Chapter 13

9 1 7
                                    

"BIGLA bigla ka na lang kasing naging honest ayan tuloy, dahil sa gukat, nahulog ako sa kama." Kahit sa tawag ko lang siya kausap ay alam kong namumula na ang tenga niya ngayon.

Napailing naman ako saka bumalanghit sa tawa. "Don't tell me, kinilig ka sa sinabi ko?"

He tsk, "Parang gano'n na nga." Pag-amin niya.

Kagat kagat ko ngayon ang kuko ko sa hinlalaki para pigilan ang aking pagngiti.

"Oh siya, bye na, kakain na kami." Paalam niya.

Tunango naman ako kahit hindi niya nakikita. "Sige, bye na."

"Oy teka pala." Tumaas ang kilay ko sa ginawa niyang pagpigil.

"Bakit?"

"May pupuntahan pala kami bukas. Magpapaalam lang ako kung papayag ka." My heart palpitated like crazy as I felt my cheeks burned.

Pinipigilan kong ngumiti ngayon ngunit kumawala na ito ng tuluyan sa aking labi. "Teka nga, bakit ka nagpapaalam sa akin? Ano ba kita, asawa?"

I heard him groaned on the other line. "Argh! Panira ka talaga, Leif! Hindi nga kita asawa ngayon, pero soon."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Patuloy pa rin ang puso ko sa mabilis na pagtibok kaysa sa normal.

"Ako rin may pupuntahan bukas." Saad ko rin.

"Saan?" Medyo napalakas ang boses niya kaya inilayo ko sa aking tenga ang telepono.

"Reunion daw ng pamilya nila Papa." Sabi ko.

I heard him heaved a sigh on the other line. "Reunion din ang pupuntahan namin bukas." Bulalas niya.

Dahil sa gulat ko, nahulog ko ang cellphone na nakatapat sa tenga ko. Mas lalong lumalakas ang kutob ko dahil sa nalaman ko.

Ngunit hindi ko kailangang gumawa ng isang konklusyon na wala pang sapat na patunay.


NANG matapos kaming mag-usap ay bumaba na ako dahil tinawag na rin ako ni Papa para kumain na.

Nagluto siya ng pritong bangus at saka fried chicken. Nang makaupo kami ay nagsimula na kaming kumain.

Habang kumakain, nagsalita ako. "Pa.."

Inangat niya ang kanyang tingin, hawak hawak niya ang baso niya.

"Ano 'yon, 'nak?"

"Pa, may kakilala po ba kayong—"

My words were cut off when his phone beside him suddenly rang.

"Teka lang. Sasagutin ko lang ang tawag." Aniya saka tumayo.

Naiwan ako sa mesa. Nandoon na eh! Itatanong ko na sana kung kilala niya si Clove eh! Kaso 'yong tawag, papansin. Saka pa sumingit nang malapit ko ng matapos ang tanong eh.

Nakangiting bumalik si Papa sa hapagkainan saka ibinaba ang cellphone sa mesa.

Tumingin siya sa akin ng nakangiti, "Ano ulit 'yong tanong mo, Life—Leif?"

Napaubo ako sa aking iniinom nang bigkasin ni Papa ang pangalang Life. Pusa! Pangalawang beses na niya itong sinabi ha. Pinagkamalan ba akong Life eh Leif naman ang pangalan ko.

Hay nako, una si Clove, tapos ngayon si Papa. Biglang nanlaki ang mata ko. Don't tell me magkakilala silang dalawa?

Ay, ano ba 'tong iniisip ko?

"'Nak, anong tanong mo?" Boses iyon ni Papa na nakapagpabalik sa aking ulirat.

Tumingin ako sa kanya and I smiled faintly. Umiiling-iling ako, "Wa-wala po Pa, nakalimutan ko na po." Pagsisinungaling ko.

Scholar Series 2: Agreement (COMPLETED)Where stories live. Discover now