chapter 1

103 9 0
                                    

JEREME







"nurse jem pauwi kana ba ? " nakangiting bungad ni doc steve mukhang pang gabi siya ngayon



"opo doc tapos na po ang shift ko " nakangiti ding sagot bago itinuloy ang pag aayos ng gamit sa bag ko



"ano ba yan.. aantukin pala ako nito ngayong duty ko wala akong makikitang maganda eh " nakasimangot nang sabi niya at talagang nagpangalumbaba pa sa harapan ko



"grabe ka naman doc steve ano namang tawag mo sa akin " singit naman ng kaibigan kung si nurse tina



mga kaklase ko din sila nung college kaya close kaming tatlo kung kaya ganito mag usap halos karamihan naman kasi sa mga naging kaklase ko noong college ay kasama ko pa rin dito sa pinapasukan kong ospital



"kayo talaga puro kalokohan " naiiling namang sabi habang nagsusuklay na ng buhok niladlad ko na ito ngayon



"pero kidding asides pwede ka ba this weekend nurse jem may maganda atang movie ngayon na pwedeng panuorin baka gusto mo akong samahan " pagseseryoso na ni doc steve


"hoy doc steve kakahiwalay pa lang ni jem pumuporma kana agad " singit na naman ni tina



" alam ko naman nurse tina,pero alam niyo namang college pa lang tayo may crush na ako kay jem tsaka hindi naman worth it iyakan ang natapos niyang relasyon " seryoso pa din sabi ng lalaki



hindi lihim sa kanila ang kwento namin ni armando kaya alam nilang hiwalay na kami



"hep awat na kayo.. alam niyo nagmamadali na ako dahil may celebration sa bahay kaya tama na kayo ok? " pag awat ko sa kanila saka ko muling hinarap si steve



"uhmm.. doc about naman sa weekend baka hindi ako pwede nasa bahay na kasi ako ulit kaya bonding time namin ulit magkakapatid pag weekends..sorry " pagpapakatotoong sabi ko at naghanda ng umalis



mabait si steve galing siya sa pamilya ng mga doctor his also good looking college pa lang ay nagpaparamdam na siya sa akin pero wala talaga akong nararamdam para sa kanya



"it's ok may ibang pagkakataon pa naman mag ingat ka ha .. kumusta mo na lang ako sa mga bata" nakangiti pa ding sabi ng lalaki



"bye jem ingat ka " sabi naman ni tina


"bye din sa inyo " sabi ko pa bago tuluyang umalis sa nurse station




wala namang nagbago ganito naman lagi natatapos ang araw ko at masaya ako dahil ito ang pangarap ko


naalala ko pa noon kung gaano ko pinaghirapang makatapos idagdag pa ang mga hirap at pagsubok bago ako nakarating dito pag naaalala ko ang mga iyon ay natatawa na lang ako


tumingin muna ako sa relo ko habang naglalakad papunta sa parking lot 7pm na siguradong nakahanda na si lovely naexcite ako lalo maghahanda daw siya ngayon ng espeyal na dinner bilang selebrasyon dahil natanggap siya sa Aurelia Palace na pagmamay ari ng pamilya ni kuya Enrique



nang makasakay ako sa kotse ay naisipan kung bumili na lang ng wine para sa dinner namin habang nagmamaneho ay naisipan ko namang tawagan muna si kuya



"hi kuya how's your day ? " masayang bungad ko


"hey beauty glad you called me ..nakakapagod ang araw na ito " sagot niya at halata nga ang pagod sa boses nito naiimagine ko din kung paanong nakakunot ang noo nito kaya bahagya akong natawa sa naisip


GUSTAVO MBS#4(on-going)Where stories live. Discover now