Chapter 30

23.3K 615 428
                                    

Bumuhos ang luha ko dahil sa sinabi ni Calen. Kahit anong pigil ko sa luha ko ay tuloy-tuloy pa rin ang agos no'n.

"Why are you crying?" Calen whispered as he wiped away my tears using his hot thumb. "Did I shock you with what I said?"

Umiling ako habang umiiyak. "No...I just felt so... overwhelmed." Bulong ko.

"Come here," Malambing na sabi ni Calen sa akin at binigyan ako ulit ng mainit na yakap.

He gave me a warm embrace. Hindi ko alam kung bakit ako mas lalong naiyak. I felt like I had won the lottery. All of the hurtful words that I heard from my father vanished in an instant after just hearing Calen's confession.

Sinubsob ko ang mukha sa dibdib ni Calen. I want to feel his warmth. I am really relieved to hear that. I am so happy.

"Hush now, baby..." He whispered and brushed my hair.

I slept that night in Calen's arms. Hindi ko na nga siya pinayagan magpalit ng damit dahil gusto ko nang matulog. Ayaw ko siyang pakawalan.

Nang magising ako kinabukasan ay doon ko lang naramdaman ang lahat ng hiya na hindi ko naramdaman kagabi. My face is so red in the morning. Ayaw kong bumaba dahil baka makita ko si Calen at maalala na naman ang nangyari sa amin kagabi.

Gosh, I was so pathetic! I cried a lot last night!

"Ma'am, bumaba na raw po kayo sabi ni Sir Calen." Rinig kong sabi ni Cecil pagkatapos kumatok sa pintuan.

"Kakainin ka na raw po." Sabi ni Cecil.

Nanlaki kaagad ang mga mata ko dahil sa narinig. Agaran akong napabalikwas sa kama dahil sa sinabi ni Cecil. Tangina, ano raw?! Hindi ko alam kung green-minded lang ako at sadyang mahina ang boses ni Cecil, o baka naman nang-aasar 'to, eh.

"Ano?!" Nilakasan ko ang tanong.

"Kakain na raw po!" Nilakasan din ni Cecil ang kaniyang boses.

Napanganga ako dahil sa narinig. Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi, eh. Mali lang pala ang pagkarinig ko.

Mabilis akong bumangon sa kama at pumunta sa loob ng banyo. Naghilamos muna ako ng mukha at mabilis na sinuklay ang buhok. Nagpalit din ako ng damit pagkatapos.

Pababa na ako ng hagdan nang makita si Calen na naghihintay sa dulo. His eyes lit up when he met mine. Tanging apron at shorts lang ang suot niya. Halatang katatapos lang magluto dahil mayroon pang butil ng pawis sa noo niya.

"Good morning," He greeted me. Napalunok pa siya habang nakatingin sa akin.

Napaiwas ako kaagad ng tingin dahil sa hiya. Why is he staring at me so deep?

"Morning," Sabi ko.

Hinapit ni Calen ang bewang ko nang makalapit ako sa kaniya at mabilis na hinalikan ang aking noo. "You're so pretty,"

Pinatili kong seryoso ang mukha ko kahit na naramdaman kong nag-iinit na 'yon. Ano ba 'yan! Ang landi talaga nitong si Morgan!

"Alam ko na 'yan," I pouted my lips a bit.

"I know. I just want to tell you again to remind you." Calen pursed his lips, nagpipigil ng ngiti. Nang-aasar na naman! Ang aga-aga, eh!

"Wala kang trabaho?" Iniba ko ang topic at dumiretso na sa dining hall. Nakasunod sa akin si Calen.

"I chose not to work this morning because you were crying a lot last night. I thought you needed me by your side more." He said. Napatikom ako ulit ng bibig. He really pays attention to me, huh?

"George was so grumpy when I told him I am not going to work." Calen chuckled.

Mabilis kong nilingon si Calen dahil sa sinabi niya. Calen and George are like siblings. Nagtataka na nga ako kung magakapatid silang dalawa. But they don't look the same at all. Ang alam ko lang ay secretary siya ni Calen. Are they even related?

365 Days Contract [EDITING]Where stories live. Discover now