Chapter 15

13 1 3
                                    

WE are at the dining hall now. Nasa mahabang mesa ang mga pagkain. Walang umimik sa pagitan naming lahat hanggang sa mapadpad ang tingin ng matanda sa pwesto namin ni Papa.

"Nandito ka pala, Ricky." Walang emosyong saad ng matanda saka tumingin sa akin.

Akmang magsasalita na sana ang matanda nang biglang may dumating sa loob ng hapag.

When I looked at them, I was frozen at my seat. Tila hindi rin ako makahinga. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi niya ako nakita dahil nakatingin ito sa kanilang ina na katabi ni Papa.

No one dared to sat beside me as if I have some contagious disease.

"Sorry, we're late." Saad ng baritonong boses.

Tumayo si Tita Ridette. "Nandito na pala kayo Clove, at Zachely." Nakangiting wika ni Tita Ridette.

Hindi pa rin tumitingin si Clove sa pwesto namin ngunit maraming namumuong tanong sa aking isipan.

Magkamag-anak kami ni Clove. Kumbaga, magpinsan.

Anong meron? Nalilito ako! Bakit ba nagkagusto ako sa pinsan ko?

"Maupo kayo." Saad ng matanda. Seryoso pa rin ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Nang tumingin sa pwesto namin si Clove ay napako siya sa kanyang kinatatayuan. Kumurap kurap siya na tila ba ay hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

Naupo siya sa tabi ko at si Zachely naman sa tabi niya.

Bumulong siya sa akin. "How come you are here?" Tanong nito.

Inilapit ko naman ang aking bibig sa kanyang tenga. "Malamang nandito ako kasi family reunion nga, 'di ba?" Pabalang kong sagot sa kanya.

Kagaya ko ay mukhang nalilito din siya.

"How come?"

"H-huh?"

"Na magpinsan tayo. Bakit gusto kita?" Tila naguguluhang tanong nito sa'kin.

Kahit ako man ay hindi alam ang sagot d'yan.

NAGSIMULA na silang kumain kaya kumuha na rin ako ng aking makakain. Tanging tunog lamang ng kutsara at plato ang naririnig sa hapag. No one dared to speak until the intimidating old man spoke, "Mabuti't nakadalo ka, Ricky."

Tila hindi halata ang pagkagalak sa mukha ng matanda. Parang may kung anong kumirot sa aking puso dahil sa tanong niya. Parang puno ito ng pang-uuyam.

Parang gusto ko tuloy ba tusukin ng tinidor ang kanyang mga mata.

"Ridette told me." Tipid na sagot ni Papa saka hinarap muli ang kanyang pagkain.

"Hindi mo ba halata na hindi namin gusto ang pagdating mo?" Nakangisi na ngayon ang matanda habang nakatingin ni Papa.

Inangat ni Papa ang kanyang tingin sa matanda. "Bakit sa tingin mo ba gusto kong makita ang inyong mga pagmumukha? If I just didn't treasure Ridette, I will not come here." May diin ang bawat salitang binibitawan ni Papa.

Para tuloy akong nanonood ng family drama. Popcorn, please.

Ang mga ibang kamag-anak naman nila Papa ay tahimik lamang na nakikinig sa usapan nilang dalawa.

Huminga ng malalim ang matanda saka pinakalma ang sarili. "The door is wide, maari ka nang umalis." As he motioned the door.

Parang gusto kong putulan ng kamay ang matandang 'to. Matanda na nga wala pang modo. Walang disiplina!

"Mauna ka, susunod ako." Sagot sa kanya ni Papa saka pinaikutan ito ng mata.

Ngayon ko lang nakita ang side na ito ni Papa. He's always gentle at the same time he looks so fragile. Papa is not a mascular man. Even though he's in his early forty's, his looks like his on late twenty's. Yes, he's slim.

Scholar Series 2: Agreement (COMPLETED)Where stories live. Discover now