TRINITY XLIV: GLIMPSE OF US

36 3 0
                                    

JIN POV

Three years had passed at grabe, hindi pa rin ako makapaniwala. Parang kailan lang nangyari 'yung laban sa pagitan ng Trinity at ni Hobi. Gaya ko din si Taehyung pero mainly because may mga araw pa rin na naiisip niya na sana kung ibang plano lang ang ginawa niya, hindi sana mauuwi ang lahat sa pagkamatay ni Hobi but then again, it was his decision na gawin iyon sa sarili niya. He does not want to accept defeat nor feel helpless.

After ng pangyayaring iyon, nagsimula na rin ang mahigpitang pagsasala sa mga miyembro ng Trinity. Walang pagdadalawang isip na pinaligpit ng Trinity ang mga tauhan nilang maka-kaliwa. Labag man sa kaluoban ko na gawin nila iyon ay hindi ko rin naman sila pinigilan dahil nanduon na rin ang takot ko sa tuwing maaalala ko 'yung nangyari kay Joonie. Akala ko mawawala na siya sa akin. Laking pasalamat ko nga at hindi iyon nangyari dahil magkasama pa rin kami hanggang ngayon.

Also, believe it or not, naka survive si Hunter sa laro niya kay kamatayan. That shithead! Akala talaga namin namatay siya, iyon pala, may suot siyang espesyal na bulletproof suit kaya hindi naging ganuon kalala ang mga tama niya at to the rescue si Hwasa sa kanya syempre because as we all know, lakas tama pa rin sa kanya si ate ninyo girl pero ayun, ng nagka girlfriend na si Hunter, tumigil na rin naman siya. Actually, nauna siyang gumive up bago pa magka girlfriend si Hunter kaya ayun. Kahit papaano nakahinga na kami ng maluwag. Akala talaga namin hindi na ulit magmamahal si Hunter pero ayun. Minsan nga naiisip ko, kung hindi namatay si Jimin, sila kaya ang magkakatuluyan o hindi pa rin?

"Hyung!" tawag sa akin ni Taehyung kaya agad bumalik ang ulirat ko. Shit. Hindi ko namalayan na nag spaceout na pala ako. Nga pala, araw ng kasal ngayon nina Tae at Prime. Buti naman naisipan na nila magpakasal. Nauna pa kasi ang pagaadopt nila ng anak sa amin ni Joonie. A month ago lang sila nag adopt. Actually, iyon ang ginamit ni Prime na pang propose kay Tae. Could you imagine how awkward but funny at the same time was that? Nilagay ni Prime yung singsing sa kamay ng baby. Ito namang si Tae takang-taka ano yung hawak-hawak ng inadopt nilang baby at ayaw bitawan tapos ayun. The rest is history.

"Yes, Tae?" agad akog lumapit sa likuran niya at pinagmasdan ang repleksyon naming dalawa sa harap ng salamin.

"Pwede bang kapag pinost mo 'yung picture natin sa social media account mo, isama mo ang pangalan ni Chim?"

Nagulat naman ako sa nirequest niya at nagpakawala ng isang malalim na buntung-hininga. Oo nga pala. Dati kasi napag usapan namin na kapag kinasal ang sino man sa amin, dapat special honor ang dalawa sa aming tatlo kasi nga we're more than bestfriends. We're brothers. Napangiti ako ng mapait.

"Yes, Tae. Isasama ko ang pangalan ni Chim. For sure, excited na rin iyon na makitang lumakad tayo sa aisle from heaven kaya tara na. Baka naiinip na rin 'yung groom mo."

At nagsimula na nga ang seremonyas ng kasal. Syempre present din ang adopted child nina Tae at Prime na siyang karga-karga ni Joonie. Napangiti naman ako ng magkatinginan kaming dalawa. Hay, excited na ako na mag adopt na rin ng sarili naming anak.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
TRINITY (BTS AU)Where stories live. Discover now