Nababakla na naman ang mga 'to.

Nang makarating na sila sa bahay nila Empong ay kaagad naman nila na nakita ito na nag-aayos ng upuan. Kasama nito ang kanilang mga kaibigan. Kaunti pa ang mga tao na nandoon.

" Oh hi master," bati sa kaniya ni Empong ng makalapit sila dito."Nandiyan pala kayo Meredith at Melanie, salamat sa pagpunta. Mabuti naman at pinayagan kayo na tatlo."

" Magpasalamat ka nalang sa amin  Empong dahil kung hindi sa amin nila Douglas ay wala sila ngayon dito sa birthday party mo," pagmamayabang ni Fernan dito.

" Ang dami mong alam. Nakalimutan mo yata na isa din ako sa nagpaalam noon kay master noong birthday mo din," singil ni Empong kay Fernan.

" Oo nga 'no? Oh sorry na, sorry na huwag kana galit, uwu," grabe na ang kabaliwan ng mga lalaking 'to.

" Happy birthday, Empong," singit niyang bati dito.

" Happy birthday, Kuya Empong," sunod naman na bati ni Melanie.

" Happy birthday, Kuya," bati naman ni Meredith dito.

" Happy birthday din daw pre, sabi nila tito at tita," singit naman ni Douglas dito.

" Salamat sa inyo. Sayang hindi pumunta sila tita. Sige na pasok na muna kayo sa bahay. Nandoon sila nanay, kami na muna ang bahala dito sa labas."

Inihatid naman sila ni Empong sa loob ng bahay nila. Naabutan nila ang pamilya nito na tulong-tulong sa pagprepare ng pagkain. Ilalabas nalang siguro ito mamaya.

" Ma, nandito na po sila Nica," sabi ni Empong sa mama nito.

Kapag talaga na sa bahay sila ng kaniyang mga kaibigan ay hindi master o Nico ang itinatawag sa kaniya kundi Nica. Iyon kasi ang nakasanayan ng mga ito simula bata sila pero kapag sila-sila lang ay Nico talaga.

" Hi Nica anak. Mabuti naman at nakapunta ka, kasama mo pala mga kapatid mo," nakangiti na sabi ng mama ni Empong."Sana isinama niyo na din sila Agnes at Reden," tukoy nito sa kanilang magulang.

" Ayaw naman po nila tita. Sinabi na kanina ng mga kasama kong 'to na sasama nalang sila pero umayaw po sila. Ipinapasabi nalang po nila na happy birthday kay Empong," sagot niya sa sabi ni tita.

" Oh siya siya. Hindi pa rin talaga nagbabago ang dalawa, gano'n pa rin na tamad sila na magpunta sa ganitong okasyon. Bagay nga talaga sila," natatawa na sabi ni tita dito."Iuwian niyo nalang sila mamaya ng para sa kanila," tumango nalang siya dito.

Iniwan naman na sila sa loob ni Empong.

" Maupo na muna kayo sa sofa Nica. Kakain na rin tayo mamaya, ilalabas nalang ang mga pagkain kapag naayos na sa labas," tumango naman sila sa sinabi ni tita.

Pagkaupo nila sa sofa ay sakto naman ang paglapit sa kanila ng kapatid ni Empong na kagagaling lang abroad at bigla nalang nitong dinamba ng yakap si Meredith.

" Omg! Meredith na miss kita. Ang tagal natin na hindi nagkita," naiiyak na sabi ng kapatid ni Empong kay Meredith.

Gulat naman ang nakita niya sa mukha ng kaniyang kapatid. Sino naman ang hindi magugulat kung hindi alam ni Meredith na uuwi 'yan.

" Gaga! Bakit hindi mo man lang ako sinabihan na uuwi ka pala. Sana man lang ay ichinat mo ako. Na miss din kitang bruha ka," naiiyak naman na sabi ng kaniyang kapatid.

Ang drama naman ng dalawang 'to.

" Hayaan mo nalang. May pasalubong naman ako sa 'yo kaya huwag ka ng magtampo diyan. May pasalubong din sila Ate Nica tsaka Melanie. Ibibigay ko nalang mamaya kapag uuwi na kayo," natatawa na sabi ng kapatid ni Empong.

Seducing That Half Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now