TRINITY XXI:BUTTERFLY

62 5 3
                                    

"Bwisit!" bulong ni Jimin sa sarili habang halos pigain na nito ang basong hawak niya na may alak. Umikot ang mata nito sa magkahalong inis at inggit dahil sa ka-date ni Yoongi na babae.

Pilit pa niyang pinapakalma ang sarili dahil ayaw niyang mapansin ng sino man sa mga kasamahan niya ang pagbabago sa mood niya. Baka lalo pa magka problema kapag nagkataon.

"Chim." tawag sa kanya ni Tae ng tumabi ito sa kanya sa counter kung saan siya nakaupo kaharap ang bartender na abalang naghahalo ng drinks.

"Not now, Tae."

Napabuntung-hininga naman ang kaibigan niya at pasimpleng tumingin sa kinaruruonan nina Hobi at Jin bago tumingin kila Namjoon. Nainis pa siya sa sarili kung bakit ang bilis na lumihis ng tingin niya papunta kay Jungkook at sa kasama nito na napa eye roll siya.

"Chim, hindi ko alam anong nangyari at biglang nag iba ang mood mo pero kung ano man ang dahilan, kalimutan mo muna saglit dahil napansin ko yung tingin na binigay sa iyo ni Hobi hyung. Iba iyon, Chim. Iba."

Tumango si Jimin at napabuntung-hininga. Nayari na, sa isip-isip niya at pasimpleng nilingon ang pwesto nina Hobi at Jin.

"He's here." dinig nilang sabi ni Jin sa earpiece na suot-suot nila, disguised as
an earring.

Agad silang napatingin sa lalaking pumasok sa venue kasama ang mga bodyguard na ito and damn, he's hot

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Agad silang napatingin sa lalaking pumasok sa venue kasama ang mga bodyguard na ito and damn, he's hot. The original plan was, Jin is supposed to be the one who will lure the man but due to Jimin's hasty actions, nakita nalang siya ng kanyang dalawang kaibigan na naglalakad na papunta sa direksyon ng nasabing target nila kung saan binabati nito ang date ng Trinity.

"Chim, what the hell are you doing? Mahahalata tayo sa ginagawa mo!" tarantang sabi ni Jin sabay tayo sa pwesto niya habang inuubos ang inumin niya sa kanyang wine glass.

Gustuhin man ni Taehyung makisali ay pinigil nalang niya ang sarili at umorder ng inumin. Habang hinihintay ang kanyang order ay sumagi sa isip niya ang mukha ng ka-date ni Jungkook at napa make face niya na para bang kaharap niya ang nasabing babae at inaasar ito.

"Pabebe." bulong niya sa sarili ng maisip niyang mukhang babaeng-babae ito kumilos at mahinhin na kung makakapit sa nasabing lalaki ay parang linta.

Pag abot sa kanya ng inorder niya ay inisang tungga niya lang ito at saka palang siya napapikit ng marealize na panget ang lasa nito.

"Kasalanan ito ng bwisit na kuneho na iyon eh!" baling niya dito ng wala siyang masisi sa nangyari.

Hindi niya na napansin na may tumabi sa kanya sa upuan at iyon ay walang ibaba kundi ang kinaiinisan niyang kuneho at pabebe.

"I'll just go to the washroom, Kook." agad na napa angat ang kilay niya ng marinig niya ang sinabi ng katabi.

Kook?

TRINITY (BTS AU)Where stories live. Discover now