"Oh my gosh.. is she my sister?"tanong niya at mukhang tuwang tuwa. Hinawakan naman siya sa bewang nung lalaki.

"Zicko! I look just like her" lumapit siya sa akin at yinakap ako. Aaminin ko.. nakaramdam ako ng kakaiba.

Tuloy-tuloy lang sa pagbagsak ang mga luha ko. Kita ko rin ang pag ngiti ng nanay niya, si Mrs. White.

"Sino ka?" napangiti siya sakin. Ngumiti din ako sakanya. Ang gaan ng loob ko sakanya. Naiiyak nanaman yung nanay niya at yumakap sa asawa niya.

"My name is Caly.. I am your sister" napalunok ako.. handa na ba ako sa katotohanan? Ang gulo.. nasaan na ang maayos kong buhay? Wala sa schedule ko ang napakagulong buhay na to. Dapat ay nag hahanap ako ng magandang view at nagsusulat ngayon.

Bakit ang dali sakanilang sabihin 'yon?

Parang, kung sabihin nila ay ayos na, kukunin nila ako at magiging isang buong pamilya kami.

"Sinabi na sa akin ng nanay ko na hindi niya ako anak. Aaminin ko na gusto ko ng paliwanag pero kailangan ko po ng oras. Sana po ay maintindihan niyo ako." hindi ako makahinga. Gusto ko silang yakapin pero hindi ko alam kung bakit. Ngayon ko lang naman sila nakilala.

Hindi rin ako makahinga dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko. 

"Yes we understand.. thank you my daughter" lumundag ang puso ko sa sinasabi nilang tatay ko. 'my daughter' ang sarap marinig.

Lumapit sa akin yung sinasabi nilang nanay ko. Mam Ailee ata ang pangalan niya.. hindi ko alam kung anong itatawag ko sakanya.

"Can I hug you" nagulat ako sa tanong niya at tumango ako. 

Dahan dahan siyang lumapit at yinakap ako.. parang takot na takot siya na masaktan niya ako. Sumama si Caly sa pag yakap at yinakap din ako. Nakita ko naman na ngumiti yung sinasabi nilang tatay ko.

Nakita kong lumabas sa restaurant ang mga ka meeting ni Francis Salazar kasama siya. Nagtama ang mga mata namin at kita ko ang pag-aalala doon.

"What is happening in here James?"tanong nung tatay ni Francis.

Lumapit si James White sa amin at hinawakan ako sa likod. Hinawakan naman ako sa kamay ni Caly.

"Gentlemen.. I found my long lost daughter" natigilan ako. 

Hindi pa ako sanay.. tinignan nila akong lahat. Napatingin ako kay Caly na nakangiti sa akin. Mukhang napakabait niya. Nagpalakpakan ang mga tao.

Nagusap lang sila at nagpaalam na. Nakita ko na hindi umaalis ang titig ni Francis sa akin. Umiwas lang ako doon dahil lumalakas na ang tibok ng puso ko.

"Camille.. Camille right? Sorry pinaimbistiga ka namin. Alam kong busy ka sa pagsusulat ng libro ngayon. I am so proud of you" napangiti ako sa sinabi ni Mam Ailee.. ano kaya itatawag ko sakanya? 

Tumango nalang ako. Hinawakan niya ako sa mukha at lumapit na kay Sir James.

Paano na ngayon? Ano ng mangyayari sa akin? Babaguhin na ba ang buhay ko?

"If you want some answers. You can call us." inabot niya sakin ang calling card niya at kinuha ko naman yon. Nagpaalam na sila sa akin.

"I am so glad na may kapatid na ako. Alam mo ba na may kwarto ka sa bahay.. ako ang inatasan ni mommy na mag ayos non. For how many years ay ako ang nag aayos non and I hope you'll like it. Gustong gusto kong ipakita na sayo yon pero alam kong nalilito ka pa so I hope na makasama ka namin soon." napatango ako sa sinabi ni Caly at hinawakan niya na ang kamay nung boyfriend niya siguro at umalis na. Napabuntong hininga ako.

Anong nangyayari sa akin. Gusto ko ba tong pagbabago na to? This is too much reverse on my life.

"Are you okay?" napatalon ako sa nagsalita sa likod ko. Tumango naman ako. Aalis na sana pero hinawakan niya ang kamay ko.

Ito nanaman ang kakaibang pakiramdam ko. Hindi ko kayang dumagdag pa siya sa mga iniisip ko ngayon.

"Are you avoiding me?" tumango ako sa sinabi niya. Hindi naman ako sinungaling para itago pa yun.

"Magdahan dahan ka. Baka may paparazzi at masira ang image mo." sinubukan kong umalis pero hindi parin niya ako binibitawan. Huminga ako ng malalim.

Pagod ako at wala na akong lakas na makipag away.

"I am sorry. Do I make you uncomfortable?" tanong niya sa akin.. biglang tumulo ang luha ko. Shit! Bakit sa harap pa niya!

"Yes you do. Now leave me alone.." pinunasan ko ng marahas ang mga luha sa mata ko. Hinila niya ako at dahil wala akong lakas ay sumama ako. Sinakay niya ako sa kotse niya pero hindi niya pinaandar yon. Siguro ay para magtago kaya nandito kami.

"Ayos lang ako.. mabigat lang sa dibdib" ayaw tumigil ng mga luha ko. Naalala ko sila nanay at napapikit.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinarap sakanya.

"Damn. Stop crying." tumango naman ako sa sinabi niya.

"Ang gulo gulo.. This is so not me, maayos ang buhay ko eh bakit ang gulo na" napatigil ako dahil mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at pinilit niya akong humarap sakanya.

"I dont know but I hate to see you cry so stop okay? I am not used to see you crying. I am used seeing you smile. Stop crying, Camille." napapikit ako sa sinabi niya. What is he happening to me. Ganito ba talaga siya dahil playboy siya? Masyado akong nadadala sa mabubulaklak niyang salita. Camille come back to your senses.


I just felt so damn secured right now.

ReverseWhere stories live. Discover now