TRINITY IX: WRAP ME IN PLASTIC

53 4 2
                                    

JIMIN POV

"Ui, okay ka lang? Kanina ka pa nakatulala d'yan." agad nilingon ang katrabaho ko na siniko ako para kuhain ang atensyon ko, "Himala yata, parang hindi ka excited ngayon na maaga kang uuwi. Malapit na out mo, 'di ba?"

Impit ko siyang nginitian, "Iniisip ko lang 'yung performance ko mamaya."

"Oo nga pala! Ikaw pa ba, Jimin? Syempre, yakang-yaka mo iyan!" nakangiting sabi nito at tinapik-tapik ang likod ko.

Nang iwan ako ng kasama ko para asikasuhin ang kakapasok lang na bagong customer ay napa buntung-hininga ako. Sa totoo lang, mas gustong isipin na 'yung performance ko talaga sa magaganap na event sa school mamaya ang dahilan ng pagkatulala ko nitong mga nakaraang araw at ngayon pero hindi.

Dahil ang totoong dahilan ay walang iba kundi. . .

'Yung taong crush ni Tae.

Tanda ko pa ang nangyari ng gabing iyon, ilang araw na ang nakakaraan ng may maganap na event dito sa pinagtatrabahuan ko. Alam kong hindi ako namali ng dinig. Halos mabingi nga ako at manikip ang dibdib ko sa narinig ko dahil na rin sa takot.

Alam na kaya ng taong iyon. .

. . Ni Hunter na ako si Silver?!

Kaya ba siya nagpunta dito ng mga tauhan niya ay para ipaalam sa akin na siya 'yung taong ka-muntikan ko ng mapatay kundi lang dahil sa pusang nanggulat sa akin eh pinaglalamayan na sana siya ngayon.

Bilang na ba ang mga araw ko?

Alam na rin kaya niya ang tungkol kina Jin hyung at Tae? Idadamay ba niya sila? Kasalanan ko ito 'te. Kung hindi lang sana ako nag mintis. Hindi sana mangyayari ang mga bagay na ito. Sana hindi ko tinanggap 'yung trabahong iyon. Ngayon dahil sa akin mapapahamak ko pa sila.

"Ui, kanina ka pa tinatawag ni Manager Lee. Out mo na." isa ulit sa mga kasamahan ko ang sumiko sa akin para kunin ang atensyon ko at agad akong napatingin sa cashier section at agad na yumuko kay Manager Lee at natatarantang pumasok ng Employee's room para hubarin ang suot kong apron. Pagka clock out ko ay nagpaalam na ako sa mga katrabaho ko at nagmamadaling lumabas papuntang school para sa event.

Habang nasa biyahe ako ay hindi ko maiwasang hindi maparanoid lalo na kapag may nakikita akong nakasuot ng suit. Pakiramdam ko tauhan sila ni Hunter na nagaabang lang na magawa ang utos niya sa akin.

"Ay naku, Jimin! Alam kong nakaka kaba 'yung performance mo maya-maya dahil sa dami ng manunuod lalo pa't ito ang unang beses na nag invite ang university ng mga taga labas pero huwag mo naman masyadong ipahalata sa amin. Tignan mo oh. Pawis na pawis ka, naka kunot pa iyang nuo mo. Ay naku, sinasabi ko sa iyo hindi maganda iyan. Mag shower ka muna para mawala iyang kaba mo. Freshen up bago ka namin ayusan." sabi ng isa sa head stylist namin sa school kaya impit akong ngumiti at pinagmasdan muna ang ilan sa mga kapwa ko magpeperform mamaya bago tuluyang lumabas ng changing room at dumiretso ng locker para kuhain ang mga gamit ko at mag shower.

Mukhang kailangan ko nga talaga ito dahil nanlalagkit ang pakiramdam ko.

"Ugh, ang ganda-ganda mo talaga, Jimin! Pustahan, paglabas mo palang nganga iyang audience sa iyo mamaya!" hype sa akin ng nagma-make up ng mukha ko ngayon. Nangiti lang ako biglang tugon. Ewan ko ba. Ang weird na nacocompliment ako. May ganuon bang tao gaya ko?

"For sure, madami na namang matatanggap na regalo ito mamaya. Hindi pa kasama 'yung post-performance. Yiiee. Wala ka ba talagang balak maging Idol? For sure naman maraming kukuha sa iyo. Maganda mukhang tapos talented pa." dagdag ng nagaayos ng buhok ko na nilalagyan ng silver hair clay na kumukulay sa blonde kong buhok, "Walant dudang sisikat ka agad kapag naging Idol ka."

TRINITY (BTS AU)Onde histórias criam vida. Descubra agora