Chapter 1: Meet Alexandra

Start from the beginning
                                    

"Alexandra! Subukan mo lang makikita mo ang hinahanap mo! At tsaka anong construction worker? Nababaliw ka na ba? Paglaba at pagsaing nga di mo magawa!"

"Mother, first of all, susubukan ko talaga pag di ko makikita hinahanap ko. Second, yes, construction worker kasi why noirrtt? Third, me? Nababaliw? Nay, I believe I-Nayyyyyyyyy WAHHHHHHH!!"

Aba'y nakakailan na tong inahan ko na to ah! Kit inapplyan ko na nang mabilisang action reflexes skills ko naabot pa din ako nang hampas oh no mas nag improve pa yata reflexes ni Nanay saken ah! Di pwede to dapat ako ung umimprove dito!

Nang mapagod na ang inahan kong tigre sa kakahabol saken sa loob nang kwarto na ngayon at parang silid na nang taong grasa, ay agad etong lumabas at ewan ko kung saang lupalop na nang bahay napadpad.

Binilisan ko na lang ang pag- ayos nang kwarto ko't alam kong baka mamaya pupuntahan na naman ako neto sa taas. Kakagising lang e baldado na kagad, bardagulan ba naman ang almusal ko. Pagkatapos kong magligpit at magwalis ng aking munting kaharian ay agad akong bumaba at pumunta sa kusina upang tingnan kung nandon ang tigre na aking kaduel sa bardagulan kanina. Habang pababa pa lang ng hagdan ay tiningnan ko muna kung anong oras na at nang nakita kong 6:43 pa lang nagpapadyak at padabog akong pumunta na sa kusina. Kainis naman aga aga pa e sarap ibenta naman tong Nanay ko na to oh. O mga people kit discounted na ibigay ko na sa inyo or gusto niyo iparenta ko sa inyo if want niyo lang bardagulan every morning. Di joke lang love ko yan ih!

Tiningnan ko ang kusina pero wala eto dito kaya naghilamos muna ako at pumunta sa salas. Nadatnan ko naman na nagkakape eto at nakain nang pandesal na nanunuod sa harap ng TV.

"Namataan ang panganay na anak na babae ni Edmund Diaz, isang bilyonaryo na kasama ang haka haka na kasintahan daw neto na si Richard Tan na tagapagmana din ng Tan Corporation sa isang restaurant kahapon. Ilang oras pa ang lumipas at nakapost na sa Instagram ng binata ang isang candid na photo ni Sapphira with a caption: Wish I could spend more time with you. Hindi pa man kumpirmadong may relasyon nga ang dalawa pero mababasa mo naman kung gaano ka suportado ng mga fans nang dalawa ang kanilang ugnayan. Sa pahayag ng pamilyang Diaz........"

"Aba'y maligo ka naman Alexandra ilang araw ka na na di naliligo puro ka lang selpon selpon ano ba pinagkakabusyhan mo gabi gabi ha e bukas pa naman pasok mo at tsaka dios mio kang bata ka di ka na highschool college ka na umayos ka! Maligo ka na dun at magbihis bilisan mo at tayo'y aalis"

"Ayaw"

"Anong ayaw?"

"Ayaw kong maligo"

"Alexandra wag mong ubusin pasensya ko"

"Eeeehh Nay naman anlamig kaya tsaka di ba sabe mo magtipid tayu oh ayaw mo niyan nakatipid ka na"

"ALEXANDRA!!"

Bago pa man ako matamaan nang tsinelas ay kumaripas na ako nang takbo sa kwarto ko at kumuha nang tuwalya kit labag naman sa loob ko ay napabuhos na lang ako sa banyo. Tatalon talon pa akong nanginginig sa lamig habang binubuhusan ang sarili. Maya maya pa'y nagshampoo na ako pero di pa nagbuhos at pinanatili munang paglaruan ang buhok ko nang iba't ibang style nang bula sa harap nang salamin.

"Alexandra anong oras na di ka pa matatapos diyan?!"

"Natae pa nga e"

Joke lang yun aba'y ayaw ko na mabugbog ulit no

"Pakibilisan!"

Di ko na sinagot pa eto at nagbuhos na sayang naman ng hairstyle ko na bula hayss may bigote pa naman di na bale nakapagtake naman ako ng picture hehe maipost nga mamaya.

...

"Nay"

Naku gutom na ako bwakanginangshit

"Magkano kilo netong bangus niyo?"

The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG]Where stories live. Discover now