Chapter 24

103 9 3
                                    

Hinihingal akong napabangon. Hawak hawak ko ang dibdib ng may mapagtanto. Nagpabalik balik ang tingin ko sa bawat sulok ng kwarto kung nasaan ako.

"N-nasaan ako," bulong ko sa sarili. Kaninong kwarto 'to? Kita pa lamang sa kabuuan nito na pag aari ito ng lalaki.

Naalala ko ulit ang nangyare. Paano ako napunta dito? Itinulak n'ya ako. Hindi ko alam kung saan, pero wala akong nakikita habang nahuhulog kun'di kadiliman.

"Zyt,"

Napatayo ako ng biglang bumukas ang pinto. Agad akong lumayo at sinamaan s'ya ng tingin.

"Anong binabalak mo hah?" anas ko.

"Balak kong sabihin sayo ang lahat," Seryosong aniya.

Nakipagtitigan ako sa kan'ya. Pilit hinuhuli kong seryoso ba talaga s'ya o pinaglololoko lamang ako.

"Kung ganoon, bakit kasama mo sila?"

"Dapat lang yatang samahan ko ang ina ko, 'diba?"

Ina? Anong sinasabi nito. Akala ko ba ay magkapatid sila ni aya? Imposible namang kasapi nila ang ina ni aya, may galit s'ya sa mga ito, dahil sila ang pumatay sa asawa niya.

"Lucian Bequore,"

Lucian? paanong.

"S'ya ang totoong ina ko," Dagdag pa niya. Posible kaya na.

"Magkapatid ba ta-"

"Hindi," putol niya agad sa sasabihin ko. Nakahinga ako ng maluwag. Ang akala ko ay baka mag kapatid kami sa ama. Dahil may gusto s'ya noon sa ama ko. Mahirap din talaga kapag advance ka mag-isip.

Natawa s'ya at umupo sa kama. Parehong nakatuon ang kamay dito.

"Alam kong alam mo ng nakipagkasundo ang ina ko para lang maging bampira. May kapalit 'yon," tumingin s'ya sa gawi ko bago nagpatuloy. "Katawan ang kapalit, at ako ang naging bunga,"

Napasinghap ako. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko akalaing may mga taong katulad niya na gagawin ang lahat makaganti lang.

"Kapatid ko ba si arriene?" Hindi s'ya sumagot pero alam kong may alam s'ya.

"Magkapatid ba kami? Alam kong may alam ka,"

Bumuntong hininga s'ya bago sumagot.

"Nagkaroon na ng asawa ang ama mo bago pa dumating ang ina mo. Si arriene ang naging bunga ng pag sasama nila. Anim na taon ang tanda niya sa 'yo," Nakatingin s'ya sa akin habang nagsasalita. Para bang binabantayan niya ang magiging reaksyon ko.

"Ang nangyari sa kan'ya?" tanong ko patungkol sa ina ng kapatid ko. Hindi ako makapaniwala. Pero tanggap ko s'ya. Kung iisipin ay s'ya pa ang may karapatang magalit kung sakali. Dahil sila ang nauna. Pero sa pagtulong niya sa akin no'ng nakakulong ako ay alam ko ng tanggap niya rin ako.

"Pinatay s'ya.......ng ina ko,"

Kumuyom ang palad ko. Wala talagang kasing sama. Agad ko din itong naiunat ng maalala ang kapatid kong naiwan kasama 'yong lalaki.

"Ligtas s'ya,"

Para akong nabunutan ng tinik ng dahil sa sinabi niya. Ngunit nag alala pa rin ako. Base pa lamang sa tindig at pananalita ng lalaking 'yon ay alam ko ng may ibubuga s'ya. Dagdag pang pamilyar ang boses niya. Parang nagkaharap na kami.

Gulat akong tumingin sa kaniya ng magsalita s'ya matapos ang mabahang katahimikan.

"Mag sanay tayo,"

***

Nang makakuha ako ng tyempo ay agad akong tumakbo palayo kay zyt. Inaya n'ya akong mag sanay kanina para raw bumilis ang kilos ko at tumalas ang aking pakiramdam.

Pero parang hindi na naman pag sasanay ang ginagawa namin. Masyado n'ya akong ginagamitan ng lakas, balak na yata n'ya 'kong patayin. Wala s'yang patawad. Parang hindi n'ya alam na wala akong kaalam-alam sa ganito.

Agad akong nag tago sa likod ng puno, naghahabol ng hininga. Kanina pa kaming naghahabulan. Oo, para lamang kaming naghahabulan. Pano ba naman ay binabato niya sa akin ang ano mang mahawakan niya rito sa gubat. Kahoy man o bato. Tanginang 'yon. Parang hindi ako babae ah.

Para ngang hindi naman ito makakatulong para tumalas ang pakiramdam ko. Parang masasanay ka lang makaramdam ng sakit. Nanlalambot na rin ako pero ayaw ko pang tumigil.

Sumandal ako sa puno. Pagod na pagod na ako.

"Hanggang d'yan na lang ba ang kaya mo?"

Agad akong napatayo ng marinig s'ya. Nakikita ko s'ya sa gilid ng mata ko. Nasa itaas ko lamang s'ya, nakaupo sa sanga malapit lang sa akin.

Agad akong lumayo ng may maramdamang may kung anong papunta sa akin. Bumagsak sa lupa ang mga mansanas. Limang mansanas na hindi na mukhang mansanas.

Nginisian ko s'ya ng dahil doon. Inirapan lamang niya ako at basta na lamang tumalon. Gago talaga. Aatakehin ako sa puso ng dahil sa lalaking 'to. Akala mo siyam ang buhay.

Naglakad s'ya papalapit kaya humanda na ako para sana tumakbo.

Nagulat ako ng may dinukot s'ya sa bulsa ng suot n'ya. At bigla n'ya na lang akong hagisan ng mansanas na agad ko namang nasalo. Pinunas ko ito sa damit at kinagatan.

"Narinig kong papunta ang lahat sa kanluran para hanapin ka," Bumagal ang pag nguya ko ng dahil sa sinabi n'ya. Kung ganoon ay alam na nila. Napaisip tuloy ako kung ihahatid niya ba ako pauwi-

"Sinabi ko 'yon kay ina," Nabitawan ko ang mansanas na hawak ng dahil sa narinig. At sinamaan s'ya ng tingin.

"Gago ka ba? Bakit mo ginawa 'yon!" sigaw ko. Kumuyom ang aking kamao. Hindi ko s'ya maintindihan. Hindi ko alam kung dapat ko ba talaga s'yang pagkatiwalaan o hindi.

"Para matapos na." balewalang aniya.

"Hindi-"

"Gusto mong mabalik ang ala ala mo hindi ba?" putol niya sa sasabihin ko.

Hindi ako nagsalita.

"Mababalik lang 'yon kung mamamatay ang nag sumpa sayo at magiging maayos na ang lahat kung mawawala ang may kasalanan ng lahat ng 'to, hindi ba?" saglit n'ya akong tiningnan sa mga mata at tumingala. Nahihirapan.

"Patayin mo si lucian. Patayin mo ang ina ko,"

My Vampire Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now