Chapter 6

165 35 2
                                    

“Ms. Atienza!” Napatayo ako sa gulat ng bigla akong tawagin ng lecturer namin.

Naputol tuloy 'yung iniimagine ko, tsk. Ayun na eh, magpapakasal na kami, epal. Naalala ko rin yung kontrata sa bbb, kaya hindi ako makapag focus sa klase. Nginang 'yun.

“H'wag mo na kasi siyang isipin, 'di ka na babalikan nun,” Naghiyawan ang buong klase ng biglang bumanat itong lecturer naming bakla.

“Pansinin n'yo muna kami!”

Napatingin kami sa pinto ng may nagsalita at nanlaki ang mata ko. ng makita ko sina harry, harrith, at babaeng hindi ko kilala.

Matangkad siya at maganda, itim nga lang ang lipstick kaya nagmumuka siyang mataray. Kasama rin nila 'yung  weird na lalake, iyung nakabunggo sa akin nung isang araw. Diretsong nakatayo habang nasa bulsa ang mga kamay at may nginunguya, bubble gum. Napangiwi pa ako ng palubuhin niya iyon habang nakatingin sa akin, at nginisian pa ako ng gago.

Tsk, mayabang pala ang isang 'to, nung nakaraan mukha siyang tahimik na 'di makabasag pinggan.

Tinaasan pa niya ako ng kilay, kaya inirapan ko siya.

Napansin siguro ni harry na nakatingin ako sa kanila kaya nginitian niya ako at kinawayan saka walang sabing pumasok at inakbayan ako.

“Kamusta! Lalo kang gumanda, ally ah?” Napaamang naman ako at hindi agad nakasagot, nakita kong pumasok na rin yung tatlo at lumapit sa akin, nararamdaman ko rin ang titig ng buong klase, at ang bulungan nila.

“Oeegeee! Si deus!”

“Ang gwapo niya!”

“Sinabi mo pa!”

“Wait, kailan pa sila naging close kay nerdy”

“Si harry, he's friendly so wala ng duda 'yun”

Ilan yun sa naririnig ko, at ewan ko ba kung nagbubulungan talaga sila o sadyang pinaparinig nila?

Panay rin ang pag sasalita ni harry kaya di ko na masyadong naintindihan ang iba. Napatigil lamang sila ng hinampas ng lecturer namin ang board.

“Kayong apat! Come here and introduce your selfs. Alam kung kilala na naman kayo ng karamihan lalong lalo na ikaw Deus dahil sa inyo ang paaralang ito, pero meron rin naman tayong transferees. Halina kayo,” Mahabang lintanya niya habang nakapameywang.



Tsk, bading. Pero ano? ang weird na lalakeng iyon ang may ari nitong university? Tsk, hindi halata. Gwapo siya, oo at halatang mayaman, hindi maiitatangi na gwapo, tulad nung dalawa, at ubod ng puputi. Parang hindi sila nasinagan ng araw ng isang taon ah, parang wala ng mga dugo sa katawan.

Naglakad sila ng minuwestrahan ulit sila ng lect namin na pumunta sa unahan para magpakilala.

“What's up. I'm Harry Vanros. Ang nawawalang anak ni leni robredo. A-aray!” Natawa naman ang lahat ng magpakilala si harry.

Puro kalokohan, nabatukan tuloy siya nung babeng kasama nila na mukang mataray.

Napatigil lang ako sa pagtawa ng biglang humarap sa direksiyon ko 'yung babae, hindi naman niya ako narinig diba? grabe makatingin ah.

“Ayara Ruthes”

“Harrith Vanros”

“Amadeus Haydn”

Okay....

Kung anong kinahaba ng sinabi ni harry, s'ya namang kinaikli ng sinabi ng tatlo, wow.

Nagulat ako ng umalis na sila sa unahan at pumunta sa gawi ko.

“Gago ka Aya! Sakit ng batok mo!” Rinig kong reklamo ni harry bago umupo sa may kanan ko at si ayara sa kaliwa ko. Si deus naman ay nasa tabi niya at sa kasunod na silya, si harrith.

Nakatingin ang lahat sa amin, siguro ay nagtataka sila kung bakit dito pa sila umupo ay may bakante pa naman sa pauna, na mas malapit sa board. Nandito kasi ako sa bandang likod, nag iisa ako, pero ngayun hindi na, rito sila umupo eh.

“Okay class! Babalik na sila dito at si harry, nag shift sya. At hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip niya, kaya 'wag na kayong magtatanong at makinig na kayo sa akin!” Mahabang lintanya ng lect namin bago nag patuloy sa pag didisscuss.

Habang ako, lalong walang naintindihan dahil sa daldal nitong si harry na lagi namang binabara ni ayara. Iyong dalawa naman ay tahimik lang pero kung paminsan minsan ay lumilingon sa amin. Pag nagtatagpo ang tingin namin ni deus ay ako ang unang uwiiwas.

“Manahimik ka na kung ayaw mong masampal ng takong,” Mataray na sabi ni aya, dahilan para tumigil si harry sa pagsasalita.

Mabuti naman.

*

Natapos ang klase namin ng....

hindi matiwasay, jusko.

Hindi ko na sila pinasin at binitbit na ang bag ko at pumunta na sa canteen para mag lunch. Pumila ako at bumili na ng kakainin. Bumili lang ako ng ulam at nag hanap ng mauupuan.

Dun ako umupo sa may likod at nagulat ng may maghila ng silya at umupo sa unahan ko

“Okay lang ba?” Tanong ni ayara,

“A-ah oo” Sagot ko.

Maya maya ay nakita kong papalapit na rin ang tatlo. Malayo pa lang ay rinig na rinig ko na ang reklamo ni harry, na napaka gwapo n'ya raw para pagdalahin lang ng pagkain, jusko.

Ng makalapit ay umupo na sila at nag aagawan pa sa kanin. Pangit daw ang luto dun sa isa. Bahagya akong natawa at nilabas ang kanin ko at inialok sa kanila.

“Ah meron akong dalang kanin, kung gusto niyo pa, ayan,” Alok ko.

“'Yun naman pala eh, mas maganda pa ang luto. Penge kami ally ah?” Tanong ni harry at tinanguan ko naman siya kaagad.

At tulad kanina, hindi naman naging tahimik ang pag kain ko.

“Ang baboy mo!” asik ni ayara ng biglang dumighal si harry.

“Sorna HAHAHA, bili ka ngang maiinom. Ayaw kasing magdala ng dalawang 'yan kanina eh, kung bumili ako, ako rin ang magdadala, kawawa naman ako,” Utos n'ya kay ayara pero inirapan lang siya nito.

“H'wag ako ang utusan mo, kung ayaw mong malason,” Pabalang namang sagot ni ayara, napakamot naman ng ulo si harry.

Natigil lang sila ng may biglang nagbaba ng tray sa mesa namin na may lamang limang juice.

“Maligayang pagbabalik sa inyong apat, You guys did a great job,” Saad ni Sir ed. Iyung lecturer naming bakla.

Ano namang ginawa nila at bakit napuri? Nahihiwagaan talaga ako sa kanilang apat.

Idagdag pang may nararamdaman na naman akong kakaiba. Kakaiba sa kanila. Lalo na't panay ang masid nitong si harrith at deus, naiilang ako. Parang binabantayan nila ang kilos ko at may hinihintay na mangyare.

Tapos ay kumikirot ang balikat ko pag malapit sa kanila, kahit hindi ko tingnan alam kong iyong bahagi kung nasaan ang marka ng buwan ang sumasakit.

Mababaliw na talaga 'ko. Sana lang mali ang iniisip ko.

My Vampire Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now