Chapter 16

11 1 5
                                    

TUMINGIN siya sa'kin. "Ano lang naman kung gano'n? At least you're true to yourself. Hindi mo ikinukubli ang tunay mong katauhan." Nakangiting sabi ni Papa na nagpalakas ng loob ko.

Maybe if he's not my parent, I am already judged but I'm thankful that he's my Dad. A very wonderful Dad. He became both my mother and father.

"Pero kasi ano, Pa eh..." Kumakamot ilong sabi ko.

"Ano 'yon?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa aming daan.

"May gusto nga ako, kaso ano..."

"Kaso?"

"Kamag-anak po natin."

I know that a love between relatives is forbidden. Kumbaga, isa itong incest kaya nahihiya akong sabihin sa kanya.

"Ah, si Clove ba?" Nakangising tanong nito sa akin.

Naramdaman kong tila uminit ang leeg at tenga ko. Paano niya nalaman?

"H'wag mo'kong tingnan ng ganyan. Nakita kong magkahawak kayo ng kamay kanina sa ilalim ng mesa." Bulalas niya ngunit nakangiti ito ng matamis.

"Hindi po kayo galit?"

"Bakit naman ako magagalit, aber?" Saka tinaasan niya ako ng kilay.

"Kasi nga po..."

"Sige, mamaya mo na sabihin. Matulog ka na muna." Sabi niya sa akin.

I pouted. Malapit ko nang masabi eh. Kaso pinigilan pa ako! Hmp!

Nakatingin ako sa labas ng bintana. Mga malalagong puno at mga malalaking kabahayan ang aming nadadaanan. May mangilan-nglinang sasakyan ang dumadaan dito.

"Pa, bakit po kayo galit na galit kanina sa matandang 'yon?" Kuryoso kong tanong sa kanya.

Ngumiti naman ito, "Allergic kasi 'yon sa bakla. Tapos ngayon lang din ako nagkaroon ng lakas ng loob para sumbatan siya kaya tinodo ko na."

Kahit papano'y napangiti ako sa sinabi niya. I really admire his bravery. He overcome his fear on the old man just to tell him how me he hate his guts, him being homophobic, and close minded.

"Bilib na talaga ako sa'yo, Pa!"

Tumango lamang siya sa'kin. "Pa, siya nga pala. Bakit hindi man lang tumagilid ang ulo niyo kanina nang sampalin ka niya? Ako nga na pinapanood lang kayo ay napangiwi ako dahil alam kong nasakit ang sampal na iginawad niya sa'yo." Pang-uusisa ko.

Tumingin siya sa'kin, malungkot ang mga mata ngunit may nag-aalab na galit doon. I gulped. "Gusto mo talagang malaman?"

"O-opo."

"Sanay na akong gawin niya sa'kin 'yon. Since my teenage years when he learned that I'm gay, he started humiliating me. He sometimes pull my hair hard tapos bigla na lamang akong iu-untog sa railing ng hagdanan. Tapos minsan niya rin akong inulublob sa drum dahil gusto niyang magpakalalaki ako. Palagi niya akong sinasampal dahil bakit hindi ko daw nagagawa ang magpalalaki. Na salot daw ako sa pamilya. Hindi iyon alam ni Papa dahil he threatened that he will kill my Mom if ever na malaman ni Papa iyon so I opted to keep silence. Until one day, dahil sa likas siyang basugalero, may nagtutok sa kanya ng baril at ipinaputok ito sa direksyon niya but Dad saved him. Iniharang niya ang kanyang sarili para iligtas ang kanyang kapatid."

"Sundalo naman ang huklubang iyon pero tila wala siyang disiplina at halos lahat ng pinupuntahan niya ay napapaaway siya. Mas lalo siyang nagalit sa'kin. Ibinubuntong niya sa'kin ang kanyang galit. Kaya ayon, nasanay na rin ang katawan ko. Saka 'yong sampal niyang 'yon ay baka parang mahinang palo mo lang sa'kin. Lahat kasi ng iyon ay ininda ko hanggang sa pinalayas ako sa mansion when Mom passed away. I am happy that time dahil sa wakas ay aalis na ako sa poder ng matandang hukluban na 'yon. Ayan ang kwento ko kung bakit hindi ako nasaktan sa sampal niya." Nakangiting paliwanag ni Papa ngunit ramdam ko ang lungkot ng kanyang boses pati na rin ang sunod sunod na pag-agos ng luha mula sa kanyang mga mata habang nagmamaneho siya.

Scholar Series 2: Agreement (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu