TRINITY XX: FEVER

60 4 2
                                    

And today is the day, Hoseok and his three little beauties will execute their plan para pabagsakin ang Trinity. Well, maliban sa isa na kanina pa conscious hindi lang dahil sa isiping makikita niya ulit si Hunter bilang kalaban nila kundi dahil na rin sa plano ni Hoseok na i-transform sila bilang mga babae.

Nakita na siya nuon ni Prime and for sure kapag nakita siya muli nito ay walang dudang mabubulilyaso ang plano nila.

"Alright, ladies, pwede na kayong bumaba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Alright, ladies, pwede na kayong bumaba. Tawagan ninyo nalang ako kapag tapos na kayo sa hair and make up ninyo." nakangiting sabi ni Hoseok, "And I expect nothing but the best, especially you, Jinnie. Wear something eye catching." dagdag nito at kumindat bago muling sumakay sa kotse at iwan kami sa malaking building kung saan, sa unang tingin ay hindi mo mapagkakamalang mall sa hitsura nito mula sa labas. Halatang hindi pang masa ang nasabing establisyimento.

Napabuntung-hininga muli si Jimin ng makalayo ang kotse sa kanila kung saan lulan nito si Hoseok.

"Chim, kanina ka pa naka busangot d'yan. Hindi ka ba excited sa pwedeng mangyari mamaya? Makakabawi na rin tayo sa mga mokong na iyon!" excited na sabi ni Taehyung habang magka holding hands sila samantalang ang isang kamay naman nito ay naka angkla sa braso ni Jin.

"Tae, may nakakalimutan ka yata. Remember? 'Yung pinapunta mo ako sa part-time job mo before at nanduon si Prime? Naka cross-dress ako nu'n. What if mamukaan or worst, makilala niya agad ako at mabulilyaso ko ang plano natin?" saad ni Jimin at napa irap.

Nanlaki naman ang mga mata ni Taehyung ng maalala niya ang tungkol dito.

"Hala! Oo nga! Hala paano na?!" nagpapanic na rin na tugon ni Taehyung at niyugyog pa si Jimi, ng bigla itong may maalala, "Pero naka blonde na wig ka nu'n, eh di wag ka mag blonde na wig! Problem solved!" nakangiting saad nito at nag thumbs up pa samantalang si Jin ay nailing lang at busy mag isip ng isusuot niya mamaya.

Excited siyang makita ang magiging reaction ni Hoseok sa magiging transformation niya. Hindi naman na surpresa para sa dalawa niyang kaibigan ang pagiging malapit nilang dalawa ni Hoseok thou may pagkakataon rin na naiinggit si Taehyung sa kanilang dalawa dahil natutuwa din siya kapag binibigyan siya ng atensyon ng nasabing lalaki kaya nga madalas, may patalbugan na nagaganap sa dalawang kaibigan. Tanging si Jimin lang ang hindi naa-attract gaya ng dalawa kay Hoseok kaya na panay din ang pagbigay ng atensyon nito sa kanya.

"Di ba favorite ni Hobi Hyung ang puti?" nakangiting tanong ni Taehyung sa kanila habang papasok sila ng clothing botique.

"Don't tell me magwa-white ka?" nakangisi at nakataas kilay na tanong ni Jin. Balak pa naman din nito sanang mag puti.

Nailing naman si Jimin. Alam niyang nagsisimula na naman ang dalawa.

"Iwan ko muna kayo. Hanap lang ako ng damit na alam kong makaka attract sa kalaban natin at hindi lang kay Hobi hyung." pagpaparinig niya sa dalawa at saka bumitaw sa pagkakahawak ni Tae sa kanya.

TRINITY (BTS AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon