang tumalon. Hindi ko ininda ang sakit ng aking pagkakabagsak at agad ng pumunta sa kinaroroonan ni ama. Itinulak ko s'ya at niyakap kaya't napaupo kami sa lupa. Kung hindi ko ginawa 'yon kaagad ay matatamaan siya ng bumubulusok na sibat.

Tiningnan ko ang kabuuan niya. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang ayos lang s'ya. Pinaliligiran kami ng lahat. Pinoprotektahan sa kahit anong bagay na maaaring pumunta sa gawi namin.

“Ihatid n'yo pabalik sa palasyo si ama-”

“Hindi,”

“-At bantayan n'yo s'ya ng mabuti, ngayun na,” anas ko at inilipat kay aya ang tingin. Agad naman niyang nakuha ang gusto kong sabihin at inalalayan patayo ang aking ama.

“Mag-iingat kayo,” aniya at tuluyang naglaho sa harap namin bago pa maka angal ang aking ama.

May tiwala ako kay aya. Alam kong magagawa niyang protektahan ang ama ko.

“Ally,” umangat ang tingin ko kay deus ng ibinuka n'ya ang palad kong nakakuyom.

“Magiging maayos ang lahat,” aniya at mahigpit akong niyakap. Unti unting umagos ang mga luha ko. Natatakot ako. Lalo na't unti unti ng dumidilim ang lugar. Gumagabi na.

Napabitaw kami sa isa't isa ng makarinig ng sigaw.

“Anong...” hindi ko na natuloy ang sasabihin sa pagkabigla. Hindi ko namalayang hinigit ako ni deus sa kung saan para lamang makalayo sa napakaraming uwak na sumugod sa amin.

“Nandito na sila,”

“Hindi pwede to, nagkahiwahiwalay tayo,” nag aalalang aniko. Nang dahil sa mga uwak na sumugod sa amin ay kaniya kaniyang iwas ang lahat sa matutulis na mga tuka nito kaya nagkahiwahiwalay kami. Halos kalahati ang kita naming malapit sa amin. At kakahati rin ang wala. Kasama si harry at harrith.

Sana ay ligtas sila.

“Stay here,”

Mahigpit akong humawak kay deus nang akma siyang tatalon pababa sa puno kong saan kami nakapag tago.

“Saan ka pupunta!” mahinang sigaw ko.

“Susubukan kong hanapin ang iba, mahihirapan tayo kung magkakahiwalay tayo,” seryosong aniya. Humarap siya sa akin at dinampian ako ng halik sa noo bago tumalon pababa.

Halos kalahating oras na nang umalis si deus at hindi pa s'ya bumabalik. May ilang lobo ang sumunod kung saan s'ya dumaan kanina. Mahigpit akong kumapit sa sanga ng puno bago dahan dahang ibinaba ang paa. Pilit kong inabot ang nasa ibabang sanga.

Napadaing ako ng masabit ang laylayan ng damit ko sa nakausling kahoy at nagkaroon ng maliit na sugat sa may bandang tyan ko. Napamura ako ng makitang dumugo ito kaya nang tuluyan na akong makababa ay pumunit ako ng medyo mahaba sa laylayan ng aking damit at itinali doon.

“Prinsesa,” umangat ang tingin ko ng may magsalita.

“Tara na!” Nagulat ako ng may isa pang babae ang dumating at hinawakan ako sa kamay. Kahit ayokong tumakbo palayo ay napasama ako dahil higit higit ako ng dalawa.

“'Wag kang lilingon!” pigil sa akin ng babae ng akma akong lilingon pabalik ng makarinig ng mga ingay. Mga daing.

Hindi ko s'ya pinakinggan. Hinatak ko ang aking kamay sa kaniyang pagkakahawak at lumingon. Naramdaman ko ang unti unting pagpatak ng aking mga luha sa nasaksihan.

My Vampire Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now