TRINITY IV: RUN UP

75 7 2
                                    

JIMIN POV

"Cheers! Bago tayo bumalik sa reality pag alis natin dito bukas." naka ngiting sabi ni Hyung  pagka cheers namin ng mga baso naming may lamang red wine. Buti nalang at malakas ang alcohol tolerance ko kaya kahit pang lima ko na ito eh hindi pa ako tipsy besides hindi ako pwedeng malasing. I need to stay awake hanggang mamaya kapag tulog na sina Tae at Hyung. Iyon lang ang chance ko na makaalis sa nirentahan naming room ng hindi nila ako mahuhuli at tatanungin kung saan ang punta ko.

Hindi pa kami tapos mag dinner pero heto kami at nagiinuman na parang malalakas ang alcohol tolerance except me syempre kasi si Hyung halatang may tama na ng alak.

Kung nagtataka kayo saan ang punta ko mamaya at kailangan tulog na sila eh well, magpapakilala muna ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kung nagtataka kayo saan ang punta ko mamaya at kailangan tulog na sila eh well, magpapakilala muna ako.

Hi, I'm Park Jimin but you can call me Jimin or Chim gaya ng tawag sa akin nina Hyung. I'm a university scholar under the course of Major in Dance. Nagtatrabaho ako bilang part-time barista na siyang alam ng lahat pero other than that, isa din akong hired killer. Isa akong sniper at hep, huwag ninyo itong sabihin kahit kanino lalung-lalo na kina Hyung. Please, ayaw kong magbago ang tingin nila sa akin. Ginagawa ko lang naman ito dahil nagiipon ako para sa future ko. Gusto ko kasi yumaman at mahanap ang tunay kong mga magulang na nag iwan sa akin sa bahay ampunan ng baby pa ako. Feeling ko kasi kapag nahanap ko sila, duon palang mapupunan ang gap na pakiramdam ko ay kulang sa akin.

Matapos ang halos dalawang oras namin na pagtambay sa outdoor resto nitong resort na pinuntahan namin ay napagpasyahan namin na magsi balik na sa nirentahan naming kwarto para magpahinga. Buti na nga lang at hiwa-hiwalay ang kwarto naming tatlo kaya hindi ako mahihirapan sa gagawin kong pagtakas habang tulog sina Hyung at Tae.

Inip kong nililipat-lipat ang tingin ko sa kisame at sa wall clock habang pinapakiramdaman kung pwede na ba akong umalis.

Hay. Kailan kaya matatapos ang ganitong klase ng lifestyle ko? Nakaka kaba din kasi itong ginagawa ko. Natatakot ako na baka isang araw madamay sina Hyung sa ginagawa kong ito at ayaw kong dumating ang araw na iyon dahil tiyak kong wala akong ibang sisisihin kundi ang sarili ko kapag napahamak sila ng dahil sa akin. Whew.

Agad akong napabangon sa kama ng marealized kong 11 PM na. Shit! Ang sabi sa akin ng tinatawag kong 'Boss' na nakakausap ko lang sa cellphone ay 12 darating sa nasabing place na dapat kong puntahan ang target ko.

Dali-dali kong sinukbit sa likuran ko ang dala kong backpack at inayos ang kama ko na para bang natutulog ako at marahanag sumilip sa labas para tignan kung may mga makakita sa akin at ng masecure kong wala eh dali-dali na akong lumabas at agad na dumiretso sa parking lot kung saan nakapark ang iba't-ibang sasakyan.

Syempre hindi ko pwedeng gamitin ang sasakyan na nirentahan namin kaya naghanap ako ng pwedeng gamitin na sasakyan na hindi nalalaman ng owner at ng nakahanap ako ay dali-dali ko itong minaneho palayo sa lugar at papunta sa sinabing lugar sa akin.

TRINITY (BTS AU)Where stories live. Discover now