Chapter 10

9 1 1
                                    

BIGLANG NAWALA ang mga tumatakbong iyon sa aking isipan nang may naramdaman akong yumuyugyog sa akin. Napabalik ako sa ulirat ko, kumurap-kurap.

The ride has already been finished yet I don't even remember when did I stopped.

Masyado kong pinatuunan ng pansin ang mga nagflashback sa aking isipan kanina.

"Hey are you okay?"

Inalalayan niya ako pababa. Marahan naman akong tumango ngunit tila nanghihina ako.

"But you look pale. Natakot ka ba kanina?" Kahit nakangisi siya ay ramdam ko pa rin ang pag-alala sa kanyang tono.

Should I tell him?

"Hi-hindi naman. May naalala lang ako."

Nakita kong tumango tango siya. Hindi na siya muling nagtanong.

Sabi niya, uuwi na lang daw kami para daw makapagpahinga ako. Nag-aalala daw siya sa akin.


NANG nasa daanan na kami patungo sa apartment, bigla niyang binasag ang katahimikan na namayani sa pagitan namin.

"Did you already experience falling in love?" Tanong niya.

Lumingon naman ako sa kanya saka may namuong ngisi sa aking labi. "Meh, don't tell me you're in love?" I teased.

He hissed at me and rolled his eyes. Namula ang kanyang tenga. "Tsk, just answer my damn question."

I shrugged, "Okay. My answer is no..." I paused, "but I think I am already experiencing it now." Sumeryoso ang aking tingin sa kanya.

Hindi ko alam kung nakikita niya ba ito dahil naka focus ang kanyang tingin sa daan.

Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang kanyang side view. He looks so handsome. His thick brows, long natural curly eyelashes, his damn oh so pointed nose and to his thin lips. When I turned my gaze down, his adam's apple was bouncing up and down making him looks so hot.

I shook my head. Naramdaman kong tumingin siya sa akin at binagalan ang takbo ng sasakyan. Nakakunot ang kanyang noo, "And who is that?"

Tumaas ang kilay ko sa tanong niya.

Do I need to tell him?

Pero baka layuan niya ako. Ay, h'wag na nga.

Ngumisi ako, "Nasa tabi tabi lang siya."

He heaved a sigh. "Ako kasi, I am already in love with someone ngunit hindi ko alam kung alam niya ba ito at may gusto rin siya sa akin." Pag-amin niya saka tumingin sa akin ng seryoso at mapait ng ngumiti.

My heart started pounding faster again.

I brushed my hair off in my forehead. "Bakit kasi hindi mo aminin?"

The car slowed its pace. "I am afraid of rejections." Saad niya saka muling ngumiti ng mapait ngunit ang kanyang tingin ay nasa kalsada.

I didn't know that Clove is afraid of rejections. Well, who wouldn't be? Ako rin natatakot sa rejections because I feel like if I am rejected, I'll lose my self esteem and confidence.

"But you can try. Wala namang masama kung umamin ka sa kanya, hindi ba? Try it. Malay mo may gusto rin siya."

"Well, thank you for your advice. Maybe I'll try it some other time. Gusto ko munang pag-ipunan ng lakas kung paano ko 'yon sasabihin sa kanya."

"Good then." Nakangiti kong sabi ngunit tila may kirot sa aking puso.

Hindi ko alam na ang taong pakiramdam ko ay nahuhulog na ako ay may gusto pala. Para tuloy nawalan ako ng lakas. Sana hindi na lamang niya sinabi sa akin. Eh 'di sana ay hindi ko nalaman na may gusto siya.

Scholar Series 2: Agreement (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum