TRINITY XIII: WAY LESS SAD

44 6 2
                                    

"Oh my god! Kim Seokin?! As in The Kim Seokjin?!" gulantang na reaksyon ni Taehyung.

Magkakasamang nakaupo ngayon ang tatlong magkakaibigan sa ibabaw ng king size bed. Specifically, sa napiling guest room ni Jin. Matapos kasi ng naging paguusap ng apat kaninang umaga at nagpaalam umalis si Hoseok para pumunta ng HQ ay naiwan na ang tatlong magkakaibigan sa bahay nito, at para maging mas malinaw ang lahat at wala ng lihiman pa sa isa't-isa eh napagpasyahan nilang sabihin na lahat ang naitatago nilang sikreto. Well, maliban sa isa.

"Oo. Pasensya na kung Jinnie Kim ang pinakilala ko sa inyong pangalan."

"Okay lang, Hyung. Malamang kung una palang sinabi mo na sa amin na ikaw si Kim Seokjin ay nahimatay na ako. Alam ko kasi sobrang yaman ng pamilya ninyo. Hindi ko akalain na darating sa punto na magiging kaibigan ko ang gaya mo. S'ya nga pala, uhm, asawa mo ba talaga si Eye?" tugon ni Taehyung.

Napalunok si Jin sa tanong ng kaibigan. There's no use na maglihim pa siya.

Tumango ito bilang sagot, "Kung pwede nga lang sanang nagbibiro ako pero hindi. Kasal kami at legal iyon. Hindi ko nga alam paano ko mapapawalang bisa ang kasal namin. Ang iniisip ko nalang ay siguro kapag namatay siya, duon lang mawawalan ng bisa iyon."

"Paano nangyari iyon, Hyung? Eh mukha namang ayaw mo sa kanya kaya paanong nangyaring kasal ka sa kanya? Don't tell me, gaya ng sa mga telenovela ang peg ninyo? Arranged marriage kayo ng parents ninyo? Oh my god! So ibig sabihin kabilang ka rin sa underground society?! Ang pamilya ninyo?" excited na tanong ni Taehyung.

"Hindi. Hindi kabilang ang pamilya ko sa underground society at hindi, hindi arranged marriage ang eksena namin ni Eye. Ginipit niya ang parents ko at sapilitan niya akong ikinasal sa sarili niya at pagkatapos nu'n. . at pagkatapos. . pinatay niya ang mga magulang at kapatid ko." maluha-luhang kwento ni Jin habang inaalala ang mga nangyari na parang kahapon lang, "Ang tahimik mo yata, Jimin? Okay ka lang ba?"

Napunta ang atensyon nina Jin at Taehyung sa kanina pang tahimik na si Jimin. Pagkatapos ng naging paguusap nila kasama si Hoseok ay hindi na ito gaanong umiimik. Halatang malalim ang iniisip.

"H-Hindi. Nagco-contemplate lang ako kung bababa ba ako para uminom ng tubig at nakapagpasya na akong bababa ako. Uhaw na uhaw na talaga ako eh. Sige, iwan ko muna kayo." pilit na ngiti niyang tugon sa kanila at dali-daling lumabas ng guest room.

Napasandal siya sa pader at napabuntung-hininga.

Nagkibit-balikat naman sina Jin at Taehyung.

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit nagpalit ka ng pangalan at hindi ka gaanong lumalabas ng bahay kung hindi kailangan ay dahil kay Eye na iyon pala. Paano iyan? Alam niya ng nandito ka pa rin sa South Korea, impossibleng hindi ka niya ipahanap."

"Tae, sa maniwala ka man o sa hindi. Kinondisyon ko na ang sarili ko na balang araw, sa ayaw ko man o sa gusto, magkikita at magkikita pa rin kami ng Eye na iyon at nangyari na nga iyon ngayon. Sign na ito para ipaghiganti ko ang ginawa niya sa pamilya ko. Hindi ako matatahamik hanggat hindi ako nakakapaghiganti."

"Pero Hyung, hindi ka ba nagtataka kung bakit pilit ka niyang hinahanap?" pilyong tanong ni Taehyung.

Agad na winaksi ni Jin ang kalokohang ideya na pumasok sa isip niya. Hindi. Impossible ang bagay na iyon para sa isang taong katulad ni Eye.

"Hindi mo siya kilala, Tae. Ganuon siya dahil ang tingin niya sa akin ay isang bagay na binili niya gamit ng pera niya na pagmamay-ari niya." kinuyom nito ang kanyang kamao sa inis, "Hindi ako isang bagay na pwede niyang kunin at itapon nalang kapag nagsawa siya gaya nalang ng ginawa niya sa iba."

TRINITY (BTS AU)Where stories live. Discover now