Chapter 44

27.9K 722 1.1K
                                    

I kept my mouth shut. Hindi na ako muling nagsalita pa at napasulyap kay Ravi na malalim ang tulog sa backseat. I checked her seatbelt once more before sitting in a behave manner on my seat.

Tahimik ako buong biyahe at hindi na muling nagsalita pa. My heart was bothered for some reason. Hindi ko alam kung bakit ba hindi ako mapakali sa kinauupuan ko.

Calen opened the car's door for me when we arrived. Siya na rin ang nagkarga kay Ravi.

"Akin na si Ravi. May pupuntahan ka pa, 'di ba?" Malamig na tanong ko kay Calen at akmang kukunin si Ravi na mahimbing pa ring natutulog sa kaniyang mga braso.

"I'll carry her. I know you're tired."

Umiling ako. "No, it's fine." Hindi ko maiwasan na pumakla ang boses ko. Napatitig lang sa akin si Calen nang kunin ko mula sa kaniya si Ravi. Ravi groaned but went back to sleep after I put her head on top of my shoulder.

"Sige na, umalis ka na. Mukhang emergency 'yang pupuntahan mo at hinihintay ka na ni Amara." Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

I felt like he was reading my thought through my eyes. Parang tinatansya niya ang reaksiyon ko. Well, I'm just thinking of why he's still standing here in front of me? Mukhang emergency pa naman 'yung pupuntahan niya. Baka miss na siya si Amara.

"Sige na, umalis ka na. Baka umiiyak na si Amara doon at hinihintay ka na. Baka magselos pa kapag malaman niyang magkasama na naman tayo." I pursed my lips and turned my back on him.

Narinig ko ang mga yabag niyang sumusunod sa akin papasok ng mansiyon pero hindi ko na iyon pinansin. Mamaya sabihin niyang masyado akong pakialamera sa buhay nilang dalawa ni Amara. Ang akin lang naman, close naman pala sila ni Amara. Bakit hindi na lang niya pakasalanan si Amara kung ganoon?

"Rest upstairs. I'll call you when I finish cooking our dinner."

Napahinto ako sa sinabi niya at napataas ng kilay. Dahan-dahan ko siyang nilingon.

"Akala ko ba pupunta ka sa Amara mo?" Madiin kong tanong sa kaniya.

"Amara mo—what?" Kumunot ang noo ni Calen sa akin.

Umirap ako. "Wala," simpleng sagot ko.

"I'll cook first before going." Aniya at dumiretso sa kusina. Nakita ko mula sa kalayuan na kumuha na siya ng apron at sinuot iyon.

Mas lalong kumunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan. Kanina, mukhang nagmamadali siya at atat na atat siyang makita si Amara, tapos ngayon ay hindi pa rin siya pumupunta.

Nagmartsa ako papunta doon sa kusina para sundan siya.

"Hindi ba importante 'yung pupuntahan mo?" Tanong ko at sinundan siya ng tingin na pumunta sa refrigerator para kumuha doon ng karne at ilang gulay. Hinanda na rin niya ang chopping board at kutsilyo.

"Nothing is more important than you two." Sambit niya at dumiretso na sa lababo para hugasan ang mga gulay.

Napakurap at napahinto ako ng ilang segundo bago ma-proseso ng utak ko ang sinabi niya.

"Utot mo," wala na akong masabi dahil sa gulat.

Bago pa niya ako lingunin ay tumalikod na ako at naglakad paalis habang sinusuklay ang buhok ni Ravi. Mahimbing pa rin siyang natutulog habang karga-karga ko.

Dumiretso ako sa kwarto at binaba si Ravi sa kama. She stretched her arms. Akala ko ay magigising siya pero umikot lang siya sa kama at natulog ulit.

I sighed and removed her shoes. Inayos ko rin ang buhok niyang tumakip sa mukha niya.

365 Days Contract [EDITING]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant