Chapter 26

14K 405 12
                                    

CJ Undergo a Cognitive behavioral therapy with their assigned therapist, hindi na bago sa kanila ang makabaril ng tao. It's part of their job, but that doesn't mean na hindi rin sila naaapektuhan. Ryker was waiting patiently outside the clinic, playing with his necklace pendant, their engagement ring.

Isang linggo na rin ang nakalipas nang mawala sa landas nila ang matanda. His uncle covered them up, isa rin kasi ito na nakahinga ng maluwag nang ibalita nila na patay na talaga ang matanda. That old man caused a lot of troubles.

"You're good, Cj. I also need to go back to L.A, I'll just call you or you can visit me abroad to continue our session." Narinig niyang sabi ng Doctor.

Umayos siya ng upo. He's been waiting for Cj for an hour now.

"If online consultation won't do me any good then we'll fly to L.A." Nakangiting sagot nito.

Tumango lang ang Doctor at nang mapansin siya, tumango lang ito sa kanya at ganoon din ang ginawa niya. His heart almost leaped when Cj wrapped her arms around his stomach and tightly hugged him. Sinasanay na niya ang sarili na huwag magulat sa mga kilos ni Cj, but he just can't help it. He softly caresses his back and patted it gently after.

"How are you?" He asked, still patting her back gently.

Cj pulled back and pouted her lips cutely, he suddenly have the urge to kiss her lips kahit na maraming tao ang tutok ang mga mata sa kanila ngayon. Judgemental people who doesn't care and understand the importance of consulting a psychologist. They simply know that if a person visited one, then, they will conclude na may sira agad ito sa utak.

"Much better. He's really the best! Or maybe, nasanay nalang talaga tayo sa kanya? O siya ang sanay sa atin?" She chuckled at her own question.

"Sanay sa atin." He answered and chuckled too.

Marahan niyang hinila ang palapulsuhan ni Cj papunta sa parking lot ng hospital ni Caleb. Nyker, his brother, already informed him na ngayong araw ang uwi ng mga ito at sa kanya nagpapasundo.

"Nagmamadali ka bang umuwi?" Cj asked and giggled. Prente lang itong naglalakad habang hawak niya ang kamay nito.

Umiling si Ryker. Her parents wanted to surprise her. Ang sabi kasi ng mga ito ay hindi sila matutuloy sa pag-uwi, but thanks to his brother, na walang kasing daldal, sinabi nito sa kanya na tuloy ang mga ito at gusto lang surpresahin si Cj. He has a feeling that those oldies were planning to join forces, so they can get married.

After all, matagal na rin simula nang i-announce nila ang engagement nilang dalawa ni Cj. Pinapatagal lang nilang dalawa ni Cj — pinatagal niya, rather. He was a scum and in denial stage. He can accept that he's starting to have feelings for Clijay's half sister. Umiwas siya because he thinks that he's starting to fall because Cj have Clijay's heart, ayon ang pinakaunang dahilan kung bakit siya palaging nag-aalala rito. It would be unfair to Cj, that's what he thinks before. He only snapped after years of controlling himself back when Kade's wedding.

"Nope. May pupuntahan tayo." Tipid na sagot niya.

Nang makarating sila harap ng Van ni Levi, agad niya itong pinagbuksan at nang makasakay na ito, siya na rin ang nagkabit sa seat belt ni Cj. The simplest thing he can do to serve her.

"Saan?" Nangungulit na tanong ni Cj.

"Secret." He simply answered.

Isinara niya ang pintuan at umikot para makasakay sa driver seat. Sana pala ay isinama na niya si Levi para may kapalitan siyang mag drive. Sigurado siyang pagod ang nakakabata niyang kapatid at matutulog ito sa buong biyahe.

LCS 13: Ryker Zion Ramirez (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang