81.

311 22 57
                                    

ㅡ Aeri's

Agad naman kaming napatingin sa bagong dating na si Heeseung.

Oo tama kayo ng pagkabasa, nandito si Heeseung ngayon shuta tagal netong walang paramdam!

"Yun oh, late si Doc. bakit madami bang pasyente sa ospital ngayon?" Ni-ki

"Aba malamang ospital yun talagang madaming pasyente dun tanga, alangan naman tumambay lang sila para magpa aircon?" Sunoo

"Shuta tumgil na nga kayong dalawa, kumukulot yung bangs ko sainyo!" Shai

Narinig ko pa silang nagbabardagulan pero hindi ko na sila pinansin at pumunta nalang ako sa direksyon ni hee para yakapin sya.

Grabe namiss ko tong mokong na to, ghoster na kasi!

"Namiss mo naman ata ako masyado miss maam, Aeri?"

Heeseung said habang tumatawa pa sa gitna ng yakapan namin kaya bahagya ko syang tinapik sa likod.

"Siraulo, oo namiss lang kita!"

I said at kumalas na sa pag kakayakap sakanya saka sya tinignan ng nakangiti

"I missed you too Aeri. sorry nabusy lang sa shift, andami ko na kasing inaasikaso sa ospital."

"Hi? Hello? kami ba hindi mo namiss, ano kami hangin lang dito?"

Pakikisingit ni Jungwon kaya naman natawa si Heeseung at inaya ko na syang umupo at umorder ng pagkain nya.

"How's your shift bro?"

Jusko eto na naman si Jake mangiinterview, ewan ko ba dito hobby na siguro nya yan magtanong ng magtanong kung kamusta kami hays.

"Ulol wag mo ko ma 'how's your shift' dyan, hindi mo manlang ako binalitaan na nakauwi kana pala galing australia."

"Yung tabas ng dila mo Lee, hindi pa din nagbabago." Sunoo

"Ay kaylangan ba pag nagdoctor baguhin tabas ng dila?"

Heeseung said then he smirked kaya naman tinarayan nalang sya ni Sunoo.

"How do I will tell to you that na nakauwi na ko eh you're so bussy sa hostpital."

"Oo na, asan mga pasalubong ko?"

"Ay grabe yun hyung, 'mga' pasalabuong talaga? btw penge ako ah!" Ni-ki

"Naknang tinola ka talaga, maya kana busy akong tao Nishimura wala akong oras para hatian ka ng pasalubong."

"Aba naging doctor ka lang naging madamot kana, hindi ka ba marunong tumigin sa pinanggalingan mo?!"

"Shuta Ni-ki tigil tigilan mo na nga si Heeseung, kagagaling lang nyan sa shift tas iistressin mo pa."

I said at natawa nalang si Heeseung dahil dun.

"Kamusta ka naman Hee? shuta tagal mong nawala sa paningin ko ah, naka moveon kana ba sakin?"

I said at syempre nagjojoke lang ako, baka malay mo di pa pala sya nakaka momove on sakin, chariz.

"Sus ako pa ba, sa gwapo kong toh syempre nakamoveon na ako."

Natatawang sabi ni Heeseung saka sya tumikim ng inorder nya.

Napangiti naman ako sa sinabi nya. naniniwala ako sakanya at masaya akong naka moveon na sya. aba hindi talaga ako matutuwa if ever hanggang ngayon ako pa rin yung dahilan kung bakit di sya makapag jowa. masyado na akong maganda, tama na.

"Buti naman, edi may jowa kana?"

"N-Not now but soon kasi! mas atat ka pa ata sakin na magkajowa ako."

❝ARRANGED❞ | ᴘᴊꜱWhere stories live. Discover now