Seven - Epiphanic

1.9K 102 25
                                    

"Bro,kamusta na si--," hindi naituloy ni Nelson ang sana'y sasabihin nang mabuglawan ang dalawa sa sala. "Oh shit! Sorry." Mabilis itong tumalikod at humakbang para umalis.

"It's not what you think!" pahabol ni Ice na noo'y nakasadlak pa rin kay Nathan. Hindi niya kayang tumayo mag-isa dahil sa kondisyon ng paa niya. Nagkasya na lang siya sa pagtukod ng dalawang kamay sa dibdib ni Nathan para kahit paano ay magkaroon ng distansiya sa pagitan nilang dalawa.

Nelson chuckled pero hindi ito lumingon. Umangat lang ang kanang kamay nito bilang pamamaalam. Frustrated na napabuga ng hangin si Ice. Sa kawalan ng magawa, naisubsob na lang niya ang mukha sa dibdib ni Nathan na wala pa ring katinag-tinag.

Bakit hindi gumagalaw itong kasama niya? Takang tanong ni Ice sa sarili. Inangat niya ang ulo para tingnan si Nathan. Mulat naman ang mga mata nito pero sa kisame nakatingin. His arms were limp on his sides.

"Hoy!" sinadya niyang lakasan ng kaunti ang paghampas sa balikat nito.

Parang noon lang nanumbalik ang focus sa mga mata ni Nathan. Umangat ang isang braso nito at pumaikot sa beywang ni Ice para tulungan ang dalaga na makaalis mula sa pagkakasadlak nito sa kanya. Tinulungan siya nitong maiayos ang pagkakaupo sa sofa.

Now that she's free from him, pinasadahan niya ng tingin ang mukha ng kaibigan. Hindi ito makatingin sa kanya, sadyang mailap ang mga mata dahil hindi niya mahuli-huli. Namumula rin ang buong mukha nito. Hindi niya tuloy mapigilan ang matawa. Nagsimula sa mahinang hagikhik hanggang sa naging ganap na tawa na.

"Ano'ng nakakatawa?" tanong ni Nathan sa kanya pero nakangiti din ito. Nahawa na yata sa kanya.

"Ikaw." Sabi ni Ice habang pinipilit na kalmahin ang sarili. "You should have seen your face. Epic!" At bumunghalit uli ng tawa.

Nakitawa na rin si Nathan sa kanya. Kahit paano naibsan ang awkwardness na nararamdaman nila dahil sa nangyaring aksidente kanina. Hindi talaga niya alam kung paano pakikitunguhan si Ice pagkatapos ng nangyari. Ayaw niyang isipin ng dalaga na nagti-take advantage siya.

Habang nagtatawanan sina Nathan at Ice sa sala ay masama ang tingin sa kanila ni Miles mula sa isang tagong sulok na pinagkukublihan nito. Bago pa dumating si Nelson ay nauna na siya. Hinanap kasi niya si Nathan dahil hindi na niya nagisnan sa basement. Napag-alaman niya kay Nelson na naroon nga si Nathan sa sala kasama si Ice.

Laking gulat niya nang maabutan ang dalawa sa sala. Si Ice at si Nathan niya naghahalikan! Dapat aalis na siya, hindi lang niya maipaliwanag kung bakit hindi niya ginawa. Bagkus, nagkubli siya sa likod ng makapal na kurtina. Siya namang pagdating ni Nelson kaya hindi na siya lumabas mula sa pinagkukublihan hangga't hindi nakakaalis si Nelson.

Nilukuban siya ng magkahalong selos at galit sa nakita niya. Bakit kay Ice? Kailan lang sila nagkakilala ni Nathan. Siya itong simula Freshman year ay kasama na ang binata. Kilalang-kilala na niya si Nathan, alam niya ang mga ayaw at gusto nito.

Pero sa malas ay sa iba nagkagusto ang binata, naunahan siya ng malanding si Phoebe. Oo, alam niya ang tungkol kay Phoebe dahil kinaibigan niya ito. Kaibigan din naman kasi niya si Nelson dahil magkaklase sila nito noong high school kaya hindi na siya nahirapang gawin.

Hindi alam ni Nathan na siya ang nagpi-feed ng kung anu-anong kasinungalingan kay Phoebe kaya nagkakaproblema sila. Siya ang nag-volunteer kay Phoebe na maging mata at tainga nito sa University dahil wala itong tiwala sa sariling pinsan lalo na at malapit sina Nelson at Nathan sa isa't isa.

Kung kailan nagkakalamat na ang isang taong relasyon ni Nathan at Phoebe, saka naman darating itong si Ice para sirain ang diskarte niya para makuha si Nathan. Unfair! Hindi si Ice ang naghirap at nagtiis ng matagal na panahon, siya! Kaya hindi puwedeng mapunta sa iba si Nathan.

The Girl in Ripped Jeans (To Be Published Under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon