Nine - T'was No Accident

1.7K 93 16
                                    

Pagkatapos maihatid si Ice sa bahay nila ay nagpasya si Nathan na tumuloy sa kanila ni Nelson. May mga naiwan pa siyang labahan sa back pack na nakalimutan niyang iuwi kaya dadaanan muna niya ito roon bago dumiretso sa bahay nila. Hindi muna siya doon sa kanila ni Nelson magpapalipas ng gabi.

Kalat na ang dilim nang makarating siya sa bahay ng kaibigan. Diretso siya sa basement para kunin ang naiwang gamit. Pagkatapos makuha ang pakay ay nagpaalam na siya sa mga naroong mga kaklase pati na rin sa kaibigan. Bitbit ang bag, paakyat na siya sa kitchen nang makasalubong niya si Miles sa hagdan.

"Saan ang punta mo Nate?" tanong nito habang kipkip sa dibdib ang ilang libro. Mukhang kararating lang nito.

"Uuwi muna ako sa amin." Maikling sagot ni Nathan.

"Hindi ka dito magpapalipas ng gabi?" Halatang dismayado si Miles, kumunot kasi ang noo nito.

"Sa bahay muna ako."

"Ah okay. Kamusta ka naman? I've heard about you and Phoebe."

"Okay lang. I'll live." Natawa siya ng pagak.

"I'm sorry." Si Miles.

"Ayos lang iyon. Ganyan talaga ang buhay."

"Kung sabagay. Anyway, kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako." Alok ni Miles na sinabayan pa nito ng isang malapad na ngiti. Napangiti rin si Nathan. She's not bad after all, sa isip niya.

"Thanks. Sige mauna na ako," paalam niya sa dalaga. Tumango si Miles at itinuloy na ang pagbaba papuntang basement habang siya naman ay umakyat na.

Hindi pa siya nakakatatlong baitang nang may makita siyang isang hoodie na kulay itim at may accents na kulay pink sa bandang likod. Pinulot niya iyon at tinawag ang nakatalikod nang si Miles. Lumingon naman ang kaklase sa kanya. "Sa iyo ba ito?"

"Oo. Hindi ko napansin na nalaglag." Bumalik si Miles at iniabot ni Nathan ang hoodie nito, "Thank you."

"Walang anuman. Tutuloy na ako."

"Bye." Ani Miles.

Nasa sariling kuwarto na sa bahay nila si Nathan at kasalukuyang ka-text si Ice nang maalala niya ang palitan nila ni Miles kanina. Medyo nagtaka lang siya kung bakit alam ni Miles ang tungkol sa kanila ni Phoebe. Naikuwento ba ni Nelson na hindi niya alam? Isinatinig niya ang tanong sa isipan sa text niya kay Ice.

Cnu2 ba ang my alm abt u & Phoebe?

Ikw, Nelson & now Julienne & Laurie. & of cors, Phoebe hrslf. Now dat u asked abt 8, paano nya nlman? Hndi nman ako nagkwento ng kht ano ky Miles.

Baka c Nelson. Frnds din nman sila dba?

Yun din ang naisip ko knina, pero hndi kasi c Nelson ang tipong ganun.

Bka my iba pang my alam na hndi mo lng din alam.

Siguro nga.

Hindi na nag-reply si Ice pagkatapos noon. Isa iyon sa katangian ni Ice na sadya yatang si Ice lang ang mayroon, iyong biglang mawawala habang kausap niya sa text. Hindi nagpapaalam o nagsasabi. Pagkatapos i-set ang alarm sa takdang oras ng karaniwang na gising niya kapag may pasok, itinabi na niya ang cellphone at natulog.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong makulong si Ice sa ladies room. Halos araw-araw magkasama sila ng dalaga. Mukhang nawaglit na sa isip ni Ice ang tungkol sa insidenteng iyon pero kay Nathan ay hindi. Kung kaya alerto siya lagi kapag magkasama sila ng kaibigan. Medyo mabuti-buti na rin ang paa nito bagamat nakasaklay pa rin. Gaya ngayon kahit weekend, sinamahan niya si Ice sa mall dahil bibili ito ng bagong calculator. Nasira daw kasi ang dati nitong ginagamit.

The Girl in Ripped Jeans (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon