Hindi ko alam kung bakit simula noong maghiwalay kami ni Arthuro ay hindi na ako nakipag-sex sa iba. Arthuro was so different, I know, kahit na siyang ang una at huli ko.

"She can't go out. She's my girlfriend." Bigla ko nalang narinig iyon mula sa aking likuran. Kaagad kong hinarap si Arthuro at tiningnan ng masama. Binalik ko ang tingin ko sa lalaki.

"Hindi ko siya boyfriend! At hindi rin ako lalabas kasama mo!" hiyaw ko sa lalaki at natawa naman ako sa aking ginawa.

Ngumuso ang lalaki at tumango. Akala ko ay magpipilit pa siya, mukha pang natakot sa lalaking nasa aking likuran.

"Anong sinabi mo?!" kaagad kong tanong kay Arthuro.

"I just saved you." Tipid niyang saad nang bumulong siya sa akin.

"Ano ka superhero?" masungit kong saad at nakita naman ang sarkastiko niyang tawa kaya mas nainis ako sa kanya.

"I know you don't want to go out with him." He stated as if he was so sure. Tinaas ko ang isa kong kilay at ngumisi.

"Pano mo nasabing ayaw ko?" hamon ko sa kanya.

"Kasi mas gusto mo parin ako." Mayabang niyang saad na nagpanganga sa akin.

"Ang kapal mo naman!" inis kong saad at umalis na ako sa harap niya. I walk out from the dance floor. Ayaw kong makipag-usap sa kanya baka kung ano pa ang masabi ko. Alam kong magaling siya sa pagbaluktot ng sitwasyon at baka ako pa ang mabiktima niya.

"Uuwi ka na?" narinig ko na naman ang boses niya sa aking likuran. Napapikit ako sa inis.

"I'll take you home. Lasing ka na." suhewisyon niya.

"Hindi ako lasing!" depensa ko sa aking sarili. Umaalon lang ang paningin ko at nasusuka pero hindi ako lasing!

"Talaga? E saan ka pupunta?" tanong niya sa akin nang magkasabay na kami, naabutan niya ako dahil sa laki ng kanya biyas.

"Pupunta na ako sa sasakyan para umuwi? Bakit?" tanong ko rin sa kanya.

He stared at me for a moment, I suddenly felt so confused when he smirked at me.

"Talaga bang hindi ka lasing?" muli niyang tanong sa aking habang nakangiti.

Mabilis akong umiling sa kanya.

"Iyon oh," may tinuro siya sa aking likuran.

"Naroon ang kotse mo. Hindi ito 'yung daan papunta sa parking lot." Hinarap ko ang tinuturo niya at doon lang napagtanto.

"Hindi ako lasing," I defended myself.

Nagtungo na ako roon patungo sa mga sasakyan ngunit nakailang hakbang palang ako ay halos matumba na ako dahil sa biglang alon ng nasa paligid.

"Are you okay? Ang tigas kasi ng ulo mo."

At ang huli kong tanda ay nakapasok na ako sa sasakyan ni Arthuro. Hindi ko matandaan kung paano nangyari iyon.

Nakaupo na ako sa kanyang shotgun seat habang nasa gitna kami ng daan.

"Iuuwi mo ako 'no?" tanong ko nang magising akong muli. Nakatingin ako sa kanyan hitsura habang abala sa daan.

He looked still so handsome even in darkness.

"Tinatanong kita. Iuuwi mo ako 'no?" tanong kong muli nang walang sagot akong marinig.

"Gusto mo ba? Magalit pa sa'kin boyfriend mo." Masungit niyang saad. Umayos ako ng upo at ngumiti sa kanya.

"Nagseselos ka ba? Sino ba boyfriend ko?" tanong ko sa kanya.

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaWhere stories live. Discover now