Chapter 22

9 1 2
                                    

NANG makarating kami sa isang restaurant ay ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa parking lot na nakalaan para sa mga customers.

Pumasok na kami sa loob at pakiramdam ko ay out of place ako rito. Halatang mga taong bigatin ang narito dahil na rin sa kanilang mga suot.

Nang makaupo kami ay may lumapit na waitress sa'min at ibinigay ang kanilang menu.

Nang buklatin ko ito ay napalunok ako ng laway. Parang sinampal ako ng isang daang beses ni kahirapan. Sa desert, isang ice cream lang ay humigit kumulang isang libo? What the heck! Parang hindi ko na tuloy kaya pang buklatin at tingnan ang iba pang presyo ng mga pagkain nila.

Ngunit gaya nga inaasahan, dahil nasyado akong kuryoso, binuklat ko ang menu. Sunod sunod akong napalunok nang makita ko ang presyo ng kanilang mga pagkain. Mahigit isamg libo ang isa.

Ano 'to? Gold ba ang isinasahog?

"What do you want?" Nag-angat ako nang tingin nang marinig ang tanong ni Clove.

Nakangiti ito sa akin, naghihintay ng aking sagot. "Same as your order na lang." Sagot ko sa kanya.

Ayaw ko namang mag-order ng kahit ano kahit alam kong mayaman sila 'no.

Ngumiti siya saka tumango. Sinabi na niya ang kanyang order sa waitress.

Nakita ko pang todo pa-cute ang waitress sa kanya habang isinusulat nito ang order namin ngunit tila balewala ang ginagawa niya dahil hindi ito pinapansin ni Clove.

Bleh, buti nga! Loyal si Clove sa'kin eh.

Nang maisulat niya ay umalis na siya sa table namin. Nakahinga naman ako ng maluwag. Naasar ako sa pagmumukha niya!

"Calm down." I heard Clove said as he chuckled.

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Nang tingnan ko kung ano ay tinutukoy niya ay namula ako sa hiya. Halos mapunit na ang mga tissue na nakalaan para sa table namin dahil sa higpit ng pagkakahawak ko.

I sighed. "Nakaasar 'yong babaeng 'yon eh. Inaakit ka!" Nakanguso kong saad.

He chuckled as he patted my head. "Hindi naman ako nagpapaakit e."

I rolled my eyes. Sa kanya may tiwala ako ngunit sa babaeng 'yon ay wala. "Kahit na!"

A grin formed on his lips. "Teka, nagseselos ka ba?" Tanong nito sa akin.

Natigilan at tila nabuhusan ng malamig na tubig.

Oo nga, bakit ganito ang inaasta ko? Nagseselos ba ako?

I shrugged, "Hindi ko alam."

He shook his head as he looked at me with skepticism. "You're different. You're acting like one yet you don't know." Saka natatawa niya akong tinignan.

Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. So totoo nga? Na nagseselos ako?

Nang dumating ang order namin ay nakahinga ako ng maluwag dahil 'yong babae ang naghatid sa table namin.

Kaagad kong nilantakan ang mga pagkain na nasa harap namin. I closed my eyes as I devour the delicious taste of the dishes. Kakaiba! Napakasarap! The price is reasonable beyond its taste! Siguro kung madami  din akong pera ay babalik ako dito. Not now, but soon.

Tuloy tuloy lang ako sa pagsubo, not minding the glances that Clove was giving me.

Hah, no need to be conscious about how I look 'cause food is in front of me. And if food is the topic, Leif is always on the way!

Napaubo ako nang may manguya akong sili. Hah, hindi naman maanghang 'yong pagkain ah pero bakit may sili?

Natatawang inabot sa akin ni Clove ang isang baso ng tubig. Kaagad ko iyong tinungga at ininom.

Scholar Series 2: Agreement (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt