Chapter 2

243 44 2
                                    


"AHHHHHHH!"

Sa sobrang takot ko ay hindi ko na alam kung saan aatkas, nagpalinga linga ako, naghahanap ng bagay na pwede kong gamitin.

“H-hindi, hindi” Mahihinang anas ko.

Napaatras ako ng bigla s'yang nawala. Nagpalinga linga ako pero hindi ko siya makita.

“N-nasaan ka?” Nauutal ko ng sabi

“Nasaan ka!?” Sigaw ko na dala na ng sobrang takot.

Bigla na lamang humangin ng malakas kaya napapikit ako.

“I'm here, woman” Biglang may nagsalita sa likuran ko kaya't napa atras ako dahilan upang mas mapalapit ako sa kanya. Naramdaman ko agad ang matigas niyang braso na pumulupot sa aking beywang.

“Your blood smells good” Napaigtad ng dumikit ang kaniyang labi sa balikat ko.

“ 'W-wag, 'wag please” Naiiyak ko nang sabi.

Ramdam na ramdam ko ang kaniyang hininga roon. Sobra na ang takot na nararamdaman ko ngayun, pero hindi, Marami pa 'kong pangarap. Gusto ko pang makapag trabaho,  at makuha ang bahay at lupa namin sa mga kamag anak ko.

Kaya hindi pwedeng hanggang dito na lamang ako.

Gumala ang mga mata ko, naghahanap na pwede kong magamit. Ngunit naistatwa ako ng marinig ko siyang humalakhak.

“I know what your thinking woman” Saad nito sa malalim na boses ngunit nakakakilabot. Humalakhak ito bago muli nagsalita.

“You can't run away from me, not anymore! ” Sigaw niya kaya tuluyan ng umalpas ang mga luha ko, nag pumiglas ako ngunit sadyang kay lakas niya.

Patuloy pa rin ako sa pag pupumiglas upang hindi niya tuluyang magawa ang kan'yang pakay. Tuloy tuloy na rin ang pag alpas ng luha ko. Natatakot na 'ko!

Kahit sino.

Please!

Tulungan moko! sigaw ko sa aking isipan.

Napapikit ako ng humangin muli ng malakas. Nararamdaman ko ang paggalaw ng paligid, kahit ang lalaking nasa likuran ko, para bang mayroon siyang kinakalaban.

Hanggang sa naramdaman kong parang matutumba ako. Pero bago pa iyon ay naramdaman kong muli na may pumulupot na matigas na braso sa beywang ko.

Pilit kong inaninag kung sino ito, at wala sa sariling napangiti.

Hindi na 'yung lalaki kanina.

Mahal talaga ako ng diyos, hindi niya ako pinabayaan, nagdala siya ng taong tutulong sa'kin.

“Salamat” Sambit ko, bago tuluyang nandilim ang paligid.

                                

                                                  ***


Napamulat ako ng may naririnig akong nagsasalita, At napahawak sa aking ulo ng bigla itong kumirot. Hinilot-hilot ko pa muna i-

“Aba't gising na pala ang senyorita!” Napagawi ang aking tingin sa may tabi ng kinahihigaan ko ng marinig ko ang boses ni aling-

T-teka bakit andito siya?

Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong hindi ito ang unit ko.

“Oh? tutunganga ka na lamang ba riyan? baka gusto mo ng umalis dito sa pamamahay ko! Aba'y halos dalawang gabi ka ng nakikitulog dito!”

My Vampire Boyfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now