SIMULA

257 11 0
                                    

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

Also this story is published subject to the condition it shall not be reproduced or retransmitted in a whole or in a part, in any manner, with or without the written consent of the copyright owner



JoLenx19💋



JEREME



"jem apo pwede bang umuwi kana may lagnat si lovely iyak ng iyak hinahanap ka " agad na sabi ni lola ng sagutin ko ang tawag niya

"po !? anong nangyari kay bunso la ? " nag aalalang sagot ko

"ay naku alam mo naman itong kapatid mo maambunan lang ng kaunti ay nagkakasakit agad kaya umuwi kana ha " sagot niya

"opo la uuwi na po ngayon na" sagot ko habang natatarantang nag aayos na ng mga gamit ko dahil sobrang nag aalala ako kay bunso

"sige maingat ka sa pagdadrive .." sabi pa ni lola

"opo la bye love you " nagmamadaling sabi ko at pinatay na ang tawag

nagpaalam ako agad sa mga kaklase ko may ginagawa kaming group project kaya nandito ako sa bahay ng kaklase ko 2nd year college na ako sa kursong Bachelor of Science in Nursing pangarap kong maging nurse kagaya ni mama at papa

kailangan ko ng umuwi dahil inaapoy daw ng lagnat ang bunso kong kapatid sanay na akong ako ang nag aasikaso sa kanya dahil nasa abroad ang parents namin at si lola lang ang umaalalay sa amin

"jem sure kang uuwi kana ? tanong pa ng kaklase kong si steve habang nag aayos ako ng gamit

"oo steve may sakit ang kapatid ko eh kailangan niya ko " nakangiting sabi ko

"gusto mo hatid na kita ? " pag aalok pa niya

"naku wag na ok lang ako,i have my car thank you na lang bye.." sagot ko at nagmamadali nang umalis

tahimik lang akong nagmamaneho nakalayo na ako sa bahay ng kaklase ko nang biglang may humarang sa gitna ng madilim na kalsada isang lalaking nakamask at agad pang tinutukan ng baril ang kotse ko mabilis akong napahinto natakot ako ngunit nakita kong may sugat ang lalaki sa balikat at noo kaya agad akong bumaba

nang makababa ako ay agad naman niyang binaba ang hawak niyang baril ng tinanong ko ang lalaki kung anong problema ay hindi siya nagsalita kaya lumapit na ako dun ko napansin ang sasakyan nila mukhang nasiraan sila at may kasama siyang nakamask ding lalaki ngunit duguan ito at mukhang malubha ang sugat niya nag aalala agad ako kaya nagdesisyon agad akong tumulong

pinagtulungan naming buhatin ang kasama niya bahagya namang nagmulat ang lalaking duguan at napatingin sa akin hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang aming paningin nag iwas agad ako ng tingin dahil dun at hindi ko ito masyadong pinagtuonan ng pansin dahil hindi ito ang tamang oras para diyan

binigay ko sa lalaking humarang sa akin kanina ang susi ko at sinamahan ko ang kasama niyang malubha ang sugat sa backseat nakita kong parang tama ng baril ang sugat ng lalaki ano ba ang mga lalaking to masama ba silang tao hindi ko kayang gamutin ang lalaki ngunit ginawa ko ang paunang lunas upang matigil muna ang pagdudugo nito medyo naiilang lang ako dahil kahit halatang hinang hina na siya ay grabe pa rin siya kung makatitig sa akin pilit ko din sinasaway ang sarili dahil sa hindi ko malamang dahilan ay kumakabog talaga ang aking puso

nagulat ako ng biglang nagsalita ang lalaki mahina ang boses niya kaya yumuko pa ako para marinig siya

" kung m-mamatay na ako ngayon m-mas-saya akong nakakita ako ng isang anghel sa lupa.." nanghihinang sabi niya

napangiti naman ako dahil dun shit ano ba naman ito napatitig ako sa kanya hindi man kita ang kalahati ng mukha niya ay sigurado akong gwapo siya at napakaganda ng berde niyang mga mata

" k-kung sakaling makaligtas a-ako hahanapin kita.. at pinapangako kong papakasalan kita.." dagdag pa ng lalaki mas mahina na ang boses niya mukhang talagang hinang hina na siya

"pilitin mong mabuhay kung ganun .. " nakangiting sabi ko at hinawakan ko pa ang kamay niya

"hihintayin kita .." bulong ko pa na nagpangiti naman sa lalaki habang siya'y nakapikit


alam kong mali na sabihin ko yun dahil sa totoo lang ay may boyfriend na ako si james at dalawang na taon na ang aming relasyon pero hindi ko din mawari kong bakit ko nasabi yun basta na lamang yun lumabas sa bibig ko may kung ano sa kanya na pumukaw sa aking atensyon naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa kamay ko na para bang sinasabi niyang lalaban siya dahil sinabi kong maghihintay ako








GUSTAVO MBS#4(on-going)Where stories live. Discover now