Chapter 13

16.8K 524 41
                                    

"We're now together right? Like boyfriend and girlfriend kind of relationship?"

Tatlong araw na ang nakakaraan noong mag-usap silang dalawa ni Ryker. At tatlong araw na rin siya nitong paulit ulit na tinatanong kung sila na ba talaga at hindi lang ito nananaginip. She finds it cute at first, but hearing the same question again and again? No, it's not funny, cute and amazing anymore. Naiirita at naririndi na siya.

Marahas niyang sinuklay ang buhok at humarap kay Ryker na nakapangalumbaba sa dining table. His eyes were genuinely asking, and his face! He's just too handsome that it immediately melted her annoyance!

Tangina. Rupok.

"Zion, you were asking me the same question for like how many days now? Seriously? Stop it. Naiirita na ako." Cj hissed and looked away. Hindi niya kayang tagalan ang titig sa mukha nito, rumurupok lang siya lalo.

Unlike before, her heart was now calm, her body was now in peace, even if Ryker was too close to her and doing some of his sweet gestures.

"Wanna go out?" Tanong sa kanya nito.

She glance over her shoulder and saw him munching the popcorn already, kahit wala pa 'yong cheese powder.

"I thought we're going to watch a new series? Excited ka pa nga na panoorin 'yon." Kunot noong sagot niya.

Cj actually planned to work out. She feels like her body can't move easily and as fast as she can before, dahil palagi silang nakahilatang dalawa ni Ryker nitong mga nakaraan na araw na hindi sila lumalabas. Well, sometimes, si Ryker lumalabas, pero sa likod ng mansion lang din naman ito nagpupunta. Kumukuha lang ng makakain nila.

Namumula ang buong mukha nito na nag-iwas ng tingin. "Nah, hanap nalang tayo ng iba? Hindi mo 'yon magugustuhan." Mukha itong sigurado sa sagot.

"You'll never know? Try me." Hamon niya habang pinupunasan ang kamay gamit ang wet wipes.

"You will watch pornography videos with me?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ryker. Naghahamon.

Tumaas ang sulok ng labi ni Cj at walang pag-aalinlangan na tumango. Lumawak ang ngisi sa labi niya nang makita ang kakaibang kislap sa mga mata ni Ryker habang nakatitig ito sa kanya, it's like he's eating her alive.

"Zion, hindi lang kayong mga lalaki ang may pribelehiyo na manood ng porn." She stated as a matter of fact.

Kapag babae ang nanonood, major turn off? Pero kapag lalaki, for learning purposes? What kind of bullshit was that?!

"I know that, Calista. Anyways, Levi just asked me to watch 365 Days? Kaunti lang naman daw ang bed scene noon, we'll be good. I think." Nakangiwing sabi nito.

"Oh, so... Hindi talaga tayo manonood ng porn?" She asked to clear some things.

"We can watch tons of it if you want. But, I'm not promising not to touch you — your delicious body to be exact."

"Delicious? Bakit natikman mo na?" Natatawang tanong niya rito.

Ryker licked his lower lip and shake his head. "Hindi pa, pero sa tingin pa lang alam ko na masarap ka. You are, after all, my Calista." He slyly answered. Ryker eyes her from head to her toes, oddly, she doesn't feel any discomfort.

She's actually happy with him looking at her like a hungry predator.

I'm crazy!

"Hindi ka ba nagsasarili? Bakit parang lagi kang sabik?" Pabirong tanong ni Cj at dinala ang popcorn na gawa niya papunta sa kwarto nilang dalawa, Ryker followed from behind.

LCS 13: Ryker Zion Ramirez (Completed)Where stories live. Discover now