Twelve - Madness

1.6K 82 21
                                    

"Hi again, my Nathan." Malapad ang ngiting sambit ng babae nang malantad kay Nathan ang anyo nito na itinago ng hood.

"Ikaw pala ang may pakana ng lahat? Pero bakit?" Nalilitong tanong ni Nathan.

"Hmm..bakit nga ba? Sabihin na lang natin na hangga't nasa paligid mo ang babaeng ito," iminuwestra nito ang kamay sa direksiyon ni Ice, "ay hindi tayo matatahimik."

"Bakit kailangan mong gawin ito? Walang kinalaman si Ice sa akin."

"Tsk. Try harder Nathan." Napapalatak na turan ng babae. Umikot ito sa kinauupuan ang binata. Her bony forefinger traced the line of his shoulders as she circled him like a shark.

"Ano ang kailangan kong gawin para tumigil ka na?"

Natigil sa ginagawang pag-ikot ang babae. "Kahit ano?" Tila kumislap ang mga mata nito sa narinig. There's something off, hindi matukoy ni Nathan kung ano pero parang may mali.

"Oo basta pakawalan mo lang silang dalawa."

Saglit na nag-isip ang babae. Pakiramdam ni Nathan ay inabot ng isang linggo bago ito nakapagpasya. Ngumiti ito sa kanya at kinintalan siya ng isang halik sa pisngi. She giggled after planting a kiss on Nathan's cheeks.

"Sumama ka sa akin, magpakalayu-layo tayo. Doon sa isang lugar na walang makakakilala sa atin at walang mga kontrabida. Hindi gaya dito, maraming gustong umagaw sa iyo!" Nanlisik ang mga mata ng babae sa huling sinabi.

"Oh God! She's crazy!" Naiiyak na sambit ni Miles.

Lumingon kay Miles ang babae at ngumisi. Dahan-dahan itong lumapit kay Miles. Padaklot nitong hinawakan ang buhok ni Miles at itinangala ang dalaga, "I told you to shut up, didn't I? Boys! Sa inyo na ang maingay na babaeng ito."

Agad na pumasok ang tatlong lalaki. Ang kanina ay paghikbi ni Miles ay nauwi sa palahaw lalo na nang inumpisahang kalagin ni Bingot ang pagkakatali ni Miles sa silya.

"No no no!" Sigaw ni Miles habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ni Tangkad.

"Stop it! Parang awa mo na, pakawalan mo na kami! Saan ninyo dadalhin si Miles?!" Halos maghisterya na rin si Ice nang makatayo na ang kaklase sa tulong ng dalawang lalaki.

"Get away from me!" Tili ni Miles. Inamoy-amoy kasi ni Bingot ang sabog niyang buhok mula sa gilid.

"Mabango pa rin pare," tatawa-tawang hinaklit nito si Miles sa beywang.

"Ano'ng gusto mong gawin namin dito kay Miss Beautiful, Ma'am?" Tanong ni Pimples.

"Bahala kayo. Basta ialis ninyo sa paningin ko iyan." Nakasimangot na tugon ng babae.

Nag-apir pa ang tatlong lalaki na animo'y tuwang-tuwa sa naging sagot ng babae sa kanila. Inumpisahan na nilang kaladkarin si Miles. Mas lalong nag-ibayo ang pagpupumiglas ng dalaga pero wala itong nagawa sa lakas ng tatlong lalaking may hawak sa kanya. Sa sobrang takot ni Miles ay nawalan ito ng malay.

"Jean please! Pumapayag na ako, lalayo tayo sa lugar na ito! Just don't hurt them!" Pasigaw na pakiusap ni Nathan, napahinto ang tatlong lalaki nang itaas ni Jean ang kaliwang kamay at lumingon kay Nathan. Kay tamis ng ngiting pumunit sa mukha nito.

"I knew it! Eventually mare-realize mong ako ang mahal mo. Sige, pakakawalan ko sila. Ngayon din ay aalis na tayo." Tuwang-tuwang tinakbo nito si Nathan at niyakap.

"Yes. Sorry kung natagalan bago ko na-realize ang bagay na iyon. Thanks to you," mahinang bulong ni Nathan sa tainga ni Jean na kasalukuyang nakayakap sa kanya. "Kalagan mo na ako para makaalis na tayo dito."

Kumalas si Jean sa pagkakayakap kay Nathan. Nagniningning ang mga mata nito sa tuwa. Naalala ni Nathan ang sinabi ni Miles kanina. She was right about Jean being crazy, that smile is the smile of a madwoman. Pero kailangan niyang sakyan ang gusto nito sa ngayon.

The Girl in Ripped Jeans (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon