Siraulo siya na nga titigan siya pa may ganang sabihan akong adik.

"Yan kasi Angge, ang lakas ng tama mo." Biglang sambit ni Celine.

"Ikaw Celine minsan nagdadalawang isip ako kung bestfriend ba talaga kita o ano eh." Sarkastiko kong saad.

"Kaya nga binabash kita kasi bestfriend mo ako duhh." Inirapan niya ako at nagpatuloy na sa paglalaro

Maattitude talaga.

Nanuod na lang ako habang naglalaro sila ng biglang dumating si Ward at Cassy na magkahawak kamay. Mukhang ang saya nila, at mukhang enjoy na enjoy sila na magkasama. San kaya nagpunta tong dalawang toh.

"Good evening everyone." Maarteng bati ni Cassy.

"Evening din." Sabay-sabay nilang saad.

Kinakabahan ako... Sobra, hindi ako mapakali dito habang si Ward naman ay halatang naiilang din na titigan ako. Juskooo Angge! Yan kasi!

Hindi ako mapakali... Ewan pero parang may mali eh.

"Nagdinner na ba kayo?" Tanong ni Ward.

"Hindi pa eh hinintay ka kasi namin." Saad naman ni Zyrah.

"Oh siya sige dinner muna tayo tas sleep na tayo later kasi alam kong pagod tayong lahat... May binili kaming foods ni Cassy since dumaan Kami sa Mang Inasal kanina." Nilabas niya yung pagkaing dala nila at di ko mapigilang hindi mainggit kay Cassy.

Napapasunod niya ito sa isang salita lang.

"I'll prepare water muna." Kukunin niya sana ang lagayan ng tubig ng pigilan siya ni Ward.

"Cas, ako na." —Ward.

"No, I can do it naman Wardy." Sagot ni Cassy.

"No, ako na la—".

"Babe I told you ako na upo ka na lang jan okay? Di naman ako mapapano pag kinuha ko yung tubig diba?"—Cassy.

Natameme naman si Ward at hinayaan na lang si Cassy na kunin ang lagayan ng tubig.

Waittttttt! Babe? Sabi ni Cassy Babe daw. Juskooo tulungan niyo ako nag ooverthink na naman ang ferson.

Ayukong lagyan ng malisya pero dahil sa "Babe" nababother ako eh. Babe as a friend ba? Or babe as in babe?,

Hayysssss Angge stop it! Wala kang right magselos dahil hindi kayo and never kang magugustuhan ni ward.

"Hoyyy Angge?" Rinig kong tawag ni Celine sa akin.

"A-ano?"

"Kanina pa kita kinakausap kung want mo ba ng chicken?" Tanong niya. Napapadalas na yata pagkatulala ko ha.

"A-ah s-sige lang." Saad ko at ngumiti.

Maya maya pa ay tapos na akong kumain at ganun din sina Charice at Louise, si Jelly naman ay patapos na habang si Celine ay kumakain pa din.

"Iuuna ko na lang toh hugasan ward." Saad ko at tumayo.

"No, i'll do it later na lang Angge ako na." Saad niya at kinuha ang mga plato sa kamay ko.

"Ako na lang, kunti lang naman toh eh." Pag-iinsist ko pero tinaasan niya ako ng kilay.

"Angge, you still hurt your arm so let me." Ang sweet talaga ng babaeng toh. Tumango na lang ako  at bumalik sa inuupuan ko katabi ni Angel habang tinititigan si Cassy at Ward.

Pati paglagay ng kanin ay si ward ang naglalaagay sa plato ni Cassy. Lucky enough huh.

Time Checked: 10:25 PM

"Goodnight Angge." Hinalikan ni Jelly ang pisngi ko at ganun din si Louise sila kasi ang room mates ngayon.

"Goodnight."—Saad ni Zyrah at ng dalawang bakla. Si Coting at si Charice.

"Goodnight Angge, goodnight Angel, Goodnight Celine." Saad ni Cassy at niyakap kaming lahat. Si ward naman ay kumindat lang sa amin and lahat kami ay unti-unti ng pumasok sa mga kwarto namin sa bahay ni Ward.

"Busog na busog ako grabe." Saad ni Celine habang nakahiga sa kama.

"Ako din." —Angel.

Hinimas niya naman ang tiyan niya.

"Ilang buwan na beh?" Pang-aasar ko kay Angel.

"Siraulo." Tumatawa niyang saad. Ang ganda talaga ng isang AG ha

"Anyway, sino sa gitna?" Tanong ni Celine.

"Ayuko sa gitna eh."—Angel

"Ako din ayuko sa gitna."—Celine

"Oh siya ako na lang mukhang wala kayong gusto sa gitna eh." Humiga na ako at sumunod naman sila at ilang minuto pa ang nakalipas ay tulog na ang dalawa. Nakayakap si Celine sakin habang si Angel naman ay sumiksik sa leeg ko.

Pinapakiramdaman ko lang ang paligid. Di ako makatulog kahit anong gawin ko kaya naisipan kong bumaba at kukuha sana ng gatas ng may biglang ingay.

"S-sino yan?" Nanginginig kong tanong. Takot ako sa madilim eh.

"S-sino yan?" Tanong ko ulit.

Biglang nagpatay sindi ang ilaw kaya mas natakot ako ng biglang may naglakad kaya pinukpok ko gamit ang tumbler na dala ko.

"Arayyyyy!" Rinig kong sigaw niya. Teka, boses ni ward yun ah.

Biglang bumukas ang ilaw at nakita ko si Ward na hinihimas ulo niya.

"Warddoooo!!" Sigaw ko sa kanya.

"Ang sakit Angge!"—Ward.

"Ano ba ginagawa mo ?" Takang tanong ko.

"Hindi ako makatulog."Saad niya kaya natawa naman ako.

"Ah ganun ba... Ako din eh." Ngumiti ako at tinignan siya." Sorry ward kala ko sino ka eh, halika gamotin natin yan." Hinila ko siya at nilagyan na ng cold compress ang ulo niya.

"W-ward?"

"Hmm?—Ward.

"S-sorry kanina." Paumanhin ko. Gosh ang awkward naman nito.

"Ah y-yun ba? W-wala yun." Nauutal niyang saad. " It's okay, wala namang malisya yun eh. Straight tayo both and iba ang mahal ko Angge so walang kaso yun." Ngumiti sya at di na umimik pa.

Di ko mapigilan ang sarili ko, akala ko ay nung hinalikan niya ako pabalik ay may nararamdaman din siya ngunit iba pa din pala mahal niya.

And at that moment, di na ako nagsalita pa. Because I realize na wala din palang patutunguhan ang nararamdaman ko sa kanya. If I get hurt or not, it's up to me because I fall for her.

I fell for Ward.

If Parallel Universe Exist (WANGGE)Where stories live. Discover now