Chapter 17

13 1 5
                                    

NASA hapag na kami ngayon. Katabi ko si Clove. Nagsimula na kaming kumain nang magsalita si Tita Ridette.

Tumingin siya sa'kin. "Sabi na eh..." Nakangiti nitong saad habang nakatingin sa akin kaya naibuga ko muli sa akong pinggan ang nasa bunganga kong pagkain.

Anong sinasabi ni Tita Ridette?

Namula ako nang maalala ko ang laplapan namin kanina ni Clove. Don't tell me 'yon ang tinutukoy niya? Naramdaman kong uminit ang aking pisngi

"A-ano p-po?" I stuttered.

"Na ano, ikaw talaga siya. Si Papa mo na mismo ang nagsabi sa'kin." Saka siya tumingin kay Papa.

Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya.

Tumingin ako kay Papa na tila ba nagtatanong kung anong tinutukoy ni Tita Ridette.

Ngumiti siya, "I'll tell you later as we finished eating." Saad niya.

Parang kinakabahan tuloy ako kung anong sasabihin nila. Hay, I hope this revelation goes well.

Nang matapos kaming kumain ay nagtipon tipon na kami sa sala maliban kay Kuya Zachely na nasa kusina. May lulutuin lang daw siya ayon na din sa paalam niya.

"Sige na, ikwento mo na Ricky para hindi maguluhan ang mga bata." Tita Ridette said as she giggled kike a teenage girl.

Papa cleared his throat as he looked at me. "Nakwento ko na sa'yo yung iba kanina sa kotse, 'diba?" Tanong niya. Tumango ako.

"Kalahati pa lang iyon ng katotohanan sa'kin pati na rin sa'yo, anak."

This is it!, Wala nang atrasan. Nangangatog ang tuhod ko sa kaba. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba. At higit sa lahat, namamawis ang aking noo at kamay dahil sa kaba.

"Leif, ang totoo kasi niyan ay..."

"Hep hep, teka lang. Kailangan ko ding marinig ang usapan niyo."

Biglang singit ni Kuya Zachely habang may hawak na isang bowl ng teka— popcorn? What the heck! He really did cooked a popcorn! Ano 'to, some sort of movie para kailangan niya pa ng popcorn habang nanonood, gano'n? Hay, abnormal!

"Ano?" Si Clove na tila atat na marinig ang sasabihin ni Papa.

"You are suffering from a selective amnesia." Pag-amin ni Papa.

So ibig sabihin, 'yong mga dahilan ng pagsakit ng ulo ko dahil sa pangyayaring nagpa-pop up na lang bigla sa aking isipan ay parte ng aking nakaraan?

"May gano'n bang amnesia?" Tanong ko.

Hindi naman kasi ako expert pagdating sa medical field. Basta ang alam ko lang ay ang salitang amnesia.

"Oo." Sagot ni Papa.

Sumingit naman si Tita Ridette, "Selective amnesia involves losing only some of your memory from a certain period. For instance, this could mean forgetting some parts of your traumatic event, but not all of it. 'Diba? May alaalang pilit mong kinakalimutan ngunit minsan ay hindi mo maiiwasang maisip ito o magreplay sa isip mo?" Pagpapaliwanag niya. Mukha eksperto siya sa larangang ito ha.

Tumango tango ako. May pilit akong kinakalimutang alaala at 'yon pagtulak sa akin ng huklubang Julio. Kahit ilang beses ko itong kalimutan ay nagpapakita ang alaalang ito sa aking panaginip.

"May ano din po, nakita ko sa panaginip ko ang batang ako, tinatawag pong Life." Pag-amin ko. Nagkatinginan si Papa at Tita Ridettevhabang napasinghap naman ang katabi kong si Clove. Panay naman ang nguya ng abnormal na Zachely ng popcorn na luto niya. Mabulunan ka sana!

Scholar Series 2: Agreement (COMPLETED)Where stories live. Discover now