TRINITY XI: BLINDING LIGHTS

50 6 3
                                    

"Hyung, they're starting to play dirty now. What do we do?" nagaalalang tanong ni Taehyung.

"I-I don't know! If in character ka, ano ba sa tingin mo ang gagawin mo sa mga oras na ito?" tanong ni Jin habang sinusubukan niyang ilagan ang mga iilang sasakyan na hinaharangan siya.

"Pero Hyung! Nasa umaandar tayo na kotse."

"So?" inis na tanong ni Hyung ng biglang binangga ang gilid ng sasakyan namin.

"Hindi ka si Tiger kung hindi mo kayang labanan ang mga ito. 'Yung Tiger na kilala ko at ng lahat, walang inaatrasan at hindi nagmimintis pumatay." saad ni Jin sa matigas na tono pero lumambot sa huli niyang sinabi lalo na ng mapansin niya ang guilty na mukha ni Taehyung.

Habang abala naguusap sina Jin at Taehyung, abala din si Jimin sa pag iisip paano siya makakatulong sa sitwasyon nila.

Naghahanap siya ng pwedeng magamit na armas sa humahabol sa kanila ngunit mukhang ordinaryong sasakyan lang ang kotseng minamaneho ni Jin hanggang sa mapangisi siya ng may makapa siya sa ilalim ng upuan.

"Uh, guys?!" tawag atensyon ni Jimin sa dalawa.

"Bakit?" sabay nilang tugon at itinuro ni Jimin ang nasa ilalim ng kinauupuan niya at halos lumuwa ang mata ng dalawa sa mangha at gulat.

"Taehyung, ikaw ang nagmaneho nito kanina 'di ba? Baka naman sa iyo talaga itong sasakyan at sinasabi mo lang na hindi ka marunong mag maneho?"

"Hyung. Hindi sa akin itong sasakyan. Kinuha ko lang ito. Mukha ba akong marunong mag maneho?" inis na tugon ni Taehyung.

Ngumisi naman si Jin, "Biro lang. Pero ang galing mong pumili ah." Syempre, alam ni Jin kung nagsasabi ng totoo sa kanya si Taehyung sa tanong niya.

"Oh tama na iyan! Baka magulat nalang ako magkaka inlove-an na kayo sa isa't-isa."

Agad na nag eye roll ang dalawa sa kanya at napatawa siya.

"Alam ninyo, hindi ko na-imagine na magkakaruon tayo ng ganitong moment sa buhay natin."

"Same." saad ni Taehyung.

"Ako ang gusto ko lang makaligtas tayong tatlo. Ayaw kong may mamatay sa atin." sabi ni Jin.

"Hindi tayo mamamatay, Hyung! Kasama ninyo yata ako. Tiger, remember?" as-a-matter-of-fact na saad ni Taehyung na kinangisi nina Jin at Jimin.

"Okay? At kasama ninyo naman ako na siyang balak humuli sa iyo, Tiger." natatawang sabi ni Jin na kinalaki ng mata ng isa.

"Hyung!" nakangusong tugon ni Taehyung.

"Na syempre hindi ko gagawin. Pamilya ko kita eh." napatingin si Jin sa rearview, "Okay guys, mamaya na ang daldalan. Naglalabas na sila ng laruan nila."

"No problem, Hyung. Ako ang bahala sa kanila." nakangising sabi ni Jimin at kinasa ang hawak niyang sniper gun.

"T-Teka, so sniper ka?" sabay na tanong nina Jin at Taehyung.

"Silver." kibit-balikat na tugon ni Jimin na kinalaki ng mata ng dalawa, "Alright, Hyung. Buksan mo na itong sasakyan."

"Alright, let's get the party started." sigaw ni Jin at pinindot ang pulang button na malapit sa manibela ng sasakyan sabay lakas ng volume sa kantang nagpe-play.

Pagpagitna ng dalawang bagong sasakyan sa kotse nila Jin, saktong bukas naman ng bubungan ng kotse. Perks of having a convertible car.

"Hi, I'm Jin." bati nito ng makita niyang binaba ng nasa kaliwa niya ang bintana ng sasakyan at nagkaruon siya ng pagkakaton na barilin ang nagmamaneho. Napatawa siya ng makitang halatang nagulat ang mga kasama nitong nakasakay sa luob. "Baguhan ba itong mga ito?" Ang tanong na nasa isip ni Jin ng mga sandaling iyon.

TRINITY (BTS AU)Where stories live. Discover now